70 - I

214 13 73
                                    

INT. APARTMENT’S PARKING LOT — DAY

Nakahalukipkip si Ryan at nananakit ang sentidong pinagmamasdan ang dalawang motor na nakaparada sa harap niya. Gabriela could only sigh and stand beside her best friend, hindi rin malaman ang gagawin.

GABRIELA
Ano, ibabalik ba natin?

RYAN
(sighs)
‘Wag na. Nandito na, e.
Ayoko na ng sakit ng ulo.

GABRIELA
(frowns, narrowing her eyes to Ryan)
E, ano’ng gagawin natin d’yan? Buti kung hindi
tayo sisingilin ni Aling Tina ng parking fee.

Mabilis na nawala ang pagkunot ng noo
ni Ryan sa narinig.

RYAN
(chuckles)
Sus. Ako bahala.
May naisip ako.

GABRIELA
Ano?

RYAN
Punta tayo San Junipero?

Mabilis na umiling si Gabriela. She tried her best to refuse without malice written all over her face.

GABRIELA
Okay lang kami.
Enjoy your solo time, ‘no ka ba.

RYAN
(eyeing Gabriela)
Walang plano?

Gabriela
(nailing)
Wala! Busy kami ni Mau para
sa upcoming filming mo.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa bago umiwas si Ryan at nagpakawala ng maliit na buntong hininga.

RYAN
Asan susi? ‘Yung sa scooter.

GABRIELA
(confused, she handed the other
key to Ryan)
Can you still ride a scooter?

RYAN
(shrugs)
I can try.

Saglit na natawa muli si Ryan nang mapuna ang pagsama ng tingin ni Gabriela. Nag-aalala ito. Marahan niyang siniko ang kaibigan at nginitian.

RYAN
Mag-iingat ako.
Dalhin ko lang saglit, okay?

GABRIELA
Bahala ka. Basta ingatan mo si Eiza.

RYAN
Si Eiza pala concern mo, e.
S’yempre naman.

GABRIELA
(repressing a laugh)
Kumokorni ka na talaga. Alam mo kung
anong klase ng sintomas ‘yan?

RYAN
(natatawang napailing)
Ewan ko sa ‘yo. Sige na. Balik ka na sa taas.
Ako na kakausap kay Aling Tina.

Tumango si Gabriela at mabilis na pumulas sa harap ni Ryan. Nabalik ang tingin niya sa dalawang motor. He couldn’t believe what he was seeing. Alam na alam niya ang dalawang modelo ng motor dahil isang beses niya ‘tong nabanggit no’ng highschool siya. Isang cruiser, isang scooter.

It didn’t take him ages to walk closer towards them and hopped on the scooter. It was heavy and it kind of caught him off guard. Ginala niya ang paningin sa bawat parte ng scooter. High school Ryan would be thrilled and would jump in happiness if he got these gifts sooner.

He used to ride motorcycles during his freshman year. Natuto siya sa mga nakilala niya sa Lesbar at parating nanghihiram ng motor kapag may gusto siyang puntahan. He stopped when he started working at the café.

It took him minutes to revved the engine using the key. Kabado itong binabalanse ang sarili sa motor at marahang pinaandar ito palabas ng parking.

━━━━━━━━━━

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

... are we in love?Where stories live. Discover now