Tigress Part 2

2.2K 179 13
                                    

Chapter Four

OMI took off his helmet when he parked his T12 in The Devil's Lair VIP parking. Ipinilig pa niya ang ulo atsaka hinagod-hagod ng mga daliri ang alun-along buhok bago pumasok sa loob ng establishment.

"It's good to see you again, Ominous," nakangiting bati ni Brigida pagpasok niya.

"Likewise, Brig. You're looking gorgeous as always. Tell me something. Have you found the fountain of youth?"

She grinned mysteriously. "That is something I'd like to keep to myself, if you don't mind."

Napatawa siya sa sinabi nito. Although if she claimed that she found the fountain of youth he would have believed her right away without any ounce of doubt. Mula nang makilala niya si Brigida ay wala halos ipinagbago ang hitsura nito. Kung meron man ay tila mas lalo pa itong gumanda habang nagkakaedad. Parang gusto na niyang maniwala sa minsang sinabi ni Scythe na si Brigida ay ang nagkatawang-tao na si Lilith.

"Your friends are already here," imporma ng misteryosang babae sa kanya.

"Thanks, Brig. Heto nga at mukhang tumatawag na," his cellphone was vibrating nonstop inside his leather jacket. Lumapad ang pagkakangisi niya nang mabasa ang pangalan ng caller. "Scythe."

"He's the first one to arrive."

"Doesn't he always?" he chuckled.

"I'll send more drinks. Or, female company, perhaps?"

"Uh, I think I'll pass."

"You found your keeper?"

He laughed and scratched the back of his neck. 

"Nah. I have a lot of things going on here," itinuro niya ang sentido. "And a female company is not very much welcome as of this moment. I only came here to drink and spend time with my pals."

"They told me the same thing."

"Laters, Brig," itinaas niya ang kamay.

Tumango lang naman ang babae at naghiwalay na sila ng direksyon.

"Ang tagal mo," iyon kaagad ang bungad ni Scythe nang makita siya.

Venom, Trace, Thorn, and Menace are already there with Scythe. Huli na niyang napansin si Ferocious kung hindi iyon umunat mula sa medyo dim na sulok ng pabilog na upholstered seat. Tahimik lang itong tumutungga ng alak.

"Hey," tango niya rito.

He just raised his bottle and nodded his head. Nakaramdam siya ng simpatya rito--well, lahat naman sila nauunawaan ang pinagdaraanan nito. Iba ang mawalan ng magulang at iba rin ang sakit na mawalan ng babaing minamahal.

Agad siyang inabutan ni Trace ng malamig na bote ng Supremo Beer. Isa sa ipinagmamalaking produkto ng kanyang distillery. Suwabe lang ang tama kaya sakto lang na pang-umpisa sa mahaba-habang inuman. Natitiyak niyang aabutin na sila roon hanggang sa pagsasara ng TDL.

"I saw that," nakangising wika ni Venom. "Are you trying to hit on Brigida Deville?"

"Fuck off," supla niya rito. 

"Ang kay Pedro ay kay Pedro," makahulugang sabi ni Menace.

"Sinong Pedro naman?" tanong ni Thorn. "Ikaw? Di ba may pinagagatas ka na?"

"Gatas pa rin ba?" ani Scythe. "Pakainin mo na ng solid food para mabilis lumaki."

"Mga tungaw. Huwag kayong makialam sa buhay ko," supladong sagot ni Menace.

"Ikaw, eh. Sino ba kasi si Pedro?" curious na tanong ni Trace.

"Kapag sinabi ko pare-parehong tagpas ang ulo niyo. Sa baba."

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now