Kabanata 8

5 2 0
                                    

Hinatid ako ni Kuya Mav sa school ngayon, kasi raw wala naman s'yang gagawin. Ibinilin n'ya 'rin na sumabay na lang ako kay Kuya Zhed mamayang pauwe.

Habang naglalakad ako papunta sa room namin, bigla na lang may umakbay sa 'kin. Handa ko na sanang putulin ang braso n'ya pero naamoy ko ang pamilyar na panlalaking pabango.

"Hii!" nakangiting bati sa 'kin ni Cyren.

Inirapan ko lang s'ya. "Ang aga mo naman mag-sungit, Ms" saka n'ya pinisil 'yung pisngi ko.

"Hindi ko pa nakakalimutan 'yung ginawa mo nung nakaraan" pagkasabi non, tinabig ko 'yung braso n'ya na nakaakbay sa 'kin.

Nakasunod lang s'ya sa 'kin habang tumatawa. Humarap ako sa kanya na masama ang tingin.

"May nakakatawa ba?" mataray sa sabi ko, mabilis naman s'yang umiling at tumigil sa pagtawa.

Gaya ng pang-araw araw na buhay ng mag-aaral. Maghapon akong may klase, hindi ko napansin si Kath kanina. Sinabi na lang ni Cyren na absent raw ito kasi nilalagnat.

Babaeng 'yon, hindi man lang nag text sa 'kin!

"San ka n'yan?" usisa ni Cyren, kinuha n'ya pa 'yung bag ko at binibit n'ya.

"Uuwe, obvious ba?" pagta-taray ko.

"Ba't ang taray mo pa 'rin? Nag sorry na nga ako e" lumabi pa ito habang nag puppy eyes pa.

"Tigilan mo nga, Cyren" inis na sabi ko sa kanya.

Ang cute kasi n'ya pag nakaganon sya. Hindi tuloy maiwasan na pamulahan ako ng pisngi.

Hinatid nya ako sa parking lot kung nasan naghi-hintay si Kuya Zhed sa 'kin.

Tahimik lang akong sumakay sa passenger seat at inilagay ng maayos 'yung backpack ko sa hita ko.

"Gawin mo na 'yung mga dapat mong gawin mamaya" pag papaalala nya.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin sa bintana. Marami pa akong gagawin mamaya, hayss!

Pagkarating sa bahay ginawa ko na 'yung research ko, tinapos ko muna iyon bago bumaba para kumain. Tinapos ko 'rin ang Video Presentation na ipa-pass ko via GCR (GoogleClassRoom).

Nagpatulong pa ako kay Kuya para lang maayos talaga 'yung ginagawa ko, ipinatranslate ko sa kanya 'yung mga malalalim na salita na hindi ko maintindihan.

Partida 1st year pa lang pero parang nilulunod na kami sa mga gawain. Sabi ni Kuya Mav, sya na raw ang mag-eedit nung video kaya ibinigay ko sa kanya 'yung laptop ko.

Pagkatapos kumain, pumunta ako sa kwarto ni kuya. Kumatok ako ng ilang beses pero tila wala itong naririnig kaya pumasok na lang ako bigla.

Halos tumayo ang lahat ng balahibo ko pati sa batok dahil sa nakita ko. Si Kuya at Ate Ivone sa cr, they are making out.

Napatulala ako at agad na lumabas ng kwarto, hawak hawak ko ang dibdib ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

"Oh, Marisette. Anong nagyari sayo?" nagulat ako sa boses ni kuya Zhed kaya napamura ako ng mahina.

"Ah, w-wala po, ba-balik na po ako sa k-warto ko" tanging nasabi ko na lang.

Nilingon pa ako nito at hindi makapaniwalang tinignan, nginitian ko na lang sya ng tipid.

Agad akong nahiga sa kama at nagtaklob ng kumot.

Omyghadd, 'yung virgin eyes ko nadumihan na! Huhuhu

"Bakit na kasi hindi ka na lang sumigaw e, ayan tuloy nakita mo pa 'yon" pagkausap ko sa sarili at tinampal tampal pa ang pisngi.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa nangyari at nakita ko kagabi.

Bumaba ako para maghanda ng pagkain ko, wala kasi si Kuya Mav at Ate Ivone kasi may trabaho sila. Nakakahiya rin kung makakaharap ko sila, napaka-walang hiya kasi nung kamay ko walang hamba kung pumasok kasi.

Hindi ko maabot 'yung palaman kaya umakyat ako sa counter top, muntik pa akong mahulog buti may bisig na sumalo sa 'kin.

"Ano bang ginagawa mo d'yan? Mamaya mahulog ka pa e!" pagalit ni Kuya Zhed sa 'kin.

"Kinuha ko lang naman po ito" ipinakita ko pa sa kanya 'yung palaman.

"Sa susunod wag ka nang umakyat"

Nag 'opo' lang ako sa kanya at ituloy ang ginagawang tinapay. Hindi naman kasi ako marunong magluto kaya gumawa na lang ako ng sandwich.

"Is that your breakfast?" tinignan pa nito 'yung tinapay na hinihiwa ko.

"Opo" maikling sagot ko.

"Did you know that breakfast is the important meal of the day?" umiling lang ako bilang sagot.

"O baka hindi ka marunong magluto, kaya ganyan lang ang kinakain mo" agad akong dinapuan ng hiya sa katawan dahil sa sinabi nya.

"Ahm o-opo hehe" alanganin pa akong lumingon sa kanya.

"I'll cook for you, wag mo na ubusin 'yan"

"Seryoso po? Ipagluluto nyo po ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango sya kaya napa 'yes' ako. "Nakikitira lang naman ako kaya kailangan may gawin rin ako, pantulong ganon" nagkikibit balikat na aniya.

He starting to cook, nakaupo lang ako at pinapanood sya habang nagluluto. He cooked adobo and fried rice.

Inihahanda nya iyon sa lamesa hindi ko maiwasang amuyin iyon, napakabango. I started to taste it, it's so delish.

"How's the taste?" tanong nya.

"Not bad" sagot ko saka sumubo ulit.

Pinanood nya lang ako kumakain hanggang sa matapos, sya na 'rin ang ang naghugas ng plato.

Pumunta naman ako sa bakuran para magdilig ng halaman, napansin ko ang paparating na sasakyan kaya napaayos ako ng tayo. Lumabas ang magandang babae mula sa sasakyan.

"Can I ask?" She ask with a soft voice.

"Sure po"

"Can you tell me where is this address?" halos napapatulala ako sa lambing ng boses nya.

May binigay sya sa 'king papel kaya inaboy ko 'yon, nakita ko ang address ng tahanan namin kaya naguguluhan ko s'yang tinignan.

"Do you know?"

"Ano pong kailangan nyo? Ito po kasi 'yung bahay na andyan sa address" itinuro ko pa 'yung bahay namin.

"I am looking for Zhedrick, and napag-alaman kong rito sya tumutuloy ngayon" and she then smile at me.

Pinapasok ko sya sa gate namin at tinulungan ko rin sya sa pagbuhat nung bag. Ewan ko kung ano bang laman non, ang bigay kasi.

"Marisette, anong ginag–"

Napatigil si Kuya Zhed ng makita ang babae, agad na yumakap ang babae sa kanya. Alanganin naman itong tumingin sa 'kin.

"Maiwan ko na po kayo" aniko bago tumungo muli sa bakuran.

Inabala ko lang ang sarili ko sa paghahalaman hanggang sa magdamit hapon na, dumating na 'rin si Kuya Mav hindi nya kasama si Ate Ivone ngayon.

"Ba't andito ka?" tanong nya sa 'kin.

"May bisita po kasi si Kuya Zhed sa loob, Cheska po ata 'yung na–"

Hindi pa ako natatapos magsalita bigla na lang umalis si kuya sa harapan ko, ano bang meron sa babaeng 'yon.

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now