07

158 24 4
                                    

Gabriela

September 02, 8:01 pm

10 pm ba uwi mo tonight?
Nakalimutan mo ‘yong dinner mo sa ref
Luto ko pa naman ‘to with love for you 😡
Kainin mo ‘to pag-uwi ha

8:15 pm

Onga pala, magkwento ka nga about
sa date mo kagabi
Kaninang lunch ilag na ilag ka eh
Sabi ko sa ‘yo may gusto sa ‘yo ‘yon!

8:30 pm

Ang boring :/ tapos na ako sa schoolworks ko
Aga naman natulog ni mau

8:35 pm

pauwi na ako

HELLO buti naman

daming text ha
busy ba si roxy?
kakainin ko ‘yang luto mo
with love pag uwi

Roxy ka na naman
Hindi ko naman crush ‘yon!
Magkaiba ang “squish” at “crush”
We’re good friends

sabi ko nga

🙄🙄🙄🙄

8:50 pm

sa totoo lang, hindi ako kumportable
magkwento kanina
pero georgina kissed me without asking me
hello? kahit bayad ‘yong date at least konsiderasiyon naman sa boundaries ko hahaha
hindi naman niya pinost ‘yong pic pero ang weird pa rin. ano’ng gagawin niya do’n kung hindi niya ipopost?

Tigilan mo na, ryan
I think two weeks is enough sa date na ‘yan
Kung hindi pa gets ng manliligaw niya na ayaw niya nga magpaligaw, hindi mo na kargo ‘yon

Naghahanap na ulit ako ng part-time para sakto after exams I can start working again
I wish I didn’t get fired sa lecheng cc edi sana hindi doble pasanin ‘yong bills
I’m so sorry, ryan

ang dami niyo namang nagsosorry ngayon
okay lang ‘yan. kaya ko naman
kahit minsan mabigat ‘yong trabaho sa café
kahit nakakaimbyerna mga customer minsan

saka ano ka ba, no’ng ako nga
may kailangan sa ‘yo tinulungan mo ako
you and mau mean so much to me
i will do everything for the two of you

HMP
Naiiyak ako bigla
Uwi ka na nga asan ka ba

nandito si eiza

Ay ‘yan ba ‘yong bago mong crush 🤨

joke lang ‘yon hahaha

Dati nagbiro ka sa ‘kin, hindi naman
talaga biro 😡
Mag-ingat ka pauwi
Sige na antok na ako

sige goodnight
lock mo pinto

Aye my lesbro

... are we in love?Where stories live. Discover now