Uncertainty

2.5K 222 15
                                    

Chapter Eleven

NANG muling imulat ni Mariquit ang mga mata ay umaga na. Hindi kaagad siya kumilos sa pagkakahiga. Her breasts hurt. Ganoon din ang hugpungan ng mga braso niya. Nang isa-isang magsulputan ang alaala ng mga nangyari nang nagdaang gabi ay napahugot na lamang siya nang malalim na paghinga. She's over crying now. Ibabaon na lamang niya sa pinakasulok na bahagi ng alaala niya ang bangungot na iyon. 

Isang masamang panaginip. Tama. Ituturing na lamang niya na isang masamang panaginip ang nangyaring iyon. Other women have been through worst but they still manage to get past it. And she will, too, by the strength of her will. Pasalamat na lamang siya na may isang Ominous Burman na dumating sa tamang sandali para mailigtas siya.

Nang maalala si Omi ay iginala niya ang mata sa paligid. Umuwi na kaya ito? Napansin niya ang maliit na blanket na nakakumot sa kanya. It's not hers. Maging ang unan na nahihigaan ay parang hindi rin sa kanya. Kung hindi lang pamilyar ang sala ay maiisip niyang nasa ibang bahay siya.

Nakita niyang bumukas ang front door. Pumasok doon si Omi na may dalang brown paper bags.

"Hey, kitten. Good morning!"

Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mariquit. Hindi niya rin napigilan sa pagtahip ang kanyang dibdib. Nakakahawa ang sigla at tamis ng ngiti nito. Iba na rin ang bihis nito at mukhang nakapag-shower na dahil mamasa-masa pa ang buhok

"Lumabas lang ako saglit para kunin ang ipina-deliver kong breakfast. If you're up for it, ihahanda ko na ito sa mesa."

Tumango siya at bumangon na sa pagkakahiga. Nakakahiya na ang sobra niyang pang-aabala rito. Mukha pa namang abala itong tao.

"Are these yours?" tukoy niya sa ginamit na blanket at unan.

"Yes. I asked Frank to pick some stuff in my house. You don't look comfortable sleeping on the couch. You were complaining about the smell of blood."

"I-I was?" hindi siya aware na ginawa niya iyon. 

Pero hindi rin magtataka kung totoo man. It wasn't the first time that she talked in her sleep. At sensitive din ang pang-amoy niya kaya madali niyang ma-detect maski usok ng sigarilyo galing sa kapitbahay. May sa K-9 yata ang ilong niya.

Matapos maayos ang hinigaan ay pinuntahan na niya si Omi. Napamaang siya nang makitang halos wala ng space ang ibabaw ng maliit niyang mesa sa dami ng pagkaing nakahain doon.

"Magbabanyo muna ako," paalam niya. Kahit hindi tumingin sa salamin ay siguradong kamukha na naman niya si Princess Merida.

Umihi siya at inibsan ang pamimigat ng pantog. Naghilamos atsaka nagsepilyo. As expected pagharap niya sa salamin ay para siyang pinagsamang Princess Merida at ang Lion King na si Simba. It didn't matter to her before because she doesn't care much about her physical appearance. Pero bakit ngayon ay parang conscious na conscious siya kung ano ang hitsura?

Napabuga siya ng hangin. Inilipad niyon ang buhok niyang parang makapal na kurtinang tumatakip sa buo niyang mukha. Naghanap siya ng panali sa buhok at ipinusod na kung papaano na lang ang mga sabukot na hibla. Another sigh slipped from her lips. Dati naman ay hindi malaking problema sa kanya ang bagay na iyon. Bakit ngayon ay naiinis siya na hindi tulad ng ibang babae na unat na unat at itim ang mga buhok na parang balahibo ng uwak. Kumikinang ang mga hibla na parang laging alagang-salon.

Well, you can't have it all, dearie, aniya sa sariling repleksyon.

"Are you sleeping in there?"

"Um, done now."

Paglabas niya ng banyo ay nakahanda na ang lahat. Sumalubong na naman sa kanya ang ngiti ni Omi. Ngiting dahan-dahang napawi nang mapatingin ito sa leeg niya. Imboluntaryong napahawak siya roon. Mandy choked her when she tried to scream for help. Thus, leaving Mandy's hand prints on her neck. Maputi siya kaya madaling makikita kapag may pasa.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now