Kabanata 7

5 2 0
                                    

Pauwe na kami ni Cyren, after kasi namin kumain nakatanggap s'ya ng text sa mama n'ya kaya inihatid n'ya na 'ko.

Naglalakad kami ngayon pauwe, nung malapit na kami sa bahay nagkatinginan kami ni Cyren kasi may biglang lumabas na aso.

"Tangina" rinig kong mura n'ya.

"Wag kang tatakbo! Babatukan kita!" banta ko sa kanya.

Inabot n'ya 'yung kamay ko at saka hinawakan ng mahigpit 'yon.

"Kung mamamatay ako ngayon, ikaw na ang bahala kay mama" nagulat ako sa sinabi n'ya kaya binatukan ko s'ya.

"Aso lang 'yan ulol, takot na takot amputa!" tumatawang sabi ko.

"Aso lang pala ha" binitawan n'ya 'yung kamay ko at saka mabilis na tumakbo.

Hindi ko alam 'yung gagawin ko kaya nung makita kong papalapit na 'yung aso sa 'kin, tatakbo na 'rin sana ako ngunit nadapa ako.

"Wahhh!! Kuya ko!!!!!"

Arf arf

Sinipa ko 'yung bato sa paa'han ko at saka mabilis na tumakbo.

"Tangina mo, Cyren Crist!" sigaw ko habang tumatakbo.

Panay lang ang tawa n'ya sa 'kin. Nauuna kasi s'ya tapos ako 'yung nahuhuli.

"Kuyaaa!!" sinisigaw ko 'yung pangalan ni kuya hanggang sa makalapit na kami sa bahay.

Bwisit na aso na 'to, napakabilis humabol.

Nakita ko naman na agad lumabas si kuya sa bahay.

"Kuya!! Wahhhh, kuya!!!" sigaw ko habang hindi pa 'rin natigil sa pagtakbo.

Sinalubong ako ni Kuya Mav at Kuya Zhed, habang si Cyren naman ay hingal na hingal na nasa bakuran namin.

Agad akong tumalon para yumakap kay kuya, pinalupot ko rin ang mga binti ko bewang n'ya. Si Kuya Zhed naman binubugaw 'yung aso. Lumabas na 'rin si Ate Ivone sa bahay.

Hinahagod ni kuya 'yung likuran ko hanggang sa maibaba n'ya ako sa teresa, nang makita ko si Cyren agad akong tumalon sa teresa at malakas s'yang binatukan.

"Sabi ko sayo wag kang tatakbo e" mangiyak ngiyak na sabi ko.

Hinihimas himas n'ya 'yung ulo n'ya. "Sabi mo kasi aso lang 'yon, tapos ikaw pala 'tong takot" pang-aasar n'ya sa 'kin.

Sinamaan ko s'ya ng tingin, at saka tumingin kay Kuya Mav.

"Kuya si Cyren, pinahabol ako sa aso!" parang batang sumbong ko sa kanya.

Lumapit lang s'ya sa 'kin at niyapos ako, inabutan rin ako ni Ate Ivone ng tubig. Inabutan n'ya rin si Cyren ng tubig.

Habang iniinom ko 'yun, tinitignan ko si Cyren na nakangisi. Binulwak ko sa kanya 'yung tubig na nasa loob ng bibig ko.

"Bawi ko 'yan sayo, gago!" inis sabi ko.

"Marisette!" nanginginig na lumingon ako kay kuya na tumawag sa 'kin. "Yang bibig mo, san ka natuto magmura?" umiwas lang ako ng tingin.

Binawal ni Ate Ivone si Kuya kaya hindi na s'ya nakapalag. Nagpaalam na 'ring uuwe na raw si Cyren. Nagsorry pa s'ya kay kuya kasi tinakbuhan n'ya ako.

"Sorry na, ikaw naman kasi e" aba't sinisisi pa ako.

"Anong ako? Ikaw nga 'yung takot na bigla na lang tumakbo d'yan e" saka ko s'ya sinamaan ng tingin.

Hinimas n'ya 'yung buhok ko. "Oo na kasalanan ko na, sana hindi ko na lang ikaw tinakbuhan" lumuhod pa s'ya sa harapan ko.

Inirapan ko lang s'ya at iniwas ang tingin.

"Sorry na, babawi na lang ako bukas. Kailangan ko na kasing umuwe e" hindi ko s'ya pinapansin. Humalik s'ya sa ulo ko. "Byee, babawi ako bukas" pagkasabi n'ya agad na s'yang umalis.

Pumasok na 'rin ako sa loob ng bahay nung hindi ko na matanaw ang bulto n'ya. Bago ako makapasok sa kwarto ko, biglang nagvibrate 'yung phone ko tanda na mayroong text.

Cyren;
Sorry kanina, sana pala hindi na lang kita tinakbuhan. Nagalit ka pa tuloy sa'kin. :(

Pinagpatuloy ko ang pagpasok sa kwarto at isinarado ang pinto, nahiga na 'rin ako sa kama at saka lang nagtipa ng ire-reply sa kanya.

Me;
Wag mo nang intindihin yon, ingat ka pauwe.

Saglit pa lang nagreply na agad sya.

Cyren;
Pinapatawad mo na'ko? Osge, mag-iingat ako :)

Parang tanga talaga 'to! Hindi na 'ko nagreply sa kanya. Naglinis na lang ako ng katawan ko.

"Maris, bumaba ka na d'yan. Kakain na tayo!" sigaw ni Ate Ivone.

"Opo"

Hindi ko napansin na may kasalubing ako kaya sa hindi inaasahang pangyayari, nabundol ko ito kaya napaupo s'ya sa sahig.

Pinantitigan ko pa muna s'ya. Sya 'yung babaeng kasama nila kuya Mav kanina.

"Sorry po" tanging nasabi ko.

Natanaw kong paakyat ng hagdan si Kuya Zhed kaya tinulungan ko 'yung babae na tumayo. Imbis na tumayo at itinulak pa ako nito.

"Bwisit!" inis na singhal n'ya at tumayo mag-isa.

Maalam naman pala s'yang tumayo mag-isa e, napaka-arte lang.

Umirap ako sa kanya at tumayo, inaayos ko ang sarili ko ngunit dumating si Kuya Zhed. Gulat itong nakatingin samin.

"Anong meron?" takang tanong n'ya.

"That girl, she bumped me!" inis na sabi n'ya at lumapit kay Kuya Zhed.

"Hindi ko naman po sinasadya e" nakayukong sabi ko.

"Napaka-arte" rinig kong sabi nung babae ngunit hindi ko na pinansin.

"Amara!" banta ni Kuya Zhed.
Hindi ko na lang sila pinansin at bumaba na para kumain.

"Bakit ganyan na naman 'yang muka mo? Para kang hindi nauubusan ng problema" sabi ni kuya sa 'kin.

Pinalo naman ni Ate Ivone 'yung braso ni kuya. "Ba't ba ganyan ka sa kapatid mo?" inis na sabi ni Ate sa kanya.

"Kaya nga, ang panget mo na nga kuya   e!" tumatawa nang sabi ko.

"Ayan! D'yan ka masaya, sa panlalait sa 'kin. Magkamuka lang naman tayo!" irap ni kuya sa 'kin.

Sumimangot ako. "Ate si Kuya parang bata na inagawan ng lollipop" sumbong ko kay ate Ivone na nasa kusina kasi naghuhugas ng prutas.

"Tumigil na nga kayo!" awat nito sa'min. "Nasan na ba 'yung dalawa? Ba't wala pa dito?" pinagmamasdan pa ni ate 'yung hagdan kung may bababa roon.

Nung natapos kaming kumain nag-aya si Ate Ivone na manood muna, tutal maaga pa naman raw. Hindi ko na binalingan ng tingin 'yung babaeng nabanga ko tapos si Kuya Zhed.

Umupo ako sa tabi ni Kuya Mav, pinag-gitnaan namin s'ya ni Ate Ivone, 'yung dalawa naman magkatabi sa isang sofa.

Nanood kami ng comedy at horror, parang wala lang sa 'kin 'yung pinapanood kasi sanay na 'ko ron. Ni-hindi man lang nga ako natakot sa horror e. Si Kuya naman naka-focus ang seryosong muka sa tv, si Ate Ivone at 'yung babae panay lang ang tili.

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now