Title: Loving the Devil
Genre: Romance, Teen fiction
Author: Shen_manunulat𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘
"S-sino ka?..." Takot ang lumukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko man sya nakikita pero ramdam ko ang bigat ng presensya nya... Hindi ko alam pero nakaramdam ako na parang may nagagalit... nakaposas ako at nakapiring sa mata. Pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng kanyang awra
"Tsk... You don't have to know..." Malamig nitong saad kaya napatahimik ako. Naluluha ako. Ang alam ko kanina ay kamuntikan na akong magahasa. Hindi ko alam kung nasaan ako, bago ako mawalan ng malay noon ay may nakita pa akong lalaking tumulong sakin. Ito na ba yun? Bakit nya ako pinosasan kung ganun? Akala ko ba mabait sya?
Mapait akong napangiti, gusto ko pa nmang pasalamatan at magtiwala sakanya, pero mukhang isa din syang masamang tao... Wala namang pinagkaiba silang lahat e. Palagi naman silang masama sakin kahit wala akong ginagawa. Bakit nga ba?
"Ikaw ang gagawin kong kabayaran sa kasalanan sakin ng ama mo..." Malamig nyang saad na ikinakunot ng noo ko. May kasalanan si daddy sakanya? Hindi ko mapigilang bumubos ang masagana kong mga luha.
"Don't cry... You look weak and fragile dahil lang sa pag iyak mo... Tsk! Ang hina mo" Malamig paring saad ng kung sino. Kahit hindi nya ako nakikita, ngumiti lang ako, ng mapait saka tumango... Yumuko ako
"T-tama ka... M-mahina nga ako... K-kaya siguro ayaw sakin ng lahat... K-kaya siguro ayaw sakin ni Nathan" Mahina kong saad. Napasandal ako sa dingding saka pumikit
"Who the f*ck is Nathan?" Ngumiti ako ng mapait habang inaalala ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko... Biglang sumikip ang dibdib ko nang pumasok sa utak ko na mahal nya ang kakambal ko... Wala akong magagawa
Bago pa man ako makapagsalita, naramdaman ko ang bagay na parang pumisil sa batok ko dahilan para dalawin ako ng antok... Naramdaman ko rin na may taong pumahid ng luha sa pisngi ko na ikinangiti ko...
"Just sleep... Forget your past, and face the present" Mahina nitong saad na dahan dahan kong ikinatango, kung sino man sya, nagpapasalamat ako dahil dinamayan nya ako
ESTÁS LEYENDO
Loving the Devil
RomanceNot loved by her family. but will be loved by the unexpected guy who hates her family. is this man here to comfort her? or just like her own family, this man will also the one who will make her life more miserable