DEVIL 24

1.9K 45 1
                                    

DEVIL 24

"Sipsip"

Napatingin ako sakanya at hindi nakaligtas sa akin ang pag irap ng kanyang mga mata. Napa cross arm siya kaya nanahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtayo niya dala ang isang plato na may lamang pagkain saka lumapit sakin.

Hindi ko lang Sana siya papansinin ngunit nagulat ako nang bigla niya akong buhusan ng pagkain dahilan para mapatayo ako. Napatingin ako sakanya ngunit agad niya lang bintawan ang pinggan na hawak dahilan para mabasag ito sa sahig at lumikha ng isang ingay

Pinagpagan ko ang sarili ko.

"Bakit mo ginawa yun?!" Galit kong sigaw sakanya.

Napatingin siya sakin at agad na umastang humihingi ng paumanhin

"P-pasensya na po ma'am... Hindi ko po sinasadya" Saad niya dahilan para mas lalo ko siyang tingnan na parang di makapaniwala

Biglang pumasok sa loob sina Lexus at sa likuran nito si Nanay Minda na ngayon ay natarantang tumingin sa kanyang apo

"Jusko! Marisa! Anong nangyari?!" Tumingin ito sa akin at nang Makita ang ayos ko ay kaagad syang Kumuha ng malinis panyo na nasa balikat niya...

"P-pasensya ka na iha... At---

Nahinto siya at ako ay nagulat nang lumuhod si Marisa sa harapan ko. Napaatras ako dahil sa ginawa niya. Ngunit kalaunan ay nakuha ko rin ang gusto niyang iparating.

"M-ma'am... Maawa ho kayo... Wag niyo hong idadamay ang Lola ko" Napahawak ako sa ulo dahil sa pinag gagagawa niya...

"T-tumayo ka riyan Marisa... Ano bang nangyari?" Nakita ko na umiyak si Marisa ngunit alam kong peke lahat ng iyon.

"N-nabuhusan ko po siya ng pagkain lola... Hindi ko po sinasadya iyon" Hindi ko na alam ang gagawin.

Napatingin ako kay Lexus nang bigla niyang lapitan at hawakan si Marisa sabay ipinatayo ito saka agad na niyakap. Nakita ko rin ang pag iyak ni Nanay Minda habang humihingi parin ng pasensya sakin

"A-ayos lang ho iyon... Wala pong problema" Saad ko nalang habang inaliw ang pag kakausap sa matanda dahil hindi ko sila magawang tingnan ng diretso...

Pinakaayokong Makita sila sa ganoong posisyon at habang kaya ko ay iniiwas ko ang tingin ko. Biglang nagsalita si Lexus habang hinahagod parin ang likuran ni Marisa.

Nakatingin siya sa akin ng malamig

"We need to talk" Agad silang umalis habang nakaalalay parin Kay Marisa. Si Nanay Minda naman ay humingi parin ng pasensya sa akin

"Marisa told me everything" Huminto siya sa pagsasalita habang ako ay nanatiling tahimik. Wala akong ganang magpaliwanag sakanya

"You shouted her after she said an apology after she accidentally spill you some foods" Doon ako napalingon.

Gusto kong magsalita pero para akong tangang nandito sa tabi niya at di man lang makapagpaliwanag

"I don't know you have this bad attitude" Dagdag pa niya

Ikinuyom ko ang mga kamao ko bago pisilin ang mga kamay saka tumikhim at nagsalita

"Hindi aksidenteng natapunan niya ako ng pagkain" I stated dahilan ng pagkunot ng noo niya

"Sinadya niya yun" Natahimik siya ngunit pagkaraan ay nagsalita ulit

"Are you saying that Marisa's lying? Sa inyong dalawa, I know her better. Matagal ko na siyang kilala than you... She's not a bad person Riya" Natawa ako at napangiti ng mapait

"How I wish totoo lahat ng sinasabi mo na mabait siya... Because the truth, that girl is a devil!" Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Lexus...

"Be careful of the words that you're throwing... It might hurt someone"

Tumango tango ako saka siya nilingon

"Tapatin mo nga ako Lexus. Do you love her? Or do you like her?" Umiwas siya ng tingin sa akin

"I don't even like nor love---

"Oh c'mon! Don't be so defensive Lexus! I hate liars! Sabihin mo nlang kase sakin na kaya mo ako pinagalitan ngayon kase akala mo sinigawan ko siya where in fact sinadya niyang buhusan ako ng pagkain! Kagabi Naman, sinugod niya ako sa CR para awayin at ipamukha sakin kung gano ako kadesperada noon!"

Huminto ako bago naglandasan ang luha sa mga mata ko. Napahikbi ako pero nakatitig lang siya

"Siya yung nauna alam mo ba yun? But you still keep defending and saving her... Pero ako? Ewan ko lang ah? Tatapatin na Kita! Nagseselos ako..." Umiwas ako ng tingin bago humarap ulit sa kawalan...

"Nagseselos ako kase... Nakita ko kayong dalawa kagabi... Magkatabi matulog... Ako dapat yun eh! Tayo dapat yun kase nga di ba asawa mo ko! Ako yung pumirma ng marriage contract na binigay mo! Ibinigay ko sayo yung sarili ko kahit alam ko noon na di kita Mahal!"

Lumingon ako sakanya at nakita ko ang kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata niya...

"Pero habang nakatingin sa inyong dalawa? Doon ko napagtantong... Sa aming dalawa, siya ang mas mahalaga..."

Sobrang sikip sa dibdib ang katotohanan na akala ko ay hindi ako tatamaan noong una. Napahikbi ako at inilabas lahat ng emosyong naramdaman ko.

Hindi ko inalintana ang mga tingin niya ngunit gusto ko lang malaman niya kung anong nararamdaman ko ngayon habang nagmamahal siya ng iba.

Loving the DevilWhere stories live. Discover now