40

118 18 9
                                    

Gabriela

October 02, 2 am

Hay, Ryan
Himbing ng tulog mo sa gitna namin ni mau ngayon
Hindi ako makatulog pa sa inis kaya itetext ko na lang, okay 😡

2:05 am

Tagal na no’ng nakita kita umiyak
O baka tinatago mo lang sa ‘kin hahaha
Pero grabe naman magpugto mata mo after umiyak kaya baka masaya ka lang talaga sa ‘min

Gustong gusto ko sapakin kuya mo kanina sa totoo lang
Halos limang taon sila hindi nagparamdam sa ‘yo tapos biglang mang-iimbita kasi gusto magsorry?
Inis na inis talaga ako

2:15 am

Naalala ko iyong unang iyak mo sa harap ko noon
No’ng umamin ka sa kanila tapos sinunog nila lahat ng dvd collectibles mo no’ng sinabi mo sa kanilang balak mo rin magfilm sa college tapos pinalayas ka

Galit na galit na sila sa ‘yo
Ilang oras kang umiiyak no’n sa ‘kin akala ko nga hindi ka na tatahan
Kinabukasan wala kang ka-amor amor gumising. Nawala ka bigla. Nawala ‘yong Ryan na kilala ko.
Wala ka nang balak mag enroll. Ayaw mo na mag-aral pero gumawa talaga ako ng paraan. Ayaw ko pumayag na sisirain ng pamilya mo pangarap mo, gaano man kaliit tingin nila sa ‘yo

2:22 am

Noong una, naghehesitate pa ako eh
Binili ko iyong nakita kong studio ghibli dvd collectibles dati, ang mahal pa pota naubos allowance ko 😭 pero nag-iisa na lang kasi kaya binili ko na

Hindi pa ako sigurado non kung magugustuhan mo ba kasi animated films pero pinush ko na may kasamang dasal na sana magbago isip mo. I was hoping it would fuel your drive to study again, to dream again. Kung hindi, hindi pa rin naman ako titigil non

2:29 am

Pero tandang tanda ko iyong pangalawa mong pag-iyak sa harap ko no’ng binigay ko ‘yong collectibles. Una mong sinabi, “Thank you. Mag-enroll tayo. Magtatrabaho ako. Mag-aaral ako, Gab.”

Tinapos mo lahat ng ghibli movies. Naiiyak ka na sa tuwa tapos bukambibig mo kung gaano ka kaexcited magkolehiyo

Aaminin ko rin na one time, gusto kong pilitin ka magshift ng kurso. Pangatlong beses na umiyak ka sa harap ko, iyon ‘yong araw na nanghihingi ka ng tulong sa kuya mo pang-tuition kasi wala ka pang mahanap na part-time. Nainis pa nga ako pero wala eh, naiintindihan ko naman. Hanggang sa dinedma ka ng kuya mo. Sobrang galit na galit ako non. Gago, 18 lang tayo no’n, eh. Hindi ka rin sanay sa mabibigat na trabaho, pero no’ng pipigilan na sana kita, umiyak ka na naman sa harap ko tapos pinanood mo na lang ulit ‘yong animated films.

2:35 am

Sabi mo hindi mo na ulit ‘yon gagawin. Hindi mo na sila babalikan. Hindi mo na sila iisipin. Magpupursigi ka kahit mahirap at literal na nakita kong naghirap ka. Do’n na ako nagkaroon ng madalas na urge na itulak ka sa ibang kurso pero hindi ko natutuloy kasi araw-araw mo ring pinapakita kung gaano mo kamahal ‘yong film, eh. Minsan hindi ko maintindihan, pero kapag nakikita kitang masaya, nagiging sapat na ‘yon na dahilan para suportahan ka.

Hindi ko maintindihan bakit kailangan nilang gawin ‘yon sa ‘yo lalo na parents mo? Ni-ha ni-ho wala. Kapag nakita ko sila sa grad day, aawayin ko sila 😡

2:45 am

Kakainis. Sasabihin ko naman ‘to lahat kanina pero wala kang gana eh :(

Mahal kita, Ryan. Sobra. Sana hindi ka masyadong magpaapekto sa kurimaw mong kuya. Kapag ginulo ka ulit, sasapakin ko na siya. Susugod na ako sa mansion tapos magmemegaphone ako sa gate. Mumurahin ko sila!

3 am

I love you, Ryan
Huwag kang hihinto mangarap, ha
Nandito lang kami ni mau sa tabi mo.
Palagi’t palagi.

... are we in love?Where stories live. Discover now