10th: Jealous?

76.8K 991 45
                                    

(A.N: Kahit na malungkot ako... Kahit na disappointed ako... Kahit na..... Kahit na..... Nag-update parin po ako ng 2 chapters kasi ayaw ko naman na bulukin ito sa imbakan ko ng hindi naipa-publish... But anyway, thank-you parin po ng marami sa mga nagcomment (kahit konti lang kayo.. :( )

This update are dedicated to you guys... Mwaaahh.. I love ya'll!!)

___________________________________________________________________________________

Lunchbreak na pero tila hindi parin ako nakakaramdam ng gutom dahil mas nangingibabaw sa akin ang inis na nadarama ko para kay Iñigo at sa babaeng kasama nito ngayon sa loob ng opisina.

Di ko tuloy namalayan ang pagdating ni Angel para yayain akong maglunch.

"Wui te, wala ka bang balak maglunch? Tara na gutom na ko. Ilang araw na kitang hindi nakakasabay ah."

"Yun na nga ang nakakainis eh! Lunch break na pero nandun parin siya. Di ba sila nagugutom?" wala sa loob na himutok ko.

Tila naguluhan naman ito sa sinabi ko."Ha? Ano daw? May pinagdadaanan ka te?"

"Ah basta, naiinis ako!"nakasimangot na sagot ko.

"Ay ewan ko sayo girl. Tara na, gutom lang yan."pagyayaya nito at bahagya pang hinila ang kamay ko.

Wala sa sariling sumunod nalang ako dito. Pero di pa man kami lubusang nakakalabas ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Iñigo at ang paglabas ng dalawa. Sabay kaming napalingon ni Angel sa mga ito.

"Hi po Sir Iñigo and Ma'am Sonny. Lunch break po. Sinundo ko lang po si Gab dahil mukhang wala na namang balak maglunch." magalang na pagbati ni Angel sa mga ito at nginitian ang dalawa. Nginitian din naman siya ng mga ito. Mukhang kilala na nito si Sonny dahil hindi na ito nagulat sa presensya ng babae. Halos dalawang taon narin kasing nagtatrabaho dito sa Chaussure kaya siguro pamilyar na sila sa isa't-isa.

'Friendly naman pala.' Piping bulong ko sa sarili ko at nagpatianod na kay Angel na mag-lunch.

Wala parin ako sa mood kaya simpleng tango nalang ang pagbati na ginawa ko sa mga ito pero ng magtama ang mga mata namin ni Iñigo ay pasimple ko itong inirapan. Wala na akong pakialam kung nakita man iyon ni Sonny. Basta naiinis ako, period!

"Sige po Ma'am & Sir, una na po kami. Bye po." sabi ko nalang ng mapuna ko ang nagtatakang tingin ni Sonny at nagmamadali ng niyakag si Angel palabas.

Alam kong nawi-wierdohan na si Angel sa kinikilos ko dahil habang naglalakad kami kanina ay panay ang tingin nito sa akin pero pilit ko nalang inignora. Pero mukhang hindi na ito nakatiis kaya ng makaupo na kami sa canteen ay agad itong nagtanong, "Anong drama yun girl? Why you're so weird? Dahil ba yan sa new look mo?"

Hindi ako kumibo at nagsimula ng kumain.

"At para saan yung 'irap' na ginawa mo kay Sir Pogi? Anong meron?"pangungulit parin nito.

Tiningnan ko lang ito at nagkibit-balikat at piniling wag sagutin ang tanong nito. Alam kong mapagkakatiwalaan si Angel kahit na ikwento ko pa dito ang lahat dahil sa ilang buwan ko dito, ito ang naging pinakamalapit kong kaibigan kaso hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang kwento kaya mas pinili ko nalang na wag magsalita.

Pero wala yata itong planong tigilan ako.

"Tell me honestly, are you jealous?"tanong nito saka mataman akong tinitigan.

"Jealous of what?" pag mamaang-maangan ko.

"Tsk tsk tsk, wag na magdeny girl. Oo or Oo lang ang sagot dito."dagdag pa nito.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon