DEVIL 9

2.2K 60 0
                                    

DEVIL 9

"Ikaw ba yung Asawa ni senyorito?" Biglang tanong ng isang kasambahay ni Lexus sakin. Actually mukhang mas matanda sya sakin ng dalawang taon. Todo iling ang ginawa ko

"N-naku! Hindi! B-bisita nya lang ako!... Oo bisita lang!" Hysterical kong sagot at ngumiti ng pilit. Pero sa loob loob ko ay Todo kaba na ang nararamdaman ko.

"Bisita?" Nakita Kong Nagtaka ang babae sa gilid ko sabay tingin sa itaas ng kisame na parang may iniisip

"Sa pag kakaalala ko Hindi Naman tumatanggap ang senyorito ng mga bisita dito" Tiningnan nya ako sandali at nagkibit balikat nalang

"A-ahh... Kase..."

"Pamilyar ka sakin, San ba Kita nakita? Hmm..." Umakto sya na parang nag iisip bago nanlaki ang mga matang nakatingin sakin habang tulala naman akong nakatingin sakanya at parang gusto ko nang umalis at iwan nalang sya.

"U-huh?! Ikaw ba si Riya Almonte?! Halah ka! Pinaghahahanap ka na po! Sabi ko na nga ba!" Napalunok ako bago sya hampasin sa braso ng konti sabay samaan sya ng tingin ng konti

"Shhh... Wag Kang maingay! Promise me na Hindi mo sasabihin Kahit kanino na nandito ako!" Umiling Naman sya bago nagsalita

"Mapapahamak ang senyorito sa ginagawa nyo! Teka lang! Kinidnap ka ba nya? Sa pagkakaalam ko ay may atraso ang pamilya nyo sa pamilya nila..." Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya bago luminga linga at nagsalita

"S-sabihin mo, ano Yun..." Sandali syang napaisip at magsasalita na Sana nang may tumikhim sa likuran ko Kaya agad akong napalayo sa kasambahay at napatingin doon sa tumikhim... Nandito si Leviticus Kaya Naman ay Nagtaka ako. Malamig syang nakatingin sa kasambahay bago bumaling sakin

"What did she tell to you?" Walang emosyon ang mukha nya na para bang Hindi sya Yung Leviticus na nakilala ko nung nakaraan

"W-wala Naman..." Bumuka ang bibig ko pero Wala akong maipaliwanag sakanya

"E-excuse me po..." Mahinang Saad ng kasambahay bago Dali daling umalis Kaya naiwan kaming dalawa...

Dumaan ang saglit na katahimikan bago sya Dumaan sa gilid ko at nagsalita

"Kailangan mo nang umalis, Hindi ka pwedeng manatili dito... Knowing my brother is a killer at baka mapahamak pa sya dahil sayo" Malamig nyang tugon bago kumuha ng maiinom...

"K-killer ba tlaga si Lexus?" Para kaseng ayaw Kong paniwalaan Kahit na pinakita nya sakin nung isang araw Kung paano sya pumatay ng tao. Napangisi si Leviticus bago umupo ng tuluyan

"Uhumm, at kapag nabored na sya, baka ikaw na ang sunod nyang patayin" Hindi ko Alam pero kinilabutan ako dahil sa sinabi nya...

"H-hindi magagawa sakin ni Lexus ang bagay na yan... M-mabait sya..." Pumiyok ang boses ko at narinig ko namang humalakhak sya bago ako nginisihan at lumagok ng ininom nya

"Mabait huh? You find my brother kind? Tsk! Don't be so dumb... You don't really know what's his plan" Makahulugan nyang tugon.. Hindi ako makaimik... Napayuko ako

"Ganyan ka na ba tlaga kauhaw sa atensyon para itrato ng mabuti ang ibang taong masasama? I actually pity you..." Tiningnan ko sya. Inaasahan kong nang iinsulto sya pero hindi, totoong naaawa ang mga mata nya

Tumayo sya at kaagad na nilapitan ako... Hinawakan nya ang magkabilaan Kong balikat bago tiningnan ako sa mga mata

"Someday, you'll find the better person who'll love you truly. You're kind Riya, you're kind I know, Kaya nga ayaw kitang masaktan, Kahit pa ikaw ang anak ng mga taong pumatay sa mga magulang nya" Napakunot ang noo ko. M-magulang ko? Pinatay sino? Magsasalita pa Sana ako pero lumayo na sya

Loving the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon