Kabanata 9

5 2 0
                                    

"Marisette, si Cheska" pakilala ni kuya sa babae. "Maging mabait ka sa kanya ha?" bulong pa nito sa 'kin.

Inabot ko lang 'yung kamay nya at nakipagshake hands.

Nag-uusap pa silang tatlo kaya lumabas na lang ako sa sala namin. Gaya ng lagi kong ginagawa, kumuha ako ng upuan at umupo roon ipinatong ko ang paa ko sa teresa.

Walang masyadong bituin ngayon, baka uulan siguro. Ang kasabihan kasi nga ng matatanda 'kapag maliwanag ang langit malabong umulan, pero kapag madilim o walang bituin ay uulan raw'.

Binuksan ko ang phone ko at inopen ang facebook app, nung nakita kong online si Kath chinat ko ito.

Me;
Hoy babae!

Kaagad itong nagseen at kaagad rin nag ring ang phone nya. Sinagot naman nya iyon, tumambad sa kanya ang nakahigang si Kath.

"Oh ba't ganyan ang hitsura mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I was grounded, 2 week. I'm bored na, ayoko na rito sa house" nag make face pa sya kaya natawa ako.

"Ano ba kasing ginawa mo at grounded ka?"

She sighed. "Dad caught me drinking alcohol"

"Kasi?"

"I was so broken that time, Jeydan was cheated on me"

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kinuwento nya ang lahat sa 'kin, hindi ko naman maiwasang maawa sa kanya kasi nga niloko sya.

"I'll end na ha? Papasok na 'ko next week" ngumiti ako sa kanya kasabay ng paglaho ng tawa sa screen.

Sinipat ko ang oras sa phone ko, saktong 8:30pm pa lang naman kaya tumambay muna ako sa sala. Nag play rin ako ng music para naman hindi masyadong boring.

Sumasabay pa ako sa pagkanta at isinasayaw ang ulo, hindi ko inalintana ang malamig sa simoy ng hangin.

"Gabi na, ba't andito ka pa?" napatingin ako kay Kuya Mav at sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo sa harap ko.

Ipinatong nya 'yung binti ko sa kandungan nya. "Ano na namang problema mo?" nakatingin na tanong nya.

"Wala naman po akong problema, Kuya" sabay umiling iling.

"Parati akong andito pag gusto mo ng kausap ha?" tumango naman ako sa kanya.

Ginulo nya pa 'yung buhok ko bago halikan ang ulo ko. "Pumasok ka na, dumidilim na d'yan".

"Opo" munting sagot ko na lang.

Gumulong gulong ako sa kama habang kausap si Cyren sa phone.

"Bakit ba raw naman kasi nagcheat?" nag-aalalang sabi nya habang nagluluto.

Naikwento ko kasi sa kanya 'yung napag-usapan namin ni Kath nung nakaraan, hindi tuloy maiwasan na mag-alala sya.

"Hala! Nasunog na ata 'yung itlog!"

"Hindi 'yan sunog, nag-uusok lang 'yan daii" maarteng sabi nya saka inirapan ako sa screen.

"Bakit ba ang arte mo d'yan?!" hindi ko na 'rin napigilan magtaray.

Medyo nagulat sya kaya nanlaki 'yung mata ko. "Oh ano? An'yari sayo?" hindi sya umimik at tinuloy ang pagluluto.

Nag-asaran ka muna kami bago ko patayin ang call kasi tinatawag na ako ni Kuya.

"Aalis kami, isara mo ang lahat ng pinto at gate ha? Wag mo rin papatayin ang mga ilaw, lalo na 'yung nasa sala" mahabang lintaya ni Kuya habang inaayos 'yung polo nya.

"Saan po kayo pupunta?"

Hindi sya sumagot, pinapanood ko lang ang mga bawat galaw nya. Lumabas ng kwarto si Kuya Zhed, pati sa guest room lumabas rin ron si Cheska mga nakaayos sila.

"Kuya, san kayo pupunta?" agaw ko sa atensyon ni Kuya Mav.

"Mag outing lang kami, mga 3days lang kami ron. Babalik rin kami" tumango tango pa ako sa kanya.

"Pwede po bang sumama?" natigilan si Kuya at humarap sa 'kin.

Iniharap nya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Pasensya na, hindi ka kasi pwede ron. Hayaan mo pag bakasyon nyo na, mag beach tayo ha?" ngumiti ako sa kanya ng pilit.

"Ok po, naintindihan ko" halos matigil sya sa ginagawa pati si Kuya Zhed.

Umupo ako sa couch at inopen ang T.V. hinanap ko 'yung remote para sana ilipat sa favorite kong anime.

"Babawi na lang ako sayo, sorry muna sa ngayon" saad ni kuya.

Hindi ko sya pinansin, humiga lang ako sa couch at tutok sa pinapanood.

"Aalis na kami" humalik pa ito sa ulo ko. "Yung mga bilin ko, Marisette ha?" hindi ko pa 'rin sya pinansin kaya napabuntong hininga na lang sya.

Nang marinig kong sumara ang pinto at pag start ng engine ng kotse, napatayo ako at sumilip sa maliit na siwang sa pinto.

Pinanood ko lang ang pag-alis nila, I sighed and keep to watch the anime. Naluluha na ako kasi hindi naman ganto si Kuya sa 'kin, hindi nya ako iniiwan mag-isa kasi alam n'yang hindi ko kaya.

Nagpagdesisyunan ko na lang na tawagan si Kath para naman malibang ako kahit na kaunti. Nakailang ring pa lang sinagot na nya kaagad.

"Oh bakit?" sagot nito sa kabilang linya.

"Pwede mo ba akong samahan rito sa bahay?"

Tumigil muna sya sa ginagawa nya bago ako harapin sa screen.

"Bakit? Wala ka bang kasama d'yan?"

Tumango ako at kinuwento na wala nga sina Kuya, "Hintayin mo ako, papaalam muna ako kay Daddy at Mommy. Pupunta agad ako d'yan" pinatay ko na 'rin ang call.

Wala pang 30minutes dumating agad sya at may dala pang bag na animo'y dito na titira sa'min.

"Maris!" magiliw na sigaw nya.

Sinalubong ko naman sya ng yakap, ipinapasok nya 'rin sa driver nila 'yung mga dala nya.

"Tinawagan ko si Cyren, baka mamaya andito na 'rin yon" nagulat ako sa sinabi nya kaya tinignan ko sya ng hindi makapaniwala.

"Hala, bat inabala mo 'yung tao? Nakakahiya kaya"

Tumawa sya ng mahina "Ano ka ba, kaibigan rin naman na'tin sya, saka hindi ka naman namin papayagan na matulog mag-isa rito....kahit bahay nyo 'to" umirap pa sya sa 'kin at hinampas ako ng mahina.

Hindi rin nagtagal at dumating si Cyren, gaya ni Kath may dala rin itong bag. Naka-motor lang sya ngayon, ginamit raw kasi 'yung kotse nila.

"Movie marathon tayo?" ani Kath habang ginugulo namin si Cyren na nagluluto.

"Ikaw ba'y hindi napapagod?" pairap na sabi ni Cyren sa kanya. "Kanina ka pa nang-gugulo rito e" dagdag nya.

Tinawanan ko silang dalawa, inaasar asar pa namin ni Cyren si Kath kaya mukang pinagsakluban ng langit ang muka ni Kath.

Tuwang tuwa naman ako kasi kahit wala si Kuya, may mga kaibigan naman akong willing akong samahan.

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now