4th: Start of something new?

108K 1.1K 27
                                    

Mula ng bumaba kami sa office nito,hanggang sa sumakay ako sa sasakyan nito ay tahimik lang ako. Ito man ay tila nangangapa din kung ano ang dapat sabihin. Pero tila nangangati yung dila ko. Ilang beses ko itong nilingon. I wanted to ask something but I don't know how to start.

"Spill the bean Lianne."biglang sabi nito.

"Sir?"kunwariy tanong ko.

"Do you have something to tell me? Come on. Try me."he smiled.

Try him? Oh my... kanina ko pa gustong gawin yun... kung wala lang akong dalaw ngayon, baka yun na ang ginawa ko! Haha!

"Eh kasi Sir...." paano ko ba sisimulan?

"What?"

Humarap ako dito. It's now or never!

"D-did you... did you... ahmm... see... everything?"

Tinitigan nya ako and then started to laugh.

"You're so cute Lianne!" Tanging sagot nito bago hininto ang sasakyan.

"Let's continue this discussion inside."

Tumingin ako sa labas. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa paborito nitong restaurant. Ilang kilometro lang kasi ang layo nito sa Chaussure.

I decided to reserve all my questions later and follow him.

Habang naglalakad ay magiliw na nagkukwento ito. First time ko kasi na mapunta dito although madalas itong magpa order sa akin dito ng pagkain. According to him, Taste-it was owned by his close friend named Sonny. Hindi ko pa ito nakikita dahil nasa France daw ito ngayon. Chef daw ito sa isang sikat na restaurant doon at 2 years daw ang contract nito, kaya matatagalan pa daw sa pag-uwi. Sa kasalukuyan, minamanage muna ito ng kapatid ni Sonny na si Andrew at tinutulungan lang ito ni Inigo.

Pagbungad palang namin ay magiliw na agad kaming binati ng guard at ng mga empleyado. Sanay na sila na laging nandito si Inigo at kilala ito ng lahat.

Napaka cozy ng lugar. Nakakarelax. No wonder why Inigo loved this place.

Dire-diretso narin ito sa pwesto na tila nakareserve na dito. At tama nga ako. Natawa ako dahil literal na kanya nga yata ang pwestong iyon dahil may nakatatak na "Igo" sa upuan at maging sa table mismo.

"Part owner ka ba dito Sir?"I asked him and pointed his name on the table.

He smiled. "Nope. But apparently, I wanted to. But Sonny was so hardheaded to let me."

"Why?"akala ko ba close ang mga ito, bakit hindi niya hayaan na magshare sila sa business? Ang mga lalake talaga. Magulo mag-isip.

Kibit balikat lang ang sagot nito at tinawag na ang waiter. "You should try their specialty here. Sobrang sarap!"tila takam na takam na sabi nito.

Kaya pag lapit ng waiter, sinabi na nito agad ang order nito even without looking the menu. "The usual. For two."he said.

"How about the dessert Sir?"tanong ng waiter kay Inigo pero sa akin nakitingin.

"Do you want something Lianne?"baling ni Inigo sa akin.

"Ikaw na ang bahala Sir. Mukha namang master mo na lahat ng putahe nila dito."pagbibiro ko dito na ikinatawa naman nito. Natawa din ang waiter sa sinabi ko.

"The usual sir?"nakangiting tanong ng waiter.

"Yes."tipid na sagot ni Inigo.

"Mukhang puro 'The usual' pala ang pangalan ng lahat ng mga sini-serve dito." Inosenteng sabi ko.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon