62

117 17 35
                                    

INT. (Inside of the location)
EXT. (Outside of the location)

━━━━━━━━━━

EXT. EIZA'S LOFT APT. - NIGHT

Mabilis na dinala ni Eiza ang sarili sa harap ng salamin at inayos ang buhok at pinagpag ang sarili habang hawak ang isang box ng banana bread na binake niya buong hapon. Pekeng umubo pa 'to at diretsong lumabas para salubungin si Ryan.

Both repressed a smile upon seeing each other. Mailaw na ang labas at matao. Awtomatikong naglalaho ang mga ito tuwing kaharap ang isa't isa.

EIZA
Denis!

RYAN
Eiza.

Saglit na nagkatinginan ang dalawa. Parehong nagitla nang may matuling motor na dumaan.

EIZA
Here's the banana bread I told you!
Sana magustuhan niyo.

Tinanggap agad ni Ryan ang box. May ribbon at sticky note pa ito para kay Maurice at Gabriela. Inabot naman ni Ryan ang copy ng manuscript kay Eiza.

EIZA
Thank you, Denis. Sorry nag-abala ka pang
daanan 'to. Did you ride the bus?

RYAN
Sus. Wala 'yon. Ako talaga dapat ang nag-aadjust. Salamat sa banana bread. Yes, nagbus ako.

Tahimik na napalunok si Eiza nang nginitian siya ni Ryan. Tamang naka-puting t-shirt at shorts pambahay lang 'to. Nakalaylay ang buhok at magkabilang nakasubit ang iilang hibla ng buhok sa harap sa likod ng tainga. Amoy ni Eiza ang pamilyar nitong pabango.

Natuptop ni Ryan ang labi nang matitigan si Eiza. Cute na cute sa suot na pink t-shirt na may teddy bear design at silky shorts pambaba. Kita niya ang pamilyar na liptint na sinusuot ng dalaga. Ito ang suot niya no'ng lumabas silang dalawa sa Mall. Gustong gusto niya kung gaano nangungusap ang mga mata ni Eiza. Parang dalawang pares ng bituin.

RYAN
Eiza?

Napakurap si Eiza.

EIZA
Sorry?
Aalis ka na ba?

RYAN
Hindi.

EIZA
Do you want to stay for a bit?

RYAN
Lalamig 'tong banana bread, eh.
Balikan na lang kita?

EIZA
Wait, huh? Hindi na! Nakakapagod magpabalik-balik dito, Denis. Sige na.

Natawa na si Ryan. Napakurap naman si Eiza.

EIZA
Why are you laughing?
It's getting late!

RYAN
Ang cute mo kasi.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Eiza sa narinig. Napahawi si Ryan sa ibabaw ng kanyang buhok.

RYAN
Kumain ka na ba?

EIZA
I'm gonna eat later.

RYAN
Kain tayo.

Ngumuso si Ryan sa eatery ni Nanay Dins.

... are we in love?Where stories live. Discover now