Danger!

2.1K 188 14
                                    

Chapter Eight

PANAY ang kindat ng cursor kay Mariquit. May dalawang oras na siyang nakatitig doon pero kahit isang sentence ay wala pa siyang naita-type man lang. Nakamot niya ng dalawang kamay ang ulo. Ang buhok niyang para ng binagyo ay lalo ng parang dinaanan ng sampung delubyo. May isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang tagpong iyon sa kanyang kusina. At bagama't umakto siyang kaswal lamang pagkatapos niyon ay hindi maitatangging natulig ang katinuan niya sa pangyayaring iyon.

"Argh, ano ba? Brain, gumana ka," marahan niyang inumpog-umpog ang ulo sa ibabaw ng kanyang mesa. "Aw."

Nahipo niya ang nasaktang noo. Pagkuwa'y nangalumbaba at muling tinitigan ang kikindat-kindat na cursor. It reminded her of Omi's naughty winks.

"Drat." Pati ba naman sa cursor naaalala niya ito? Isang linggo na nga itong nakatira sa utak niya pati ba naman doon. "Ang kulit mo talaga. Para kang dandruff na pabalik-balik."

Tinotoo nito ang pangako na padadalhan siya ng kapalit sa ulam na kinain nila. Mabuti na lang at may ref siya. Sa dami kasi ng ipinadala nito ay siguradong masisira lamang ang mga iyon. Kasya para sa sampung katao ang pagkaing ipinadala nito. Messenger nito ang naghatid kalakip ang mensahe ng amo na humihingi ng pasensya kung hindi ito ang personal na nagdala.

"Wala naman siyang obligasyon na gawin 'yon," pagkausap niya sa cursor. 

She twirled her hair around her forefinger. Mannerism niya iyon na minsan ay hindi niya namamalayan lalo na kapag malalim ang iniisip.

Narinig niya ang pag-vibrate ng cellphone sa ibabaw ng kanyang mesa. It was her personal cellphone. Iilan lang ang contacts niya roon. At madalas kung hindi si Emeliana ay ang abogado ng Lolo Anton niya ang nag-message. May contact naman siya sa Mommy niya at kay Marilag. Pero madalang pa sa ulan sa panahon ng tagtuyot kung maalala siya ng mga ito. Kelan nga ba siya huling kinontak ng nanay niya? Was it seven or eight months ago? Tumawag lang ito para magtanong kung may pera raw bang ipinatago ang Lolo Anton niya. Tingin yata ng ina sa kanilang mag-Lolo ay ATM.

She picked up her cellphone with a sigh. Nawala ang kunot sa kanyang noo nang makita ang picture ni Emeliana.

Busy ka?

She typed her reply. I'm stuck.

Let's go out para ma-refresh ang utak mo.

Tinatamad ako, nakasimangot niyang reply.

Naisip niyang siguro ay magaling na ang mga pasa nito kaya nagyayayang lumabas. For sure ay binigyan na naman ito ng pang-shopping ni Dustpan. Ganoon naman madalas ang mga ito. Pagkatapos gawing punching bag ang kaibigan niya bibigyan ng unlimited shopping allowance. Dustan is rich, after all. Kahit yata pumatay ng tao ay kaya nitong magbayad. Naiinis talaga siya. Pero ano nga ba ang magagawa niya?

Susunduin kita. Ligo ka na. 

Ayoko ngang lumabas! With exclamation point iyon para damang-dama talaga nito na ayaw niyang umalis ng bahay.

See ya!

Napabuntonghininga na lang siya. Binalikan niya ng tingin ang kumikindat-kindat na cursor.

Tch. She shuts down her laptop.

Wala naman siyang choice kundi ang pagbigyan si Emeliana. Kung makulit si Omi--there it goes again--doble ang kakulitang taglay ng kaibigan niya. Para itong pinagsamang hadhad at alipunga. Madalas niyang marinig iyon sa dating mayordoma ng Lolo Anton niya kapag pinagagalitan ang mga nakababatang kasambahay. At sa palagay niya ay applicable iyon kay Emeliana. Ito ang kinatawan ng hadhad at alipunga. Mukha lang itong hindi makapatay ng lamok sa hinhin pero tinalo pa nito ang toddler kapag sinumpong ng kakulitan.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now