18th: His story...

47.4K 536 30
                                    

Other's POV:

Kanina pa hindi mapakali si James habang tawa naman ng tawa si Marco at pinapanood ang kanina pa palakad-lakad na binata.

"Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito? Kung wala ka namang sasabihing importante, babalik nalang ako dun!"nakasimangot na sabi ni James. Nakaharang kasi si Marco sa pintuan at tila nananadya na ayaw palabasin ang binata.

"Dito ka muna nga. Bakit ka ba kasi kating-kati na bumalik doon? Hindi pa man tayo masyadong nagkakausap mula nung dumating ka eh."pang-aasar pa nito.

"Anong hindi? Eh kasama palang kita nung isang araw ah! Sige na tol, padaanin mo na ako."pakiusap dito ni James pero hindi ito pinansin ni Marco.

"Bakit nga ba kasi?"nakangising tanong nito sa binata.

Tiningnan ng masama ni James si Marco na lalo namang ikinatawa ng huli. "Alam mo naman na may kasamang asungot ang kapatid mo doon tapos tatanungin mo ako ng ganyan?"

Nakangiting nilapitan ni Marco ang nakasimangot parin na binata."Pare, ito ha seryorong usapan. Lalake sa lalake. May gusto ka ba kay Gabrielle?"

Hindi agad nakahuma ang bahagyang nagulat na si James. Napatingin lang siya kay Marco at maya-maya ay buntong hiningang sumagot. "Sorry tol pero hindi ko na napigilan eh." malungkot na simula nito. Hindi naman kumibo si Marco at hinayaan lang na magsalita pa ang binata.

"Ilang taon na kaming magkakilala ni Gab at ilang taon narin kaming magkaibigan. Mula ng makilala kami, siya na ang naging sumbungan ko sa tuwing nasesermunan ako nila Mommy at Daddy. Sa tuwing nagbibreak kami ng mga past girlfriends ko, siya din ang walang sawang nakikinig at nagpapayo sa akin. Lahat halos ng failures ko ay alam niya. Nung nagkasakit ako, wala na dapat akong planong magpagamot pa. Mas nangibabaw kasi ang takot ko na baka pag nagpaopera ako at hindi magsucceed ang operation, hindi na ako magising pa. Takot akong iwan sila Mommy at Daddy pero hindi ko alam bakit sa kabila noon ay wala parin akong lakas ng loob na labanan ang sakit ko. Pero ng maalala ko si Gab at makita ko na isa siya sa masasaktan pag nawala ako, parang bigla akong nagkalakas ng loob. Para akong nagising at naramdaman ko sa puso ko na ayaw ko pang mamatay at ayaw ko siyang iwan. Na ayaw kong mawala sa mundo na ang huling alaalang nakatatak sa isip ko ay ang malungkot at umiiyak na itsura ni Gab. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na malungkot siya. Unfair nga eh.. mas naisip ko pa ang nararamdaman niya kesa sa Mommy ko."mahabang sabi nito saka pagak na tumawa.

"Eh bakit nung gumaling ka na, hindi mo siya agad tinawagan o kinausap? Alam mo ba na iyak siya ng iyak noon sa kakaalala sa iyo?"kunot-noong tanong ni Marco sa binata.

"Naisip ko kasi na parang may mali na sa nararamdaman ko. Magkaibigan kami pero alam ko sa sarili ko na higit pa doon ang gusto ko. Alam mo ba na pag-gising ko after the operation, siya agad ang unang taong hinanap ko?"sagot nito. 

"Eh ano ba kasi ang masama doon? Edi sinabi mo sana 'yun kanya? Ano ka ba naman Tol! Napaka-gay naman! Nabawasan tuloy ang pagkabilib ko sayo."nakasimangot na sabi ni Marco.

"You know Gab more than I do. Alam mo na kung sa mga panahong iyon ay umamin ako, malamang kaawaan lang niya ako. At ayoko ng awa Tol. Ayoko na dumating yung time na sasagutin nga niya ako dahil lang sa naawa siya sa akin. Saka alam ko na hindi pa siya handa nung mga panahong iyon, kaya naisipan ko na subukang kalimutan ang nararamdaman ko sakanya. Lumayo muna, baka sakaling pagbalik ko, kaibigan nalang ulit ang tingin ko sa kanya. Kaso, wala ehh.. Di ko pala kaya... Parang mas lalo pa nga yatang lumala yung nararamdaman ko..."mahabang paliwanag nito.

"Kaso Tol, pa'no yan may umeeksena?"tanong ni Marco.

"Yun na nga ang nakakainis eh. Alam mo bang dati, sa dami ng gustong lumigaw sa kapatid mo, never akong nakaramdam ng insecurities at never akong na- threaten sa kanila. Pero dyan sa boss niya, tablado Tol! Ayaw ko mang aminin pero may laban ehh.."nakangiti pero may lungkot na biro ni James kay Marco.

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now