DEVIL 21

1.9K 46 0
                                    

DEVIL 21

RIYA POV

Tahimik kaming apat sa isang table kung saan kami nakaupo. Walang emosyon na nakatitig lang si Lexus sa kung saan. Si Leviticus naman ay panay ang inom na parang Wala lang din siyang kahit ano mang iniisip.

Nang lumingon ako kay Marisa, nakita ko ang matalim niyang titig sa akin. Umirap siya at tumingin kay Lexus saka nagsalita

"Lex... Pwede na ba tayong umuwi? Inaantok na ako" Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa boses niya na ginawa niyang malambing sabay hawak sa braso ni Lexus. Umiwas ako ng tingin.

Tumingin ako kay Leviticus at nakita kong parang balewala lang din lahat sakanya. Huminga ako ng malalim dahil parang may nakamasid sakin na di ko alam kung sino.

Naramdaman kong parang naiihi ako Kaya naman ay kaagad akong tumayo na ikinabaling ng atensyon nilang tatlo

"Where are you going?" Takang tanong ni Lexus... Nakita ko naman ang pagtitig sakanya ni Marisa.

"M-magbabanyo lang ako saglit... Babalik din ako" Mahina kong Sagot.

"I'll go with you" Tatayo na sana siya ngunit kaagad na hinawakan ni Marisa ang braso niya.

"L-lex... Dito ka lang please... Natatakot akong mag isa" Saad ni Marisa. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa mga tingin ni Lexus ay alam kong gusto niyang sabihin na sasamahan niya ako

"You should learn to be alone Marisa. What if Lexus is not on your side? How will you protect yourself from danger then?" Nakita ko ang pagtalim ng tingin ni Leviticus Kay Marisa. Hindi ito nakapagsalita

Pagkaraan ay ngumiti ito

"N-naniniwala naman akong di ako pababayaan ni Lexus... Mahalaga ako sakanya at... Mahal niya ako" Napataas ng konti ang kilay ko pero di naman nahalata...

Naging awkward ang paligid dahil nakatitig parin si Lexus sa akin samantalang Wala namang imik si Leviticus. Tumikhim ako bago nagsalita

"M-magbabanyo lang ako" Saad ko ulit bago tumalikod at kaagad na umalis...

Pumasok ako sa isang cubicle dito sa mansyon nina Nathan... Naalala ko rin na lagi akong tumatambay dito nung mga panahong tanga pa ako sakanya. Hinarap ko ang mukha sa salamin bago inayos ang sarili ko.

Nakamaskara ako ngayon Kaya di nila malalamang nandito ako. Hindi nila malalamang pumunta ako kasama si Lexus.

Narinig kong may yapak na papunta dito. Agad kong sinuot ang maskarang dala ko bago humarap sa salamin...

Nakita Kong pumasok si Marisa sa loob. Nang Makita niya ako ay nakataas ang dalawa niyang kilay sakin. Saka siya umirap.

Naghugas siya ng mga kamay bago tumingin sa salamin. Aalis na Sana ako nang bigla siyang magsalita

"Alam mo ba na pinaglalaruan ka lang ni Lexus?" Nahinto ako bago nagtitimping humarap sakanya

"Ano naman sayo ngayon?" Tumawa siya ng may panunuya.

"Hindi mo din ba alam na pwede kitang isumbong na nasa puder ka niya? Nakikita Kita sa TV. ang pangit mong mukha ang palaging bungad ng balita. Pinaghahanap ka raw..." Pagkatapos niyang maghugas ay kaagad siyang humarap sakin habang nakangisi

"Balita ko di ka raw Mahal ng mga magulang mo. Mas Mahal nila ang kakambal mo kesa sayo. Bakit di ka nalang magpakam*tay? Mas maganda Yun, para naman mawala ka sa landas namin ni Lexus... Sagabal ka eh" Doon ako napuno

"Sumusobra ka na ah? Bakit ba palagi mo akong inaaway?" Natawa siya. Saka siya umiling iling

"Kinausap lang Kita. Iba ang inaaway sa kinakausap. Matuto kang tumingin sa pinagkaiba nun, nag aral ka ba talaga? O hindi?" Nangangalaiti ako sa galit

"Pwede bang lubayan mo na ko? Sa ating dalawa ba? Sino ang hindi nag aral? Lumayo na nga ako di ba? Bakit ba inuunahan mo ko?" Tumaas ang boses ko dahilan para Makita ko na masaya siya

"Saka Isa pa... Nakakadiri ka... Nabalitaan ko ring hinahabol mo ang isang Nathan Villaflor... Hindi ka ba nahihiya para sa sarili mo? Kaya ka siguro itinakwil ng pamilya mo Dahil despera---"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil agad na dumapo sa makapal niyang mukha ang palad ko. Isang malutong na sampal...

"Oo na at nagkamali ako dati. Pero pwede ba wag mong ibinabato sakin na desperada ako dati? Ano bang pakialam mo?"

"At anong gusto mong sabihin sakin? Na nagbago ka na? Tsk! Alam mo Riya, hinding hindi magbabago ang isang desperada..." Ikinuyom ko ang mga kamao ko...

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko Kaya wag kang umasta na para bang Alam mo ang lahat... Hindi mo alam kung bakit ako naging ganun. Wag na wag mong uungkatin ang dating ako" Ngumisi siya sa akin...

"Hindi rin ako makakapayag na gamitin mo si Lexus para pagselosin si Nathan Samonte. Dahil una sa lahat, hindi niya hahabulin ang isang cheap na babaeng tulad mo... Akala mo ba hindi ko alam na tinutuklaw mo na siya at gawing panakip butas?" Doon ko siya hinambalos saka sinabunutan dahilan ng pagsusumigaw niya

Wala akong naging pakialam. Galit ang namutawi sa buong sistema ko. Panay ang pagmamakaawa niyang bitawsn ko siya pero hindi ako nakinig... Wala akong ibang ginawa kundi ang kalmutin at sabunutan siya...

"Sino ka ba sa inaakala mo? Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan huh?!" Narinig ko ang pag iyak niya. Nanlaban pa siya ngunit hindi ko siya hinayaan.

Narinig ko ang tinig ng isang guard na inaawat kami ngunit di parin ako nagpatalo at Hindi parin siya bintawan.

Nagulat nalang ako na...

Tumilapon ako dahil sa may malakas na pwersang humila sakin. Malakas ang pagkakatulak sa akin at buti nalang may nakasalo. Si Leviticus

Nang tingnan ko ang nasa harapan ay halos madurog ako sa nakita. Si Marisa...

Inaalo at niyakap ni Lexus. Pinapatahan na para bang sinasabi niya na nandito na siya at Hindi ko na masasaktan pa. Bagay na...

Pinakamasakit sa akin

Loving the DevilWhere stories live. Discover now