28th: Her's opinion

21.4K 245 18
                                    

Other's POV:

Ang sama ng pakiramdam ko. Noong una ay akala ko magiging okay ang lahat. Na kapag niyaya ko siyang magpakasal ay papayag na agad ito dahil alam ko naman na noon pa ay may gusto na ito sa akin. Kaso, nagkamali ako.


Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga plinanong mabuntis. Hayop kasing Albert yun! Sinabi ko nang sa labas iputok, pinilit parin nito ang gusto nito dahil yun daw ang masarap! Kaso nung malaman nito na nabuntis ako, bigla nalang itong nawalang parang bula! Hayop na lalake. Anong akala sa akin? Baby maker?


Mabuti nalang at hindi makapit ang bata dahil kung hindi, isa pa ito sa poproblemahin ko.


Oo, patay na ang bata. Namatay ito sa una kong pagtatangkang magpakamatay or should I say, 'kunwaring pagpapakamatay' dahil ang totoo ay balak ko lang talagang ilaglag ang bata dahil panggulo lang ito sa career ko. Nagpanggap lang akong buntis para dagdag paawa kay Iñigo at pati narin kay Mama dahil plano ko ngang ipaangkin sa binata ang kunwaring dinadala ko. Kaibigan ko ang doctor na umeksamin sa akin at kinasabwat ko ito sa pagpapanggap para mas effective. Kaso, mukhang minamalas dahil hindi rin nakiayon sa akin ang desisyon ni Iñigo. At kasalan ito ng malanding babaeng iyon!


Kainis!


Matagal ko nang gusto si Iñigo at noon ay akala ko ganun din ang nararamdaman nito base narin sa pagaalaga nito sa akin kaya nang kausapin ko ito na pakasalan ako, laking gulat ko nang tumanggi ito at sinabing hindi nito kaya kahit na sabihin pang fake lang ang magiging kasal namin.


Kung ano-anong kwento na ang binuo ko para lang mapapayag ito pero nanatili parin akong bigo. Wala ring kaalam-alam si Mama sa lahat ng plano ko at hindi din nito alam ang totoong nararamdaman ko para sa binata. Ang akala nito ay totoong nanganganib ang buhay ko. Kung alam lang nito, lahat ng sinabi ko ay napanood ko lang sa teleseryeng napanood ko.


Ngayon ay nandito parin kami sa hospital.


Sa totoo lang ay kating-kati na akong gumimik! Kaso, hindi pa ako tapos sa pagpapanggap kay kailangan ko munang magtiis dito.


Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng katok. Dali-dali ko namang itinapon ang yosi na halos nangangalahati na at umaktong natutulog.


Habang nakapikit ay naamoy ko ang pamilyar na pabango ng lalakeng laman ng isipan ko kanina pa.


Unti-unti kong iminulat ang mata ko at umarteng bagong gising. Umarte din akong hirap na hirap sa pagbangon sa higaan para mas effective ang drama. Agad akong ngumiti ng matamis nang masilayan ko ang gwapo nitong mukha pero unti-unti itong naging peke ng makita ko kung sino ang kasama nito.



"H-hi! Napadalaw yata kayo?" nakangiting tanong ko pero sa loob loob ko ay naiinis ako.


"Yeah. Gusto ka daw kasing kamustahin ni Leanne kaya isinama ko na siya dito."sagot ni Inigo saka inakay palapit sa akin si Leanne.


"Kumusta na ang pakiramdam mo? We bought something for you ang sana magustuhan mo." sabi nito saka inabot sa akin yung paper bag na hawak nito.

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now