Kabanata 10

9 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw at parang napapalayo si Kuya sa 'kin mula nung dumating si Cheska.

Napapadalas ang mga lakad nila kaya minsan naiiwan na lang akong mag-isa rito sa bahay.

About pala kay kuya Zhed, lumipat na sya ng tirahan, malapit lang rin rito samin. Kaya minsan andon si Kuya.

Isang linggo na lang bago ang sembreak at panay tambak na ang school works ko. Halos hindi na ako kumain matapos lang itong thesis ko, deadline na kasi nito bukas at hindi ko pa natatapos.

"Wag mo kasing ipressure 'yung sarili mo, matatapos mo 'yan!" pagpalubag loob ni Cyren sa 'kin.

"Pano? Bukas na 'yung deadline, tapos wala pa sa kalahati 'tong nagagawa ko" umiiyak na sabi ko.

"Tsk, ayos lang 'yan. Tumatanggap naman ata si Ma'am Vista ng late passing"

Hindi ko na sya pinansin at itinuloy lang ang ginagawa, tutok lang ako sa computer maghapon. Dumating sya rito sa bahay kasi pinaki-usapan sya ni kuya sa samahan muna ako.

Lumabas sya ng kwarto ko kaya mas lalo akong nagfocus sa ginagawa. Pagbalik nya may dala na s'yang tray ng pagkain.

"Kumain ka na muna, mamaya na 'yan" sabay lapag ng tray sa harapan ko.

Iniayos nya 'rin 'yung laptop ko at 'yung pagkain.

"Pag hindi ka kumain, bahala ka d'yan!" inirapan ko lang sya.

Kinain ko 'rin 'yung hinanda nya, kasi kapag hindi pa ako kumain lalo nya akong kukulitin. Nung natapos ko 'yun, balik focus ako sa paggawa ng thesis.

Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala 'yung paggawa ko, naramdaman ko na lang na parang may bumuhat sa 'kin at ihiniga ako sa kama.

Naramdaman ko 'ring may dumampi na labi sa noo ko 'Good night, baby' dinig ko pang sabi nito.

Hindi ko alam kung panaginip iyon, kasi damang dama ko ang halik nito sa noo ko at humaplos pa sa pisngi ko.

Ginising ako ni Cyren bandang 6am para raw makapaghanda pa ako, nang maalala ko ang thesis ko halos mapaiyak na ako. Hindi ko nga pala 'yon natapos kagabi.

Nung pag-open ko sa laptop ko nagulat na lang ako kasi tapos na 'yung thesis ko, tanda kong hindi ko ito natapos kagabi....panong?

"Cyren!" sigaw ko.

Agad naman s'yang dumating at pinagpapawisan pa. "Ano bang nangyari sayo?!" nag-aalalang sabi nya, sinuri pa ako nito.

Tinuro ko 'yung laptop ko sa kanya. "Did you finish my thesis?" umiwas sya ng tingin.

Binato ko sa kanya 'yung unan na nasa hita ko. "Sabi ko sayo wag mo akong tutulungan e!" umiiyak na sabi ko.

Lumapit sya sa 'kin at niyakap ako.

"Hush, panong hindi kita tutulungan. Hirap na hirap ka kaya sa paggawa, ano sa tingin mong gagawin ko? Nahihirapan ka na tapos ako rito nagpapakasaya lang?" mahabang sabi nya saka pinunasan 'yung luha ko.

" I can do it in my own naman, bakit kasi tinapos mo pa?" lumuluha pa 'ring sabi ko.

"Hayaan mo na, magbihis ka na para maaga tayong makapunta sa school."

Sinunod ko lang sya at naligo na ako. Nagbihis rin ako ng white sando croptop na pinatungan ng cardigan na white rin, at isang wide leg pants, sneaker lang ang ipinares ko sa suot ko.

Isinuot ko ang bag ko, lumabas sa guest room si Cyren. Nakasuot sya ng white polo at isang black slacks at pinaresan rin ng sneakers.

Tinext ko si Kath na otw na kami kaya hintayin nya na lang kami sa gate.

"Omyghadd! Ba't hindi ako na-inform na mag white pala tayo?" nagtatampong sabi nya.

"Sira, coincident lang. Hindi naman namin napag-usapan 'to" sabi ko at niyakap sya.

Nakasuot sya ng isang coordinates na brown, isang skirt at polo croptop.

"Ikli naman ng suot mo, hindi ka pa naghubad!" galit na sabi sa kanya ni Cyren.

Ayaw kasi ni Cyren na magsuot kami ng pang hubadera kaya minsan lagi talaga s'yang nagagalit.

"Para ka naman kj d'yan, Cyren. Minsan lang 'to e" reklamo naman nung isa sa kanya.

"Minsan? 'yung minsan ba sayo is araw araw?" sarkastikong sagot ni Cyren.

"Hindi ka ba proud sa kaseksihan ko?" mayabang na sabi ni Kath sa kanya.

"Wala namang hubog" pambabara naman nung isa.

Sasagot pa sana si Kath kaso hinarangan ko na sila.

"Pag hindi kayo tumigil, tatampalin ko kayo pareho!" masungit na sabi ko.

Tumigil naman sila pareho at pumasok na kaming tatlo sa loob ng campus, wala nang klase ngayon pasahan na lang kaya andito kami.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa office ni Ma'am Vista. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ako bago ko tuluyang buksan ang pinto ng opisina nito.

Tumikhim ito, "What's bring you here?" medyo malditang aniya.

"This is my Thesis, Ma'am." sabay baba ng papel na may laman ng thesis ko.

"You may go"

Paglabas ko sinalubong agad ako ni Kath na may nag-aalalang muka.

"Anong sinabi sayo? Pinagalitan ka ba? Halika puntahan na'tin, ako ang kakausap" mahabang sabi nya ngunit pinipigilan kong h'wag matawa.

Hinawakan ko ang braso nya at hinarap sya.

"Hindi naman ako pinagalitan, pinaalis rin ako nung pagkalapag ng thesis ko. May regla ata kaya masungit" mahina pa akong natawa.

"Lagi bang may regla 'yon?" napatingin ako sa kanya. "Lagi kasi s'yang masungit e" dagdag pa nito na ikinahalpak namin ng tawa.

"Ay weh, tawang tawa kayo d'yan ha?" natigil kami at sinamaan ng tingin si Cyren.

"Oh bakit? W-wala akong g-ginagawa ah" natatakot n'yang sabi.

Agad kong ipinangko ang braso ko sa balikat nya.

"Thank you" sabi ko saka pinisil ang ilong nya.

Ang sarap kasing panggigilan ng ilong nya, ang tangos. Kumpara sa 'kin, 'yung ilong ko parang dinaanan ng bagyo.

"Group hug!" magiliw na sabi ni Kath bago kami niyakap ng mahigpit.

"A-ah tabi, h-hindi ako m-akahinga!" bawal ko kay Kath ngunit di ako pinakinggan.

Yumakap pa s'yang lalo samin ni Cyren kaya napangiti na lang ako.

Gumala pa muna kami bago namin naisip na umuwe ni Cyren.

"Ayaw nyo na ba sa 'kin?"

Napatingin kami ni Cyren sa nakangusong si Kath. Gusto rin kasi n'yang matulog samin kaso ayaw payagan.

Kalauna'y sinamahan namin sya magpaalam tapos nung pinayagan tuwang tuwa si gaga, may pa yakap effect pa e. Natawa na lang ako inakto ng kaibigan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now