reconciliation

5 0 0
                                    

            Sa pagbaba ko Ng bus ay Nakita ko na
Ang Lugar kung saan gaganapin Ang aming field trip.....

"Bakit parang familiar Ako sa Lugar na ito..?!?" Tanong ko

Sa pagsalubong Ng tour guide samin ay may dumating pang Isang bus. Bumaba Ang mga sakay into na naka p.e. uniform din...

Sa pagtingin ko sa mga tao doon ay nakasalubong ko ng mata Ang isa sa mga lalaki doon....

"Bakit parang sobrang familiar ko sa taong iyon..." Tanong Ng utak ko

Sinundan ng aming klase Ang tour guide at habang nag nililibot kami ay nag kuwento Siya:

"Ang Lugar na ito may Isang mytholohiya... Ito daw ay Ang Lugar Ng magkasintahang anghel at demonyo. Sinasabing naiwan daw dito Ang sumpaan nila.... Na.....

Sa pagpapatuloy ng tour guide ay sumakit Ang ulo ko at parang nagdidilim Ang paningin ko

Narinig ko nalang SI pres. Nagsasalita:

"Ms....! Pasintabi na po, pero Yung isa po naming kaklase ay nahimatay na po...!!!"

Sa pagmulat ko ay nasa kaparehong Lugar uli ako ngunit, Walang mga tao?!

Sa paglilibot ko ay Nakakita ako ng isang lalaki, parang familiar siya sakin

Lumapit siya sakin at lumuhod siya sabay hinalikan ang aking kamay;

Sa pagtingin ko sa kanya ay mayroon siyang mga sungay at pangil ngunit ang gwapo niya....!?!

"Aking mahal na anghel...." Sambit niya

"Huh..!?! Anghel...?!?" Sambit ko habang tumakbo ako sa lawa at tiningnan ko ang aking sarili sa reflection. Isang magandang bababe na may puting buhok at gintong mata na may maputing pakpak ang nakita ko at nakakagulat na kamukha ko ang nasa reflection.

Tinawag ako nang lalaki at lumapit siya sakin. Naglakadlakad kami papunta sa isang green house na puno ng mga bulaklak at humarap sakin

Inabutan Niya ako ng isang ------ na bulaklak at nag salita;

"Alam natin na ang pagmamahal na ito ay ipinagbabawal ngunit ayokong mapahiwalay sayo.... Kung sakaling tayo ay mag kawalay ay nawa'y magkita tayo muli... Wag mo akong kalimutan..."

sambit niya habang nakita ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan at niyakap niya ako...

Naramdaman ko nalang na tumulo nalang ang luha ko at sa pagyakap ko sa kanya ay ramdam ko na para nalang akong nahulog sa malalim sa kadiliman.

Sa pag mulat ko uli na kita ko na maliwanag ang paligid dahil napapalibutan nito ng nag liliyab na apoy, nalikita ko ang lalaki ay nakaluhod at binabalutan ng dugo ang katawan. Tumakbo papunta sa kanya at hinawakan siya nakita ko nalang siyang naghihingalo. Lumapit siya sakin at sinambit ang "Wag mo akong kalimutan.." bilang huling hiling niya...

Bumigat ang pakiramdam ko na may kasamang galit at kalungkutan habang umiiyak at sumigaw dahil sa pagkawala niya.

Gumising uli ako at bumalik na ako sa kasalukuyan pero patuloy parin ang aking luha. Pag tingin ko sa paligid ay madilim na at parang tulog na ata ang aking mga kasama, kaya't bumangon ako at tumakbo papunta sa green house ng lugar.

Sa pag hawak ko ng pinto ay bukas ito, parang may nag bukas... Kasama ng kaba ay pumasok ako nakita ko ang loob ay puno ng bulaklak. Nakakita ako ng isang lalaki na nakatayo sa mga bulaklak at napansin ang aking pag pasok.

Tumingin siya sakin at tumulo nalang ang aking mga luha dahil kamukha niya ang lalaki sa aking panaginip...

Napaluhod nalang ako kasi buhay pa siya at ngayon ay malaya na siya...

Lumapit siya sakin at inayos niya ang aking buhok at nilangyan niya ito ng bulaklak at tumingin sakin:

"Naalala mo na din ang lahat hindi ba?" Sambit niya habang tumingin siya saking mga mata

Nagulat nalang ako sa mga sinabi niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

Naalala ko na ang lahat at niyakap ko siya ng mahigpit at sinambit

"Hindi kita kinalimutan...."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Duchess Short Stories during her tea time Where stories live. Discover now