Kabanata 1

15 2 0
                                    

7:30pm na pero wala pa si kuya. I texted him pero ni isa sa text ko walang respond nya. I also texted ate Ivone but she didn’t respond too.

Naupo lang ako sa shed habang naghihintay kung sakali mang dumating sila.

Dumating ang 8pm pero wala parin sila. Kaya tinext ko na si Cyren para sunduin ako‚ malapit lang naman ang kanila.

Nagulat ako sa pag vibrated ng phone ko‚ kaya agad ko iyong tinignan baka kasi si kuya o si ate yon pero nagkamali ako.

Ren is calling...........

I answer it at pagalit na boses nya ang bumungad sakin.

“Nasan ka bang babaita ka? Andito na ako malapit sa school‚ nasan ka?!” hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon. Takot na kasi galit sya or tuwa kasi concern sya sakin.

Hays malamang‚ Maris. Kaibigan ka nya kaya concern sya sayo.

“I’m here at shed” maikling sabi ko lang.

Nang makita ko ang bulto nito pinatay ko na ang tawag‚ tumatakbo naman ito papunta sakin.

He’s wearing a faded sando shirt and a short. Hindi halatang bakla sa suot nya.

“Bakit ba hindi ka na lang sumabay kay Kath kanina e.” pagalit na sabi nito.

“Akala ko kasi susunduin ako ni kuya” nakakadisappoint naman kasi sabi nya sya ang susundo sakin‚ pero hindi nya ginawa.

“Hahatid kita‚ kukuhain ko lang yung kotse kay tito. Tara muna sa bahay” aya nito sakin.

Nakahawak lang ako sa braso nya habang naglalakad kami‚ may kaiksian ang suot kong skirt at mahangin rin kaya hirap akong maglakad.

Tumingin sya sakin. “Are you ok?” tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot.

May nadaanan kaming nag-iinom sa kalye kaya kinabahan ako. Nagulat na lang ako nang bilang pinagpalit ni Cyren ang puwesto namin. Kinuha nya rin ang bag ko at ipinantabing sa likuran ko.

“Psst‚ Miss” ani isang lasing.

“Don’t look back‚ maglakad ka lang. Don’t mind them.” bulong ni Cyren sa akin.

Sinunod ko naman ang sinabi nya‚ hanggang sa malagpasan namin ang mga lasing.

Nakarating rin kami sa kanila at pinapasok nya ako. “Rito ka lang ha? Kukuhain ko lang yung kotse kina tito.” tumango lang ako.

“Ma! My friend is here‚ pwedeng pabantay muna? Kukuhain ko lang po yung kotse kila tito!” sigaw ni Cyren‚ agad namang lumabas sa isang kwarto ang mama nya.

“Hi po” bati ko.

Ngumiti ito sakin saka lumapit. “Hello‚ Marisette right?” tumango naman ako.

“Alis nako‚ Ma.” paalam ni Ren bago lumabas ng bahay.

Kinausap pa ako ng Mama nya. She was so jolly and talkative‚ sa tagal naming magkaibigan ni Cyren ngayon ko lang nakita ang Mama nya.

Maya maya pa ay dumating na rin si Cyren dala ang kotse ng tito nya.

“Bye po‚ tita. Nice to meet you po” paalam ko kay tita saka humalik sa pisngi nito.

“Bye‚ bisita ka uli rito ha?” masayang aniya. Bumaling sya kay Cyren. “Drive safely‚ Cris. Ingat kayo” nagwave sya samin bago magdrive si Cyren.

“Thank you ha? Sorry rin sa abala” sabi ko kay Cyren bago bumaba ng kotse.

“No worries‚ baks.” saka sya kumindat.

“Ingat ka” tinanaw ko ang papaalis na kotse ni Cyren bago pumasok sa loob ng bahay.

Bumungad sakin si kuya at ate Ivone. Nanonood sila ng movie. Nang mapansin nila ang presensya ko‚ tumayo ang mga ito.

“Andito kana” si kuya.

Hindi ko sya pinansin‚ lumakad lang ako ng diretsyo papunta sa kwarto ko. Ni lock ko iyon saka bagot na humiga.

Sa sobrang pagod ko nakatulog ako ng hindi na nakapagbihis‚ hindi rin ako nakakain. Nagising lang sa katok na nanggagaling mula sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ako para buksan ‘yon. “Good morning‚ Maris.” masiglang bati ni ate Ivone. “Kakain na” dagdag pa nito.

Tumango lang ako at pabarang isinara ang pinto. Isipin na nya’ng bastos ako‚ wala akong pake.

Pagbaba ko ng hagdan naghahain na ng pagkain si kuya. “Kain na‚ Maris.” aya nito sa’kin. Tamad akong naupo sa upuan at sinumulang kumain.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa hapag habang kumakain kami. “Sorry last night‚ hindi ka namin nasundo.” putol ni kuya sa katahimikan. “Babawi na la--”

“Don’t bother‚ Kuya. Sanay na 'ko sa panay mga salita lang.” ngumiti pa ako bago tumayo at umalis sa hapag.

Since 9am pa lang‚ nagbasa muna ako ng mga libro at nagreview bago naligo. Tin-ext ko rin si Kath na sabay kaming papasok‚ kaya dadaan sila rito samin.

Nag-aayos ako ng gamit nang biglang nag ring ang phone ko.

Kathy is calling.......

Agad ko itong sinagot. “Andito na kami sa harap ng bahay nyo” pinatay ko rin ang tawag matapos sabihing inaayos lang ang gamit ko.

Nasalubong ko pa si Kuya sa hagdan but I didn’t bother to look at him.

“Sorry natagalan” aniko kay Kath.

“Ok lang‚ ano ka ba” tugon naman nito.

Nakarating kami sa school 10minutes before 12pm. May quiz kami ngayon‚ kaya hindi muna makapagbardagulan ang dalawa kasi nagre-review pareho.

“Di 'ba sa Gross motor is yung large muscle's ang ginagamit. And sa Fine motor  ay ang small muscle's like fingers?” tanong ni Kath sa 'kin.

“Yeah” tumango tango pa 'ako. “Ambidextrous ba 'yong ginagamit ang kaliwa't kanang kamay?” tanong ko rin kay Kath.

“Siguro? Hindi ko rin alam‚ wala kasi sa notes ko 'yan e” she said while shrugging her shoulder.

Nagulat ako nang maglapag si Cyren ng notebook sa table ko. Tinignan ko 'sya na parang nagtatanong.

“Notes ko 'yan. Basahin nyo' baka makatulong.” nakatulala kami ni Kath kay Cyren habang pinapanood itong umupo.

“Anong meron ron?” tanong ni Kath. Umiling at nagkibit balikat lang ako at tinuloy na ang pagre-review.

Lalabas sana kami ni Kath para mag cr kaso saktong dumating ang prof‚ kaya nabalik kami sa upuan namin.

“Prepare your pen and paper‚ we will start our quiz around 12:20pm. I will give my 15 minutes to those students na hindi pa nakakapag review then we will start.”

Nagkatinginan kami ni Kath. Nakakatakot kasi 'tong prof na 'to‚ saka nakakahiya kung maze-zero ko ang quiz.

Sayang ang pogi sana ni prof kaso mukang napakaseryoso sa buhay.

Hindi ko namalayan ang sarili ko na tumitig na pala ako sa kanya. Tinignan ako nito sa mata‚ agad akong dinapuan ng hiya kaya napaiwas ako ng tingin.

Nakakahiya 'yon grabe! Ba't ba ganong ko na lang tignan si prof? Haysss!

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa hiya. “Do you have problem‚ Ms.Perez?” halos tumayo ang lahat ng balahibo ko dahil sa tono ng boses ni Sir.

“W-wala po‚ S-sir.” agad na sagot ko at idinukdok ang ulo sa armchair ng upuan ko.

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now