Paumanhin

24.7K 304 66
                                    

Yellow everyone!!

I know it's been a while since my last update and I'm really really sorry kasi hindi ko natupad yung promise ko na mag-update lagi... :(

Alam ko na marami na ang naiinis sa akin kasi ang bagal ko mag-update.. Nakakabitin nga naman kasi feel na feel mo na yung story tapos pag-scroll mo sa susunod na chapter, sasabihin ni watty na "you're at the end of the story".. :(

Dati din po kasi ganun yung naiisip ko sa tuwing nagbabasa ako ng mga On going stories sa wattpad.. Sabi ko pa nga, "Nu ba yan! Gagawa gawa ng story tapos hindi naman pala tatapusin! Kakabitin kaya!"

But now... Ganun din pala ako.. huhubels...

Sorry po mahal kong readers....

Ngayon ko po narealize na ang hirap pala pagsabayin ang work at ng pagsusulat.. Lagi ko sinasabi na kaya ko isingit kahit na tuwing lunch break lang kaso hindi ko namamalayan na tapos na pala ang breaktime pag magsisimula na akong magsulat.. Tapos pag-uwi ko naman sa bahay, nakakalimutan ko na yung mga scenes na gusto kong isulat..

Sinusubukan ko ring magsulat bago ako matulog para fresh (lalo na pag katatapos lang maghilamos or maligo) kaso everytime na saglit akong pipikit para mag-isip, pagmulat ko umaga na pala.. hahaha..

Please guys wag kayo magalit sa akin kung matagal ang update... Mahirap po talaga pagsabayin ang work at pagsusulat promise... lalo na at nagsisimula palang kami sa branch namin kaya marami pang kailangan tapusin.. Kakaregular ko lang po kaya kailangan ko pang sumipsip sa management.. hehe..

Anyway, super thank you sa mga comments at messages nyo.. Super naappreciate ko po talaga.. Sa mga votes at reads palang ninyo, napapangiti nyo na akong tunay..

Sa mga nagtatanong, may draft na po pala para sa next chapter.. Nakakatakot lang i-publish kasi baka awayin nyo ko lalo.. hahahah... Ipa-publish ko nalang po iyon kapag natapos ko na yung kasunod niyang chapter na tiyak na magpapangiti sa inyo.. :)

THANK YOU PO ULIT FRIENDS!!!

I REALLY REALLY LOVE YOU ALL!! Mwaaah... :)

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now