reddish yellow

4 1 0
                                    

"so kailan ka mag co-confess sa anak ko?...hmm...?"

tanong Ng subject teacher ko sa akin habang kinukuha ko Ang mga notebook Ng aming klase

"ummm... kailangan ko na Pong umalis... baka Po ksi magsimula na Po Ang klase Namin... alis na Po Ako..." sagot ko Kay teacher habang pilit Kong tumakas sa tanong Niya

"Bakit kasi nasulat ko Ang pangalan Niya na may heart sa notebook ko...!!! nakakainis!!.." pagiisip ko habang dinadala ko Ang mga notebook Namin sa classroom

pagpasok ko Ng classroom ay biglang bumungad Ang kanyang Mukha sa harapan ko:

"nandyan ba Ang notebook ko..?" tanong Niya

agad Akong lumayo sakanya at pumunta sa aking upuan hawak Ang notebook... namumula...

"oy... um... mukhang nagkamali ka ata Ng nakuhang notebook..." sambit Niya sakin habang hawak Ang tunay Kong notebook

"huh..!?" sagot ko sa kanya habang binuklat ko Ang notebook niya at napagtanto na kanya nga iyon...

"ahh... sorry... di ko napansin..." dagdag ko habang pinalit Namin Ang notebook

"may sakit Kaba...? bakit namumula ka..?" tanong Niya habang lumapit Siya sakin... at pinagmasadan Ang Mukha ko

"di ka Naman mainit..." dagdag Niya habang inilapat Niya Ang mga kamay Niya sakin na para bang chinecheck Niya Kong may lagnat ako

Lalo na Akong namula sa mga sinabi at ginawa Niya... gusto ko na sanang tumakas nang may Isang estudyante Ang pumunta sa classroom:

"umm.... excuse daw po... dun sa anak po Ng science teacher nyo..Po..." pahiyang sambit nito

at dahil Doon ay umalis Siya at naiwan Akong namumula habang yakap Ang notebook...

hapon na at malapit nang matapos Ang klase Ng di Padin Siya dumadating... para bang may Mali....

Ang last subject Namin Ng science at di ko alam kung bakit nagtuturo parin si teacher Samantalang di pa umaatend Ang anak Niya sa klase...

tumayo Ang teacher Namin... ibig sabihin non ay tapos na Ang klase... pero imbes na goodbye ay iba Ang sinabi Niya:

"ah... syangapala nagtataka kayo kung bakit Maaga Tayo natapos Ng klase at di umaatend Ng klase Ang anak ko kanina pa...?" sambit Niya at parang tingin ko ay pinapatamaan Niya Ako...

"mag tratransfer ksi Siya Ng school...alam nyo na malapit na Akong matapos sa pagtuturo dito... kaya't aalis na kami..." sambit pa Niya habang iniimis nito Ang mga gamit Niya

"ah... dagdag pa Doon sa sa vice pres nyo... buksan mo Yung notebook mo sa science... inilagay ko Doon Yung copy Ng pinapakopya ko sa inyo since Ikaw Ang nag sulat sa blackboard Ng mga Araw na iyon..."paalala Niya sakin Bago ito umalis...

Kasama Ng madilaw na kulay Ng paglubog Ng araw ay Ang sulat na nakaipit sa notebook;

"malapit na Akong umalis... nag hihintay Ako sa clinic..."

"si mam talaga... alam na NGA Niya Ang sekreto ko... ginaya pa Ang sulat Ng anak niya para lang ma I ship kami..."naiinis Kong pagiisip habang ginusumot ko Ang sulat

alam ko na pakana iyon ni mam... pero bakit..?
bakit Ang sakit sa dibdib...?!

Kasama Ang nakatakdang Oras na Hanggang sa paglubog Ng araw at nakikita Ang farewell party Ng nanay Niya sa mga advisory class Niya ay nagmamadali Akong tumakbo papuntang clinic kung saan sinabing nandoon Siya... buong pagtitiwalang nandoon Siya...

kahit nag aalinglangan ay binuksan ko Ng pinto Ng clinic at nakitang nandoon Ang school nurse, naka upo sa table Niya:

"nandyan pa Po Siya..?" tanong ko habang hiningal

"Siya..? um... umalis na Siya kanina pa eh... sa pag kakatanda ko... Bago siya umalis ay parang nang hihinayang pa Siya eh... base sa Mukha Niya eh..."sagot Ng nurse sakin

"Wala Akong..!!.. ahem... puwede ko Po bang alamin kung saan Po possibleng Lugar Siya nagpunta...?" tanong ko pa uli sa nurse habang pinipigilan ko ang Galit dahil sa maling sagot Niya...

"um... ate... Sabi daw Ng kuya... pag dumating ka daw at nag tanong sabihin ko daw nasa shade daw sya sa may labas Ng School..."sagot Ng Batang limang taong gulang na anak Ng nurse

kahit pagod at hiningal ay patuloy parin Akong tumakbo papunta sa Lugar na sinabi Ng Bata kahit malapit nang lumubog Ang araw at Ang pag iisip na baka naka alis na Siya

"bakit Hindi agad Ako naka pag confess sa kanya...!!!" pag iisip ko habang parang gusto ko nang sumuko

sa wakas nakarating din Ako...

Masaya na sana Ako....

ngunit Wala na Siya...

nabalutan Ako Ng lungkot at dismaya habang nagmamasid Ako sa shade at naupo:

"nakakainis ka...!!! Sabi mo mag hihintay ka sa may clinic then naging nasa shade na tapos Wala ka Naman Pala...!!!" sambit ko habang nagpipigil Ng Galit

huminga Ako Ng malalim at sumigaw:

"kung aalis ka lang Naman... ibalik mo sakin Ang position na rank 1...!!!! president ka pero bakit mo iiwan sakin Ang mga trabaho mo...!!!"

bigla na Lang tumulo Ang mga luha ko...

"kung aalis ka alang Naman... bakit ka pa nagpakita sakin..."sambit ko

kasama Ng mapulapulang dilaw na paglubog Ng araw Ang Isang anino Ng tao na nagpakita:

"bakit ko iiwanan Ang aking vice president nang may sama Ng loob sakin..?"sambit Nito...








The Duchess Short Stories during her tea time Where stories live. Discover now