Traumatic

2.5K 228 19
                                    

Chapter Ten

PARANG pinipiga ang dibdib ni Omi sa bawat mga impit na hikbi na nagmumula sa loob ng banyo. Pagkatapos niyang makalagan si Keith ay sinabi nitong maliligo ito para burahin ang bakas ng ginawang pambababoy rito ni Mandy. The latter was already unconscious after he punched him on the face. Pinatalian niya ito kay Frank at ipinalagay sa trunk ng kotse. Kung matutuluyan ito after twenty-four hours ay ipababaon na lang niya ito sa lupa kasama ng katawan ng dalawang kampon nito.

Nagngingitngit pa rin siya sa galit. Lalo na kapag hinahawakan niya si Keith at ramdam niya ang pangagatal nito. Pakiramdam niya maski sa kanya ay natatakot ito.

"Keith," kinatok niya ang pinto ng banyo kahit dinig pa rin ang lagaslas ng shower na nagmumula sa loob. "You've been there for two hours. Come out now. Baka naman umurong na ang balat mo sa sobrang pagkababad sa tubig."

Walang sagot. Nag-alala siya at muling kinatok ang pinto.

"Keith, Keith, open the door. Pinag-aalala mo ako," kung anu-anong images na ang nabubuo sa utak niya.

Baka sa tindi ng traumang pinagdaanan nito ay kung ano na ang ginawa sa sarili. Like cutting her wrist, maybe?

Shit! "Keith, Keith! God damn it, open the door!" halos gibain na niya iyon nang sunud-sunod na kalampagin ang pinto.

Nawala ang ingay ng lagaslas ng tubig sa banyo. Then he heard the door unlocked. Bahagyang umawang ang pinto nang mabuksan iyon.

"I-I'm done. I'll be out in a sec," ani Keith.

"Um, okay. I was just worried. I made you a cup of hot choco."

"Thank you..."

Inayos ni Omi sa mesa ang dalawang puswelo. Ang isa ay kape para sa kanya habang ang isa ay tsokolate. Ilang saglit lang ang lumipas at lumabas na nga ng banyo si Keith. Nakabalot sa ulo nito ang isang tuwalya. Ang suot nito ay cotton pyjamas at oversized tee. Lantad sa kanya ang maputing leeg nito na may bakas pa ng karahasan ni Mandy. Even her wrists and arms had some bruises. At nang sumuyod pa ang tingin niya sa kabuuan ng dalaga ay nakita niya ang mga pulang marka pababa sa pagitan ng dibdib nito. Although it was just a glimpse, he swore he saw a bite mark on her breast.

Lihim na napakuyom ang mga kamao ni Omi kasabay ang pagtatagis ng mga bagang. Kung nahuli pa siya ng kaunting oras ay hindi malayong sinapit din ni Keith ang nangyari sa mga babaing naging biktima ni Mandy. 

I swear, your death will not be quick, Mandy, saisip-isip niya.

"Thanks," ani Keith nang ilapit niya rito ang puswelo ng hot choco.

"Uh, ipinalinis ko na kay Frank ang lahat ng 'kalat' sa sala," by 'kalat' he meant the blood and the dead body of Mandy's goon.

She nodded and murmured another thanks. Ikinulong nito sa pagitan ng dalawang palad ang cup ng mainit na tsokolate. Nakatitig lang ito nang may ilang sandali sa umuusok na inumin bago pinangiliran ng luha ang mga mata. Saglit pa at nangatal ang baba nito. Kumagat-labi na parang pinipigilan ang sariling umiyak.

"S-si Dampot. Puwede bang ipa--"

"Piccolo called while you were in the shower. Luckily, Dampot survived that lethal blow to his head."

Her forlorn face suddenly lit up. "Really? I thought... oh, God. My baby is alive?"

"Yep. Malakas ang kapit ni Piccolo sa mga patron ng aso. Pero sa ngayon ay nasa recovery period pa si Dampot. Kailangan niya munang manatili ng ilang araw sa ospital."

"Ospital?"

"Yep. Doctor ng tao ang um-opera kay Dampot. Anyway it was a matter of life and death. Niluhuran pa nga raw ni Piccolo 'yong--uh, that came out wrong. I mean, Piccolo begged the doctor to treat Dampot. Hindi na raw siya naghanap ng Vet Clinic dahil ang priority niya ay mailigtas ang dalang pasyente."

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now