DEVIL 36

2K 49 0
                                    

DEVIL 36

Naging maayos ang lahat makalipas ang tatlong araw... Naging tahimik ulit ako ngunit naroon parin ang sakit sa dibdib na iniinda ko hanggang ngayon. Sa gabi, tanging pag iyak ng malakas ang nagagawa ko dahil Wala... Wala na akong magagawa.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si mommy. Agad niya akong nilapitan at napansin ko ang kalungkutan at pagkabalisa sa mga mata niya

Lumapit siya sa akin bago pinisil ang dalawang kamay ko.

"Riya anak... Gustong humingi ng tawad ni mommy sayo... Pasensya ka na anak at di Kita naalagaan ng mabuti... Pasensya ka na kung puro si Rina lang ang iniisip ko... Pero anak nagsisisi na ang mommy... Mapatawad mo pa sana ako at sana'y hindi pa huli ang lahat"

Nakatitig lang ako sakanya at saka nagtataka...

"H-hindi ko na napigilan ang daddy mo. He decided that you will marry Nathan and forget about Lexus... Pero anak... You're now free to choose... Ikaw parin ang masusunod dahil sa totoo lang...." Umiling siya habang umiiyak parin

"You've been through a lot... Hindi naging maganda ang buhay mo samin... Madalas naming pakialaman ang buhay mo pero ngayon, hinding hindi na ko makikialam pa..." Hindi ako makapagsalita

"Tama ka anak... Ang daddy mo nga ang pumatay sa mga magulang ni Lexus..." Napahinto ako at agad na napaayos ng upo

"M-mommy? Alam niyo?" Nanginig ako dahil sa nalaman. Yumuko siya saka tumango tango

"Oo... Alam ko... Ngunit dahil sa kapangyarihan at kayamanan ng pamilya natin, nagawa niyang pagtakpan lahat ng kanyang mga kasalanan..." Humikbi siya habang ako at nakikinig lang sakanya

"H-hindi ko na Kaya anak! Sumusobra na ang daddy mo Kaya ngayon ay gumagawa na ako ng paraan para makulong siya at mapagbayaran lahat ng mga kasalanan niya" Saad niya habang patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha sa mga mata

"T-tulungan mo ako Riya..." Umiiyak akong umiling

"Mommy hindi.... Paano kung mapahamak ka? Alam kong mahal na mahal mo si daddy... H-hayaan nalang natin na ang itaas na ang humingi ng bayad sa lahat ng kasalanang nagawa niya..." Umiling si mommy

"Ayoko nang may madamay pang iba... Hindi na Riya... Oo mahal ko ang daddy mo pero hindi ko maaatim na maging masama siya... Kabutihan lang niya ang iniisip ko... Ayoko lang siyang mapasama anak" Ngumiti ako Kay mommy bago siya niyakap...

Humihikbi at humagulgul siya ng tahimik sa balikat ko... Ngayon ko lang nakita na naging ganito siya... Bumitaw siya sakin bago tinitigan ako...

"H-hindi mo na mahal si Nathan hindi ba?" Nagulat ako sa naging tanong niya... Nakatitig lang siya sakin

"Tama nga ang hinala ko... Talagang hindi mo malalaman na iba na ang tinitibok ng puso" Ngumiti siya sakin dahilan para lumitaw ang ganda niya

"P-paano niyo po nalaman---

"Nababasa ko sa mga mata mo... Sa kilos, at maging sa pananalita mo... May iba na" Putol niya sa sasabihin ko... Hinawakan niya ang dalawang kamay ko bago tumingin sa kawalan

"Mahal mo siya?" Napakunot ang noo ko. Nakangiti si mommy ngayon na para bang nahulaan niya

"S-sino po? S-si Nathan? Wala na po akong nararamdaman para sakanya" Mahina kong Saad. Hindi umimik si mommy ngunit kalaunan ay nagsalita na siya

"Ang ama ng dinadala mo... Mahal mo ba?" Natulala ako dahil sa naging tanong ni mommy... Hindi ako nakapagsalita at mas lalong hindi ako nakakilos man lang dahil sa naging tanong na iyon

"Mahal mo na pala si Lexus..." Pinisil niya ang mga kamay ko bago ngumiti

"Hindi ko man lang siya nakilala... Sayang" Saad niya. Nakatitig lang ako sakanya nang sabihin niya iyon.

"H-hindi po kayo galit? H-hindi po kayo tutol sa nararamdaman ko sakanya?" Umiling si mommy sabay ngiti

"Kung saan ka masaya... Sige lang.... Pero anak, wag mo namang ikulong ang sarili mo sakanya... Wala na siya... Alam kong hindi madali... Alam ko rin naman na Kaya mo at kapag nangyari yun, maaari mo namang pagbigyan si Nathan..." Huminga lang ako ng malalim bago tipid na ngumiti sakanya

"Hindi na mommy... Hindi na ata ako makakalimot eh... Hindi ko na ata kayang kalimutan ang lalaking yun, siguro nga habambuhay ko nang mahal ang taong yun" Biglang naglandasan ang mga luha sa mga mata ko...

"Kung ganun, sabihin mo nalang sa daddy mo na hindi ka magpapakasal kay Nathan... Ikaw na ang gumawa ng paraan huh? Wag mong hayaan na diktahan ka niya..." Tumango ako saka malungkot na tumingin sa kawalan



Binuksan ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng kuskos ng gitara. Isang tao ang pumasok sa isipan ko ngunit nang lumingon ako ay nanghinayang lang sa nakita. Si Nathan lang pala...

Nang makitang nagising ako ay agad siyang umayos ng upo at ngumiti sa akin... Nasa loob siya ng kwarto ko

"Nadisturbo ko ba ang tulog mo? Uhmm, sorry. But Riya... Pwede ba kitang kantahan? Kahit saglit Lang... Please?" Nangungusap ang mga mata niya Kaya agad akong tumango

Pumwesto siya at agad na inihanda ang sarili. Unang pagtugtog niya ay naging pamilyar sa akin ang kanta...

Tumingin siya sakin bago inawit ang unang lyrics nito

"I can see the pain living in your eyes
And I know how hard you try
You deserve to have so much more
I can feel your heart and I sympathize
And I'll never criticize all you've ever meant to my life"

Sa kanta niyang yun, nakita ko ang sakit at ang panghihinayang...

"I don't want to let you down
I don't want to lead you on
I don't want to hold you back
From where you might belong
You would never ask me why
My heart is so disguised
I just can't live a lie anymore
I would rather hurt myself
Than to ever make you cry
There's nothing left to say but good-bye"

Sumikip ang dibdib ko dahil sa linyang iyon. Alam kong siya rin ay nasaktan dahil sa mga linya palang ay alam ko nang masakit na... Nakita ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa mga mata niya

"You deserve the chance at the kind of love
I'm not sure I'm worthy of
Losing you is painful to me"

Nakapikit siya habang dinadama ang pagkanta sa mga linyang iyon

"I don't want to let you down
I don't want to lead you on
I don't want to hold you back
From where you might belong
You would never ask me why
My heart is so disguised
I just can't live a lie anymore
I would rather hurt myself
Than to ever make you cry
There's nothing left to say but good-bye"

Nakita ko kung paano niya dinama ang lahat... Hindi ako tanga para hindi malaman na... Nagpapaalam na siya

"You would never ask me why
My heart is so disguised
I just can't live a lie anymore
I would rather hurt myself
Than to ever make you cry
There's nothing left to try
Though it's gonna hurt us both
There's no other way than to say good-bye"

Nang buksan niya ang mga mata niya, nakita ko ang pag agos ng kanyang mga masaganang luha... He mouthed the word 'Goodbye'

Loving the DevilDonde viven las historias. Descúbrelo ahora