Kabanata 3

10 2 0
                                    

"Ayan na boss, kumain ka na po"

Pagkalapag ni Cyren sa pagkain, agad ko itong kinain. Hindi ko na s'ya pinansin at hindi ko 'rin napansin na nagtatapon na ang kinakain ko kaya pinunasan n'ya ang gilid ng labi ko ng tissue.

"Gago ka!" reklamo ko sa kanya.

"Pinunasan ko lang, minura pa ako" umakto s'yang nasasaktan kaya kinurot ko s'ya agad.

Napa-aray naman s'ya kaya tinawanan ko lang. Inabot na kami ng dilim kakatawa at kwentuhan.

"Hatid na kita, baka hinahanap ka na ng kuya mo" aya nito sa 'kin habang nagliligpit ng pinagkainan namin saka itinapon sa basurahan.

Inaayos ko naman ang mga gamit ko habang nag-aayos s'ya ng kanya. Dumaan kami muna sa kanila at nagpaalam na 'rin kasi iuuwe n'ya na 'rin raw ako.

"Pasok na" binuksan n'ya ang pinto ng kotse. Inirapan ko s'ya at natawa naman s'ya bago 'yon isara.

Umikot s'ya saka sumakay na sa driver seat. Hindi na ako kumibo ng paandarin n'ya ang kotse, tahimik lang kaming dalawa.

"Inaantok ako" humihikab na sabi ko.

"Matulog ka na, gigising kita pag nasa inyo na"

Pinikit ko ang mata ko, hindi ko alam kung panaginip ba 'yon kasi naramdaman kong may dumamping malambot na bagay sa noo ko bago muling nakatulog.

Naramdaman ko na lang na nasa malambot na kama na ako at balot na ng kumot.

"Marisette, gising na!" sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. "Bumangon ka na d'yan" dagdag pa nito.

Umungot lang ako at nag-inat bago nagtungo sa cr para makapagshower, at bumaba na 'rin pagtapos non.

"Nakatulog ka kagabi sa kotse ni Cyren, kaya binuhat ka na n'ya papunta sa kwarto mo" paliwanag nito. "Sorry nga pala bunso at marami akong kasalanan sayo, I know you're mad at me. Hayaan mo sure na talagang babawi ako sayo" mahabang sabi n'ya ngunit hindi ko na pinansin.

Luminga ako sa paligid. "Si ate Ivone?" tanong ko sa kanya.

"She's in work, hindi rin s'ya nagpunta rito kasi baka galit ka raw" tumango lang ako at nagpunta sa sofa.

Agad ako nagtipa ng ite-text kay Cyren.

Me;
Thanks last night, sorry rin nakatulog ako. Ikaw pa tuloy yung bumuhat sa 'kin.

Wala pang ilang minuto nagreply na 'rin agad ito.

Cyren;
No worries, nga pala ang bigat mo pala hahahahahaha.

Kahit hindi ko s'ya kaharap, nadidinig ko pa 'rin ang tawa n'ya.

Me;
Walang hiya ka!

Hindi na s'ya nagreply kaya hinayaan ko na lang, binuksan ko 'yung Instagram ko at bumungad sa 'kin 'yung picture ko na kumakain ng shawarma.

It was posted 6hours ago, and sa Ig mismo ni Cyren pinost iyon. Meron pang nakalagay na yellow heart na emoji sa caption.

Iniscroll ko 'yon para mabasa 'yung mga comments. Nangunguna 'yung mga pinsan at si Kath.

@your_kathy; Omyyghasss!! What's the meaning of dis?!! Charett. Bakit di nyo'ko inaya?

@jamsen; Woah!! Aruy, Aruy ka dyannnn!

@danika_16; Oy perstaym mag post ng pic ng girlaluu!!

@harold_gab; What the?! Iba tlga pag, sheeedshhh!

Pinatay ko na ang cp ko at hindi na sila pinansin. Hindi ko rin naman alam mga sinasabi nila, kesyo may gusto raw s'ya sa 'kin. Duhhh! Magkaibigan kami, malayong magkagusto ang isang 'yon sa 'kin. At isa pa, bakla s'ya no.

"Gusto mong sumama?" napabalikwas ako ng higa ng madinig si kuya sa paahan ko.

"Saan?"

"Sunduin na'tin 'yung kaibigan ko na rito muna titira" tumango ako sa kanya. "Magbihis ka na" pagkasabi n'ya non tumakbo na agad ako sa kwarto para magbihis.

I'm wearing croptop and white maong shorts, umangal pa si kuya sa suot ko kasi raw parang kinulang sa tela.

Pinagbuksan n'ya ako ng pintuan ng kotse, umikot na 'rin s'ya at sumakay.

"Seatbelt" paala nito, kaya ikinabit ko naman iyon.

"San ba susunduin kuya?" tanong ko sa kanya para hindi naman tahimik sa loob.

"Sa Vergara lang, hindi kasi n'ya alam papunta sa'tin" tinanguan ko lang s'ya.

Nag connect rin ako sa bluetooth ang nag play ng random songs. Nung nag play 'yung fav song ko, sumasabay ako sa kanta.

Cause there we are again in the middle of the night

We're dancing 'round the kitchen in the refrigerator light

Down the stairs, I was there
I remember it all too well, yeah

And maybe we got lost in translation

Maybe I asked for too much

But maybe this thing was a masterpiece 'til you tore it all up

Running scared, I was there
I remember it all too well

Pagsabay ko sa kanta, hindi ko pinapansin si kuya kahit tumitingin s'ya sa 'kin.

And you call me up again just to break me like a promise

So casually cruel in the name of being honest

I'm a crumpled up piece of paper lying here

'Cause I remember it all, all, all
Too well

Patingin tingin pa ako sa labas habang kumakanta.

Cause there we are again when I loved you so

Back before you lost the one real thing you've ever known

It was rare, I was there, I remember it all too well

Wind in my hair, you were there, you remember it all

Down the stairs, you were there, you remember it all

It was rare, I was there, I remember it all too well

Saktong pagtapos ng kanta ang pagtigil ng sasakyan.

"Wait me here" sabi ni kuya saka bumaba ng kotse.

Nagscroll na lang ako sa facebook at saktong napachat si Kathy sa 'kin.

Kathy Esguera;
Hoy babaita, where r u? I'm here at ur house.

Me;
Baks, sumama ako sa kuya ko. Sinundo na'min 'yung kaibigan nya.

Wala pang isang minuto na seen na n'ya 'yung chat ko.

Kathy Esguera;
What?! Sad naman. Osge I'll wait here.

Ni like ko lang ang message n'ya at hindi na nagreply pa.

Nakaraan ang ilang minuto bumalik na si Kuya at kasama na 'yung kaibigan n'ya.

"My sister bro, Marisette" pakilala ni kuya sa 'kin.

"H-hello po" awkward na sabi ko.

"Hello, Ms.Perez" saka s'ya ngumiti sa 'kin.

What the?! Kaibigan ni Kuya sa prof Santos? The heck!!

Admiring You from Afar (On-Going)Where stories live. Discover now