24th: Space..

41.8K 514 199
                                    

Maaga akong pumasok dahil pakiramdam ko, nasasakal ako sa apartment.


Kinausap ko na kanina si James tungkol sa paglipat nito ng tirahan. Inamin ko dito ang dahilan at masaya ako dahil naintindihan naman ito ng binata at nagdesisyon na maghakot na ng gamit ngayong araw.


Sa totoo lang ay bahagya akong nalungkot sa pag-alis nito pero alam ko na iyon ang mas makakabuti sa amin.


****** Flash back ******


Gaya ng dati ay maaga ulit kaming bumangon upang mag-jogging. Pero hindi gaya ng dati, kitang-kita sa ekspresyon ko ang tamlay. Tila napansin naman ito ni James.


"Okay ka lang Queen? May masakit ba saiyo?" masuyong tanong nito.


Umiling ako pero tiningnan ito ng makahulugan.


"May sasabihin ka ba sa akin?"tanong ulit nito.


Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magsalita. "Ano kasi.. Ahmm, kasi ano.." putol-putol na sabi ko.


Natawa naman ito sa akin. "Kasi ano? Ano kasi? Ano ba  talaga?"


Tila nabawasan naman ang pagkailang ko nang magbiro na ito. "Hindi pa ba okay yung condo mo?" dirediretsong tanong ko.


Kita ko ang unti-unting pagkabura ng ngiti  sa labi nito. Pero panandalian lang naman iyon dahil maya-maya lang ay ngumiti na ulit ito. Hindi nga lang iyon umabot sa mga mata nito.



"Is this your way to brush me off?" nakangiwing tanong nito.


Lumabi lang ako pero hindi nagsalita.


Bahaw na tumawa ito, "Sa totoo lang ay hindi pa, pero kung talagang gusto mo na akong paalisin, sige lalayas na ako. Pero pwede mo parin naman akong pigilan. Hehe."


Bahagya ko itong kinurot. "Hindi naman sa ganun King. Kaso naisip ko lang kasi, parang..."pambibitin ko sa sasabihin ko dahil iniisip ko pa kung paano ko sasabihin dito ang lahat nang hindi ito masyadong masasaktan.


"Queen, alam ko na may gusto kang sabihin. Come on, kilala mo ako. Kahit gaano pa ka-harsh yan, I won't mind. I'll just cry."muling biro nito.


Alam ko na pinagagaan nito ang usapan upang mawala ang pagkailang ko. I smile. Alam ko naman na maiintindihan ako ng bestfriend ko.


"Na-realized ko lang kasi.. Actually kagabi lang..."simula ko.


Nakatingin lang ito sa akin at inaantay ang susunod na sasabihin ko kaya nagpatuloy na ako.


I'm inLUST with my BOSSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora