31st: unknown girl

10.1K 142 48
                                    

8 months later......

"Most people buy shoes primarily because they like the style or function of the shoe. However, customer service also plays a role in a customer's decision to buy. So developing a marketing strategy around what sets your customer service apart can help you attract business. For example, making your line's website searchable by shoe heel length, size, color and material may make the shoe shopping experience more positive for women. Customers may also appreciate the chance to "try on" different pairs of shoes by creating and dressing avatars in shoe-outfit pairings. If you have adopted an innovative customer service tactic like these, a marketing plan that advertises on TV, the radio and the Internet may help you draw customers to your shoe line." paliwanag ni Iñigo sa mga studyanteng kanina pa ngiting-ngiti sa binata na animo artista na nagpeperform sa harapan dahil kanina pa siya kinukuhanan ng pictures at videos ng mga ito.

Kadarating ko lang sa venue kung saan isa ang binata sa mga naimbitahang maging speaker sa seminar ng mga graduating Marketing students ng isang kilalang unibersidad sa Maynila at tamang-tama naman ang pagdating ko dahil ito na ang kasalukuyang nagdi-discuss.

Galing din kasi ako sa meeting para sa pagbubukas ng bagong branch ng Chaussure  sa Makati. Nagkataon kasing magkasabay ang naturang event kaya napagpasyahan ni Inigo na sa halip na ipa-cancel ang meeting ay ako nalang ang pinag-attend niya tutal ay alam ko narin naman daw ang mga dapat gawin o sabihin sa mga investors. Training ko narin daw iyon biro pa nito. Hindi rin naman kasi ito pwedeng hindi dumalo sa seminar dahil ilang buwan din itong niligawan ng coordinator nila upang mapapayag lang na maging isa sa mga speaker.

Nang mapadako ang tingin sa akin ng binata ay agad itong ngumiti.

I smiled back and wink.

Natawa naman ito sa ginawa ko at nakangiting nagpatuloy.

Nakapwesto ako sa table na malapit sa harapan kaya kitang kita ko si Iñigo maging ang expression ng mga estudyanteng mataman kung makinig sa binata.

'Sorry ladies.. That gorgeous man is mine....' piping bulong ko sa sarili ko.

Lihim naman akong napangiti sa naisip ko at nang ibalik ko ang tingin sa binata ay kita ko ang pagtataka sa mga mata nito. Nahuli kasi niya akong napapangiting mag-isa. Agad naman akong umiling upang sagot sa nagtatanong nitong tingin.

Tila unti-unting napuna nang mga estudyante ang presensya ko dahil panay ang tingin sa akin ng binata kaya kita ko ang disappointment sa mga mata ng mga ito. Ang iba pa nga ay inirapan ako na tila ba kaaway ako sa paningin nila.

Consciousness attacked me a little.

Inisip ko kung ano ba ang itsura ko ngayon. Kung maayos ba para naman kahit papaano ay hindi ako alangan sa binata. Buti nalang at naisipan kong mag-ayos ng kaunti kanina bago dumiretso dito.

Pero nang mapapatingin ako sa binata ay unti-unting nawawala ang pagkailang ko. Kita ko kasi ang paghanga sa mga mata nito.

Aminado ako na bahagya akong nag-effort para sa araw na ito. Bumili ako ng bagong damit na babagay sa naturang event na sa tantya ko ay hindi rin naman OA para sa dinaluhan kong meeting.

Nakakahiya mang sabihin pero parang mas pinaghandaan ko pa nga yata ang susuutin ko ngayon kesa sa presentation ko kanina.

Minsan din kasi akong naging estudyante at kitang-kita ko ang gawain ng mga liberated kong kaklase noon sa tuwing may gwapong presentors o speakers sa mga seminars na dinadaluhan namin kaya alam kong hindi ako pwedeng magpahuli.

Sa panahon ngayon, daig na nang 'malandi' ang 'maganda' kaya mahirap na.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang maagaw ang atensyon ko nang isang babaeng nakaupo sa may sulok ng auditorium. Hindi ko tiyak kung isa din itong studyante dahil sa suot nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now