Maligayang Pasko (Merry Christmas)

3 1 0
                                    

"Merry Christmas...!"

Yun lagi Ang panimulang bati nila tuwing pasko...

Ng mga Bata na nakabihis Ng magara at namamasko samin

O ng mga kumare at kapitbahay ni mama tuwing nagpunta Samin

Pero para sakin parang Wala lang...

Di ko alam pero parang di na important sakin Ang pasko...

Kasi parang matanda na Ako para maki sabay sa mga Bata o di kaya'y masyadong Bata para makisabay sa mga matatanda....

Arrghhhhh...!!! Di ko alam....?!?! BAT KASI ANG HIRAP MAGING DALAGA....!!!!

"Ate...! Napuntahan na natin lahat Ng Bahay dito sa baranggay..." Sambit Ng nakakabatang Kapatid ko na sinasamahan ko sa pamamasko

Wag na niyo akong tanungin kung bakit....

Pakana kasi ito ni mama....

MASYADO NA NAMAN MALAKI NA SI BUNSO BAKIT KO PA KASI SIYANG SAMAHAN....!!!!

Habang nag lalakad kami papauwi ay Nakita ni bunso Ang Bahay ng kapitbahay namin, di pa Namin napuntahan Yun para mamasko...

At tsaka.... Ahemmm..... Iniiwasan ko Ang Bahay na iyon kasi.....

"Ate...!!! Tara mamasko Tayo kina tita at kuya...!!!" Alok Ng Kapatid ko habang pumupunta na Siya paroon

"HOY...!!! SAGLIT...!!! WAG...!!!" hiyaw ko sa Kapatid ko habang nasa pinto nasiya Ng Bahay

Kumatok Siya Ng malakas at nagsalita:

"Tita..!! Namamasko po...!!"

Ayoko na... 

Buti nalang walang tumugon sa kanya, kaya't dali - dali ko siyang hinila papalayo at nagmamadaling umalis:

"hoy...!! Kayong dalawa..!! Bakit kayo umaalis..?!" Tanong Ng lalaki habang binuksan nito Ang pinto ng Bahay nila

"Kuya...!! Di Naman Ako umaalis... SI ate kasi hinihila Ako papaalis..." Sagot Ng Kapatid ko habang hinihila Naman Niya Ako pagpasok Ng Bahay Nina tita

ITONG BATANG ITO....!!!

Minsan gusto na Lang maging hangin...

Naupo nalang Ako na parang normal at kalmado pero sa totoo lang...

KINAKABAHAN AKO....!!!! OMAYAGAD.....!!!

habang nag kakaroon Ako mental breakdown ay Ang Kapatid Kong pinakakamahal ay feel at home lang Ang mood at nakikisalamuha sa kanya at Kay tita...

Binuksan ko nalang Ang aking fb at nag scroll nalang para parang may ginagawa din Ako kahit naka upo lang Ako sa kanilang sofa

"Hoy...! Hanggang kailan ka pa matatapos diyan..?" Tanong Niya sakin habang umupo Siya sa tabi ko

Agad akong nagulat at lumayo agad sa kanya

"Hoy..!! Alam mo Naman na aykong ginugulat ah..!!"sambit ko sa kanya habang galit

Tumawa Nalang Siya at inabutan Niya Ako Ng softdrink at lumpia:

"Hahahaha...!!! Alam ko..."sagot Niya

"Paano mo nalaman na lumpia Ang paborito ko...?!" Tanong ko sa kanya

"Sabi ni mama na iabot ko daw sayo Yung platong may lumpia at samahan ko daw Ng softdrink..." Sagot Niya sakin Ng may ngiti sa Mukha Niya...

Bigla nalang akong namula at agad na inubos Ang lumpia at softdrink at aalis na:

"Sabi ni tita, busog ka pa daw sa noche Buena kagabi... Bakit mo inubos lahat..?"tanong Niya sakin

Agad akong nagwala sa isip kasi iyon ang Sabi ko Kay mama kaniniang umagahan:

"Ahhh.... B-Bawal kasi mag Tira o mag sayang  Ng pagkain sa pasko.... Yun Ang p-pamahiin Ng L-Lola namin..."

Sagot ko sa kanya kahit di Naman talaga nasunod sa pamahiin Ang pamilya namin

Tinawag ko kaagad ang Kapatid ko kasi natangap na Niya Ang pamasko Niya:

"Hoy...! Aalis ka kaagad..? Parang may nakalimutan ka ata...?"

tanong Niya sakin habang nasa pinto Ako palabas Ng Bahay nila

"Huh...?!?" Sagot ko habang nagkaroon Ako Ng malaking tanong sa isip ko

Inabutan nalang Niya Ako Ng pulang sobre at nag salita:

"Iyan... Merry Christmas... Bawi nalang Ako mamaya pag punta ko sa inyo..."sagot Niya

Tumango nalang Ako at umalis bigla Kasama Ng Kapatid ko na binuhat ko na, kasi Ang bagal niyang maglakad Ng mabilis

"Merry Christmas..."

Puwede din Pala itong saliatang pamaalam tuwing pasko...

Ng mga Bata...

Matanda...

At ni CRUSH...!!!!

The Duchess Short Stories during her tea time Where stories live. Discover now