Kabanata 4

11 2 0
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kaibigan ni kuya 'yung prof na'min!!

"Sa likod ka na, si Kuya Zhedrick mo na ang rito sa harap" tumango lang ako sa kanya at saka pumasok na sa loob ng kotse.

Wait, what! Magkaibigan talaga sila? Saka s'ya 'yung titira sa bahay namin?

Nang makasakay ang dalawa pinaandar na 'rin ni kuya 'yung kotse. Hindi ako umiimik sa loob ng kotse nakatingin lang rin ako sa labas ng bintana.

"How's being teacher?" tanong ni Kuya kay Sir.

"It was nice, maayos naman. Di ba, Marisette?" tumingin pa s'ya sa 'kin.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya natahimik lang ako.

"Ha? Studyante mo s'ya?" tanong ni kuya ko kay sir.

Tumango lang si sir. Marami pa silang pinag-uusapan but i didn't bother to listen at them, hindi ko rin naman kasi alam ang pinag-uusapan nila.

Nang medyo malapit na kami sa bahay, natanaw ko agad 'yung kotse nila Kath sa labas ng bahay. Sinilip ako ni kuya sa salamin.

"Do you have visitor?" tanong n'ya sa 'kin.

"Opo, si Kath lang 'yon kuya" sagot ko naman.

Nang huminto 'yung kotse agad akong bumaba para salubungin si Kath.

"Tara may ichi-chika ako sa'yo" aya ko sa kanya.

Bumaba si kuya sa kotse kaya napatingin si Kath sa kanya.

"Hi kuya Mav, pwede ko bang mahiram si Maris?" pagpapaalam ni Kath.

"Saan?" maikling tugon lang ni kuya.

Sakto ring lumabas si sir sa kotse, kaya napatingin rin s'ya ron. Apaka-chismosa talaga nito!

"Sa bahay lang po, saka sa mall. P-pwede po ba?" nanginginig na sabi n'ya at humawak sa kamay ko.

"Balik mo s'ya before mag 6pm" naka yes naman kami ni Kath ngunit mahina lang. "Before 6pm ha? Hindi lalagpas ron, hindi ko na s'ya papayagan pag lumampas ron"

Nag bye muna ako kay kuya at humalik sa pisngi n'ya.

"Sandali" napatigil kami ni Kath at tumingin kay kuya.

"Magpalit ka muna bago ka'yo umalis. Masyadong kita ang balat mo d'yan" iritang sabi ni kuya.

Kaya inaaya ko sa kwarto ko si Kath at nagbihis ako ng isang white croptop and I partner it with brown trouser.

Umalis na 'rin kame after magpaalam kay kuya.

"Bakit andon si Sir?" tanong ni Kath ng makasakay kami sa kotse nila.

"Friend ni Kuya, hindi ko alam na s'ya pala 'yung friend na tinutukoy ni kuya Mav" sagot ko sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kanila ni Jayden. Masaya ako kasi masaya rin s'ya.

Nakarating kami sa kanila around 1pm and saktong paalis 'yung parents n'ya.

"Oh hija, napadalaw ka?" si Tita Karen, Mommy ni Kath.

"Pupunta po kaming mall, Mom" sagot ni Kath sa kanya.

"Mag-ingat kayo, aalis na kame. Wag masyadong magpapagod ha?" humalik ito sa pisngi namin ni Kath.

Hinila naman ako ni Kath papunta sa kwarto n'ya. May ipapakita raw kasi s'ya sa 'kin.

Pinaupo n'ya ako sa kama saka pumasok naman s'ya sa closet n'ya. Paglabas n'ya may dala na itong parang bulaklak na nasa loob ng garapon.

She turn off the light at lumapit sa 'kin. May in-on s'yang switch sa garapon and umilaw yung bulaklak.

I was amazed by that kaya inagaw ko sa kanya 'yon.

"Jayden gave me that" aniya. "It's so cute, right?" napatango na lang ako. Sobrang na-amazed ako ron kaya hindi ko mabitawan.

"I want this kind of flower" wala sa sariling sabi ko.

"Don't worry, I'll buy one for you" nakangiting aniya, hinalikan ko s'ya sa pisngi tapos nag thankyou.

Umalis na 'rin kami after non, pupunta pa kasi kami sa mall and bawal rin akong gabihin kaya kailangan namin ma-enjoy.

Nagpa-drive kami sa driver nila papunta sa mall. Tuwang tuwa pa nga kami kasi nakakita kami ng mga batang namamalimos kaya nagbigay kami ng pera.

Masarap sa pakiramdam ang makatulong kahit konting bagay lang. Sabi nga nila "It's better to give, than to receive".

Pagkapasok pa lang namin sa mall agad naming pinuntahan 'yung pastfood na kainan. We're agreed na sa Jollibee na lang kami kumain.

Pumila na s'ya para umorder, ako naman humanap na ng pwesto namin. Pagbalik n'ya dala na n'ya 'yung pagkain namin kaya kumain na kami.

"Gusto mo nito" tanong ko sa kanya. Nakatingin kasi ito sa balat ng chicken na kinakain ko.

Nahihiya s'yang tumango, agad ko namang ibinigay sa kanya iyon. Kahit gusto ko rin non, ibinigay ko na lang sa kanya.

After naming kumain nanood kami ng sine, horror 'yung napili naming panoodin kaya sobrang tili talaga namin. Lalo na nung nasa likuran na ng bida 'yung nuns, sobrang natakot talaga kami.

Hinigit rin ako ni Kath sa arcade, nag laro kami ng kung ano-ano ron. Nang mapagod umupo kami sa bench.

"Nauuhaw na 'ko" sabi n'ya.

"Ayan kasi, rami mong energy kanina maglaro ah" sabi ko naman sa kanya.

"Tara bili tayo ng shake?" aya ko sa kanya. "Libre ko" agad nagningning ang mata n'ya at hinila pa ako sa bilihan ng shake.

I order banana milk shake, sa kanya naman mango shake. Pabalik na kami sa upuan namin pero napahinto si Kath, kaya napahinto rin ako.

"Ano 'yon? Ba't ka huminto?" tanong ko sa kanya at tinapik pa 'yung braso n'ya.

"Nakita ko si Cyren, may kasama s'yang babae"

"Ha? E, baka pinsan n'ya lang" hinanap ko pa 'yung tinitignan n'ya.

"Sabihin mong naging straight na 'yung kaibigan na'tin! May kadate na s'ya" masayang sabi ni Kath.

Hinila n'ya ako para sundan raw sina Cyren.

Nakarating kami sa isang restaurant. At doon ko nga nakita si Cyren, may kasama nga s'yang babae.

"Sino 'yung kasama n'ya?" tanong ko kay Kath.

"I don't know, hindi naman 'yan 'yung pinsan n'ya e" nagkibit balikat pa s'ya.

Umupo kami sa labas ng restaurant, sa may bench. Kitang kita namin rito sila Cyren at 'yung babaeng kasama n'ya.

Nakita pa naming sinubuan nung babae si Cyren. Tumatawa naman si Cyren at pinunasan pa 'yung gilid ng labi n'ya.

Habang pinagma-masdan namin sila nagtama 'yung tingin namin, puro glass lang kasi 'yung pumapalibot sa restaurant. Nanlaki pa 'yung mata n'ya kaya iniwas ko 'yung tingin ko.

"Tara na"

"Ha? Wala pang 6 ah" tugon ni Kath sa 'kin.

"Before 6 raw hindi ba nasa bahay na 'ko?"

Pumayag rin s'ya saka kami naglabas papalabas ng mall. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa at alamin kung sino 'yung tumatawag sa pangalan ko.

Admiring You from Afar (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin