announcement

9 1 0
                                    

sports day Nung Araw na yun nang na assign kmi sa broadcasting booth at Ang trabaho lng Namin Doon ay mag announce at sundin Ang mga request songs nila...

habang nag aannounce Ako ay naisipan Kong mag break at maglakad sa buong campus para Naman masulit ko Ang sports day Ng school...

habang naglalakad Ako ay napadaan Ako sa Isang sulok papunta sa likod Ng Isang building...

naalala ko Yung huling announcement na sinabi ko... sa pagkakahula ko ay love confession Ang magaganap dun...

kayat walang pagaalinglangan  ay pumunta Ako... kahit silip lng Basta di NILA malalaman na nakikinig Ako sa kanila...

sa pagtago ko sa mga pader Ng building ay Tama NGA hinala ko... aalamin ko na Lang kung sasagutin sya o Hindi...

"I'm sorry... di kita gusto..." sambit Ng lalaki

tumakbo na lamang Ang babae habang umiiyak

maawa na sana Ako sa babae nang biglang nagsalita Ang lalaki:

"kung sino kaman..! lumabas kana..!"

kinabahan ako ksi takot Akong nahuli nang bigla nalng Siyang nawala...

"Ikaw pala... Yung babaeng nag aannounce sa stage..."

nagulat Ako ksi bigla nalng Siyang nagsalita sa likudan ko nang di ko alam...

agad niyang hinawakan Ang aking mga kamay at dinadala papuntang jail booth...

nakalimutan ko... sya Pala ay Kasama sa nakaassign sa jail booth... Patay...

papunta Doon ay ipinapasok na Niya Ako sa kulungan... kaya't buong loob Akong nagmamakaawa sa kanya:

"oy... wag mo Naman Akong ikulong...pakiusap... wala Naman Akong nalabag na batas... oy..."

"Meron" sagot Niya habang tinuro Niya Ang Isang board na puno Ng mga batas at Ang Isa Doon any Ang “bawal Ang chismosa“

"oy... walang tutubos sakin... Wala Akong gasinong kaibigan...oy... babalik pa Ako sa stage ksi mag aannounce pako.... oy... please..." buong magkakaawa ko

habang nagpupumilit na huwag ipasok sa kulungan ay may humablot sa aming kamay at nilagyan kmi Ng posas:

"hoy! para saan to?" tanong Ng lalaki sa naglagay Ng posas Samin

"Ang tagal mong nawala pare... pag bayaran mo..." sagot Ng Kasama into habang nakatingin sakin

"huwag Kang mag - alala... tatagtagin ko rin yan mamayang hapon o di kaya'y uwian na..." dagdag nito habang tumatakas sa ginawa nito

"so... Anong gagawin natin Ngayon?... tanong ng lalaki sakin

"di ko alam... di Ako makakabalik dahil Ng sitwasyon natin..." sagot ko sanya

tumingin lng sya sa posas at pag katapos ay tumingin sa iba pang mga booths

"Tara mag gala nalng Tayo..." sambit Niya habang nadadala Ako

pumunta kmi sa ibat ibang booth... Masaya na sana... kaso bat ksi Kasama ko sya..!

"oy... kuhanin mo nga yung tubig..." utos Niya sakin

"bat ko Naman Ikaw ay sundin?" tanong ko sa kanya habang naiinis

Agad niyang nilapit Ang Mukha Niya sakin at sumagot:

"pakatandaan mo... may kasalanan kapa sakin..."

sa sobrang lapit Niya sakin ay agad Akong inilayo Ang aking Mukha at iniabot sa kanya Ang tubig

"dapat nalang talaga nag pakulong nalang Ako sa kulungan... nakakainis!!!" sambit ko habang naka ungkot Ako sa table

tumawa nalng Siya sakin at pagkatapos ay inabutan Niya Ako Ng inihaw na Mais:

"o... yan libre ko na..." Sabi Niya

"para saan Naman iyan?" tanong ko habang hinahawakan ko Ang aking cellphone at chinachat Ang aking mga Kasama na Hindi Ako makakabalik Muna

"kanina ka pa kasing nakatingin dun sa stante Ng inihaw na Mais... baka gutom kana..." sagot Niya

"may sariling Pera Ako..." sambit ko habang ipinakita ko Ang pakete ko... pero d ko alam kung bakit ko parin tinagap Ang ibibigay Niya

sa pagtingin ko sa kanya, napansin ko na may itsura pala Siya... no wonder na lagi Siyang inaannounce Ng mga babae... sayang Yung limang Piso NILA...babastedin lng namn Sila in the end...

"huwag mong sabihin... nagkakagusto kana run sakin..?" tanong Niya sakin habang nakangiti

"heh!.. Hindi ako ganung tao... ayokong masayang Ang limang Piso ko sa announcement para sayo..!" naiinis Kong sagot habang inilapit ko Ang aking Mukha saknya at nagsalubuong Ang aming mga mata

"Andyan na Pala kayo... kanina ko pa kayong dalawa hinahanap..."singgit Ng lalaking nagposas saming dalawa

agad naming iniwas Ang aming mga Mukha sa isat Isa at di ko alam bakit Ako namumula...

"nakahiya..."pagiisip ko

inalis Ng Kasama Niya Ang posas sa aming mga kamay...

Masaya dapat Ako kasi Malaya Nako pero bat parang nalulungkot Ako...

Nakita ko Ang kalangitan na palubog na Ang araw at paglingon ko sa likod ay Wala na Sila...

iyon na Ang unang araw na nagkita at nagkausap kami...

huling Araw na nang sports day nang naka ungkot lang Ako sa Isang table Ng broadcasting booth habang iniisip Ang mga nangyari Nung Araw na iyon

"bakit..!? bakit di ko malimutan Ang mga nagyaring iyon...!?" pag iisip ko habang nagwawala Ako sa utak ko

dalawang araw na Ang lumipas nang nangyari Ang pangyayaring iyon pero bakit parang kahapon lang nangyari Ang mga bagay na iyon...

"oy... ibili mo nga Muna Ako Ng inihaw na mais... pakiusap..." Sabi ko sa Kasama ko na nag aannounce den sa stage

sa tingin ko... nahilig na Ako sa inihaw na mais

"dahil sa kanya kung bakit Ako nag kakaganto!!!!.."

Ako Yung tao na Hindi mahilig sa sports to the point na bulok talaga Ako sa sports, kaya tuwing may pa event sa campus tulad Ng sports day... asahan na Ako ay nasa mga booths... kaya't Ang boring....

pero Nung nagyari Ang mga bagay na iyon bat parang mas naeenjoy ko Ang intramurals Ngayon

"nakakainis" sambit ko habang kumakain Ng inihaw na mais...

"oy... magpalit na Tayo Ng shift... kanina ka pa Dyan..." sambit Ng leader sakin habang papaalis Siya

"O sigeee...!!" sagot ko habang bumalik na ulit Ako sa sarili at nag trabaho na

hapon na malapit nang magligpit Ng mga bagay na gimamit Namin Ng buong tatlong Araw... at parang may Mali...

"BAKIT PARANG GUSTO KONG MAG CONFESS...!!?!?"

di ko alam kung bakit pero ayokong binabagabag Ako Ng panghihinayang at kung ano pa... kaya't habang hawak ko Ang mic ay buong loob Akong huminga...

"miss puwede munang mahiram Ang micropono mo..?" tanong Ng Isang lalaki habang kinuha Niya Ang mic sa kamay ko...

sa pag masdan ko sa lalaki ay parang familyar Siya sakin... humarap Siya sakin at nag salita:

"di ko alam kung bakit Basta nang Nakita kita.... di ko alam... gusto na ata kita..."

nagulat Ako Hindi lang Isang direct confession Ang natangap ko... kundi Isang love confession:

"Huh...?!!?!?" sagot ko....

The Duchess Short Stories during her tea time Where stories live. Discover now