Rescue me

2.8K 261 38
                                    

Chapter Nine

MARIQUIT clutched her chest when she couldn't catch her breath. It was soon followed by a wheezing sound.

"Oh, God. May inhaler ka ba?" nataranta si Emeliana nang mapansing sinusumpong siya ng asthma.

Umiling siya. Her doctor didn't recommend it since seasonal lang naman siya kapag sinusumpong. O kaya ay kapag sobrang stress.

"I-I'll be fine," sinubukan niyang i-relax ang sarili.

Nang makarating sa basement ay nauna pa siya kay Emeliana patungo sa kinapaparadahan ng kotse nito. Habol niya ang hininga. Ang ilang shopping bags ng kaibigan na bitbit ay halos paitsa niyang inilagay sa backseat nang mabuksan ang pinto.

"Let's go. Please, hurry," natutulig na sabi niya pagkaupong-pagkaupo sa passenger seat.

"Baka gusto mong huminga muna," anang kaibigan.

"I'm okay. Just drive." 

Parang nakikita pa niya ang nanlilisik na mga mata ng dalawang lalaking iyon na humabol sa kanila. Kinikilabutan siya. Mabuti na lang at siksikan na sa loob ng elevator, hindi na umabot ang mga ito. Puwede kaya siyang magsumbong sa pulis? Kaya lang ay ano naman ang ilalagay niya sa report? Binasag niya ang itlog ni Mandurugas at ngayon ay hinahabol siya ng dalawang kampon nito? Isa pa iyon. Hindi niya alam kung ano ang buong pangalan ni Mando na Mandy pala talaga ang pangalan. 

"Ayos ka lang? Dalhin na ba kita sa hospital?" tanong ni Emeliana nang makalabas sila ng parking.

Sa halip na sumagot ay tumingin siya sa head view mirror at side mirror para alamin kung may kahina-hinalang bumubuntot sa kanila. Mukhang wala naman.

"Uy, ano na? Baka bigla ka na lang himatayin d'yan."

"Huwag OA, amiga. Ayos lang ako," medyo kumalma na ang tibok ng puso niya.

"Ano ba ang nangyari at mukha kang aligaga kanina?"

"Wala," ipinaling niya ang tingin sa dinaraanan nila. "May nakain lang siguro akong bawal sa akin."

Napansin niyang gabi na pala. Ang bilis ng oras kapag nasa loob ng mall. Kaunting tingin-tingin lang sa mga item ng bawat shop ay hindi na mapapansin ang mabilis na pag-usad ng bawat minuto.

"Or, baka masyado ka lang nalamigan kanina sa loob ng mall."

"Baka nga," isinandal niya ang ulo sa headrest at pumikit.

Rush hour na. May palagay siyang aabutin sila ng ilang oras sa kalsada kahit malapit lang naman ang uuwian niya. Nasa pinakamatrapik na bahagi pa naman sila ng Manila.

"Iidlip lang ako," aniya.

Lihim siyang napabuntonghininga. Kung sana ay nanatili na lang siya sa bahay at nakipagtitigan sa cursor ay hindi niya sana makikita ang mga taong iniiwasang muling makita. Pinilit niya ang sariling umidlip. Ganoong pagod siya paglalakad nang halos maghapon ay bagsak tiyak siya sa kama pagdating ng bahay.

Naidlip naman siya. Nang muli siyang magmulat ng mata ay umuusad na ulit ang sasakyan. Iyon nga lang ay malayo pa rin sa bahay niya. Kung naka-scooter siya ay baka kanina pa siya nakauwi. Sa kabilang banda ay bihira siyang abutin ng dilim sa labas ng bahay. Maliban na lamang kapag may bibihirang okasyon o importanteng lakad na hindi maiiwasan. Kasi tamad talaga siyang lumabas lalo na kung makaka-encounter siya ng ganoong heavy traffic. She hates being stuck in it for a few hours. Lalo na kapag mainit. Mabuti na lamang at isang de-klaseng sasakyan ang kinalululanan niya. Komportable na ay hindi pa siya pagpapawisan. The perks of having money. 

Muli niya sanang ipipikit ang mga mata nang dumukwang si Emeliana sa backseat at kunin ang dalawang shopping bags mula sa bunton ng mga pinamili nito.

"These are yours," anito sabay patong ng shopping bags sa kandungan niya.

The Untouchables Series Book 4 Ominous BurmanWhere stories live. Discover now