Kabanata 2

15 2 0
                                    

Naging maayos naman naming natapos ang quiz and still kabado pa'rin ako. Hindi ko kasi alam kung tama ba mga isinagot ko.

"Can you help me bring my things to my office‚ Ms.Perez?"

Halos manayo na 'ko nang tawagin ni prof ang apilyido ko. Alanganin akong nag-angat ng tingin sa kanya at tumango.

Nauna sya'ng umalis at ako naman kinuha ko ang mga pinapadala nya.

"Samahan ka namin?" si Kath

Umiling ako sa kanya. "Hindi na‚ kaya ko naman. Babalik rin ako agad." saka ngumiti ng pilit sa kanya kahit kabado na talaga ako.

Nakasunod lang sila sa 'kin ng tingin. Sinundan ko rin agad si prof hanggang sa office nito.

"Pakilapag na lang dyan‚ salamat" malamig na sabi nito.

Nagpaalam na 'rin akong babalik na sa room at saka umalis na ron sa office ni prof nang nangangatog ang tuhod.

"Grabe 'yon" pagkausap ko sa sarili ko habang naglalakad patungo sa room namin.

"Hoy mukang puke'ng bakla!!" bungad agad sa room namin pagkapasok ko.

"Ano bang kailangan mo?!" inis na tungon ni Cyren kay Jessa na sya'ng nagtawag sa kaibigan ko.

Sinampal ni Jessa si Cyren‚ nagulat ako ron at agad na dinaluhan si Cyren. "What the fuck?!" bahid sa boses ni Cyren ang inis.

"How dare you to flirt with my sister tapos hindi mo pananagutan!" sigaw ni Jessa rito.

"W-what?! Me? I never like girls‚ saka hindi ko kilala 'yang kapatid mo. Shunga'ng 'to!" nagulat na lang ako nang biglang sinabunutan ni Jessa si Cyren.

"Walang hiya ka!" gigil na sabi ni Cyren. "Kung hindi ka lang babae‚ nasabunutan na 'rin kita. Argghh‚ my hair!" si Cyren habang inaayos ang nagulo nya'ng buhok.

Hawak hawak nina Cristel at Yoanna si Jessa. Bigla namang dumating si Kath‚ "Hi guys!" masayang bati nya.

"Sa susunod na gawin mo pa 'to sa 'kin. Kakalimutan kong babae ka at sasabunutan ka 'rin!" si Cyren at saka pabagsak na bumalik sa kanyang upuan.

Naguguluhan naman na tumingin si Kath sakin‚ nagkibit-balikat lang ako kasi hindi ko naman talaga alam ang tunay na dahilan.

Lunapit sa 'kin si Kath. "Anong meron?" tanong nya.

"Hindi ko nga alam e‚ basta pagdating ko ganto na nadatnan ko." sagot ko naman.

Dumating na ang sunod naming teacher kaya nagbalikan na kami sa upuan namin. Tahimik kong pinagma-masdan si Cyren.

Siniko ako ni Kath kaya napabaling ako sa kanya. "Why?" iritang tanong ko.

"Nothing‚ have you seen Jayden?" tanong nito sa 'kin.

"Jayden? Who? An architect student?"

Agad na pinamulahan ng pisngi ang kaibigan ko. "Crush mo hano?" tukso ko rito.

"Anong chismis d'yan‚ Kathyrine and Marisette?" napatahimik kami ni Kath ng marinig ang boses ni Mrs.Viado.

"Wala po Ma'am, I'm just asking Marisette lang po about sa project." Pagsi-sinungaling ni Kath.

Agad na nawala ang atensyon ng guro sa'min kaya naman tumahimik na lang kami at nakinig.

Maaga ang out namin ngayon‚ 5pm pa lang wala na kaming klase. Siguro kasi malapit na ang sembreak.

"Ang boring naman! What should we do kaya?" tanong ni Kath habang kumakain ng fishball na binili namin.

Nakaupo kami sa isang bench ngayon. Pinag-gitnaan ako nina Cyren at Kath.

"Tara sa Crossroad?" aya ni Kath.

"Crossroad?" tanong ko rito.

"Yeah, club 'yon. Pwede tayo ron." sagot nito.

"She doesn't drink liqour, Kath." si Cyren na ang sumagot sa sinasabi nya. "And isa pa, how do you know that place, ha?" dagdag na tanong nito.

Umiwas ng tingin si Kath. "Ahm, I discovered it when I'm on a date with Jayden" nahihiyang sabi nya.

"What? Pumupunta ka ba ron?" tumango naman itong si Kath. "Umiinom kana?" he ask again, tinanguan lang sya ni Kath.

Napahilot sa sentido si Cyren. Syem'pre ikaw ba naman magkaron ng dalawang pasaway na babaeng kaibigan e.

Nagkwentuhan pa kami hanggan sumapit ang 6pm at nagsimula ng dumilim ang paligid. Hindi na ako nag text kay kuya kasi alam kong hindi na naman nya ako masusundo.

"Andyan na sundo ko" ani Kath.

Napalinga ako sa paligid ngunit hindi ko makita ang kotse nila. "Ha? Nasan?" takang tanong ko.

"He" turo nya sa papalapit na lalaki. "Babe, where here!" sigaw ni Kath.

Napatayo naman kami ni Cyren ng tumakbo si Kath para yakagin ang lalaki at lumapit sa pwesto namin.

"Jayden, si Cyren at Marisette" pakilala nito sa'min. "Si Jayden, boyfriend ko" halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.

I though crush lang, I wasn't expect na sila na pala. Hindi naman kasi nagkwe-kwento itong si Kath sa amin.

Nakipag-kamay kami ni Cyren sa lalaki at ngumiti.

"Una na kami, we had date pa kasi" sabi ni Kath at saka humalik sa pisngi ko.

Nang makaalis sila naupo muli kami ni Cyren sa bench at binalot ng katahimikan.

"Sinong susundo sa'yo? Past 6 na bat wala pa 'yung sundo mo?" basag ni Cyren sa katahimikan.

"Wala akong sundo, kahit naman magpasundo ako hindi nila ako susunduin" saka ako yumuko, nagbabadya na naman kasi ang luha sa mga mata ko.

"Hatid kita, gusto mo ba?" napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Pwede ba?" nag-aalangang tanong ko, ngumiti s'ya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Kahit sunduin pa kita sa inyo, pwedeng-pwede no!" masayang sabi n'ya. "Oh ano, tara?" nilahad pa nya ang kamay nya sa harapan ko.

Nakahawak lang ako sa braso ni Cyren hanggang makalabas kami ng Campus. Tatawid pa kami sa kabilang daan, e. hindi ko nga alam tumawid sa tawiran e.

Napansin siguro ni Cyren na takot ako tumawid kaya humawak ito sa balikat ko. Nakaakbay sya ngayon at pinagpalit rin ang pwesto namin.

"Wag kang kabahan, kasama mo 'ko" bulong nito sakin.

Humawak lang ako sa laylayan ng uniform nya habang patawid kami. Nang makatawid kami, pinagpalit n'ya muli ang pwesto namin. Ron sya banda sa may nadadaan na mga sasakyan ako naman ay may bandang mabahay.

"Nagugutom ako" aniko habang naglalakad kami.

"Anong bang gusto mo?" tanong naman n'ya kaagad.

"Parang gusto ko ng milktea tapos shawarma, meron ba non rito?" tanong ko sa kanya.

"Meron naman, malapit sa amin 'yung ron sa may park. Gusto mo ba?" hindi na ako umiling kasi gutom na 'rin ako. Hindi sapat yung fishball na binili ko kanina kaya nagutom ako.

Nakarating kami sa park at hinanap naman namin 'yung shop. Pagpasok pa lang namin agad kong naamoy 'yung bango ng shawarma kaya biglang kumulo ang tyan ko.

"Gutom ka na nga" natatawang komento ni Cyren.

Pinaupo muna nya ako at s'ya na ang nag-order ng pagkain namin. Magbibigay pa sana ako ng pera kaso ang sabi n'ya hindi na raw, kasi s'ya na ang magbabayad.

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now