DEVIL 12

2K 50 0
                                    

DEVIL 12

Umiwas siya ng tingin. Huminga ng malalim bago ako walang emosyong tiningnan

"How did you know her?" Malamig niyang tanong. Nakaramdam ako na parang may Mali

"M-may nakita kase akong... kulay gold na kwintas sa draw--

"Did I told you to touch that thing?" Natahimik ako nang bigla niya akong putulin sa pagsasalita. Napakunot ang noo ko.

"That's not yours so wag na wag mong pakikialaman ang mga bagay na hindi naman sayo" He added. Bigla akong nahiya. Biglang nalungkot at parang may sakit akong naramdaman... Sino ba si Devina?

"Bakit Lexus? Who is she?" Tiningnan niya lang ako...

"Why don't you---

"Stop this... She's just my cousin" Sagot niya. Ngunit hindi doon nawala ang pagdududa ko. Parang may Mali at parang may lungkot sa mga mata niya habang nagsasalita

Tumayo siya bago ako harapin.

"Just stay here... May aasikasuhin lang ako" He said bago ako halikan sa noo at agad na umalis... I sighed. Tiningnan ko lang ang papaalis niyang bulto...

Nakatulog ako buong maghapon. Kumakalam na ang sikmura ko dahil sa maghapong pagkatulog kaya naman ay agad akong bumangon at bumaba.

Walang tao sa buong bahay at tahimik na tahimik. Agad kong binuksan ang ilaw at halos mapasigaw ako sa gulat at takot sa aking nakita...

May mga nagkalat na dugo sa sahig. Amoy na amoy ko ang baho nito at halos maiyak ako dahil sa takot... Nanginginig din ang tuhod ko at halos mapasigaw na ako

Narinig kong parang may Umungot. Parang nasasaktan ito at parang nahihirapan. Pinakinggan ko ito ng maigi at agad na nalamang, nasa kabila itong silid.

Dahan dahan akong naglakad papunta Doon. Nang buksan ko ang pintuan ng isang kwarto ay bumungad sa akin ang duguang si Lexus. Kaawa awa ang naging kalagayan niya.

Pinagpawisan na siya habang panay ang pagtatakip niya ng kung ano ano sa sugat na nasa tagiliran niya...

"Lexus!" Agad ko siyang dinaluhan at nakita ko ang nasasaktan niyang mukha. Ngunit agad din itong nawala nang Makita ako.

Umiwas siya ng tingin sa akin. Lalapitan ko na Sana siya ngunit agad siyang nagsalita

"Don't come..." Natigilan ako pero pagkaraan ay kaagad ring nilapitan siya... Hinawakan ko ang mga braso niya para alisin ang kamay niyang nakatakip lang sa sugat niya ngunit mas lalo niya Lang itong hinigpitan

"Lexus... Akin na!" Saad ko sakanya... Hindi pa siya nagpatinag ngunit kalaunan ay dahan dahan na rin niyang inalis ang mga kamay niya...

Malaki ang sugat niya. Huminga ako ng malalim bago nagtanong

"Anong nakasugat sayo?" Tanong ko. Tiningnan ko siya at nakita Kong nakatitig lang siya sa akin. Binigyan ko siya ng nagtatanong na mukha ngunit umiwas lang siya ng tingin sa akin

"I was shoot by a gun" He calmly said dahilan para mapasinghap ako

"Baril pala tu eh! Bakit di ka man lang pumunta sa ospital huh?! Alam mo bang maiimpeksyon ka?! Hindi mo ba Alam na mamamatay ka diyan sa ginagawa mo?!" Tumingin siya sakin

"Why do you care?" Malamig niyang tanong sa akin. I sighed...

"I-it's because... I-i'm your wife..." Medyo nailang ako... Huminga siya ng malalim at di na nagsalita pa. Agad akong umalis at Kumuha ng bimpo saka palanggana na may lamang tubig...

Tahimik akong pinupunasan at ginagamot ang sugat ni Lexus... Alam ko na nakatitig siya sakin... Alam ko rin na may gusto siyang itanong...

Sa paglipas ng mga araw, naging magaan ang loob ko sakanya. Sakanya ko naramdaman ang isang pagmamahal o atensyon na gusto ko...

Hindi man naging masaya ang naging karanasan ko sa kamay ng mga magulang ko at alam kong kababawan kung ituring pero kahit na masama siya ay handa parin akong magsilbi sakanya. Gawin lahat ng gusto niya. Mapalapit sakanya kahit na alam Kong may galit siya sa pamilya ko

Alam kong may binabalak siya sa akin... Alam kong Kaya niya ako niyayang pakasalan siya ay dahil sa gusto niyang makaganti sa pamilya ko...

Hindi ko alam ang takbo ng isip niya... Hindi ko alam Kung anong pinaplano niya para sakin pero Isa lang ang masisiguro ko...

Mamahalin ko ang demonyong taong nasa harapan ko na may galit sa pamilya ko... Mamahalin ko ang isa sa mga kampon ni satanas na siyang nagparamdam sakin na maaari rin akong alagaan...

"Hindi mo na kailangan gawin yan" He suddenly said dahilan para matigilan ako sa ginagawa. Tumingin ako sakanya bago ngumiti

"Ano ka ba... Ayos Lang... Sanay na ako mag gamot ng mga ganito... May ganito din kase ako dati" Mahinang Saad ko...

Natahimik ulit kami at naramdaman ko ang mga titig niya sakin ngunit hindi ko nalang pinansin

"Why did you let them to hurt you?" Tanong ulit niya... ngumiti ako bago Tumigil saka yumuko

"Pag ba lumaban ako kaya ko? Di ba hindi rin Naman? Wala akong kakampi Doon kundi sarili ko lang... Akala ko kase dati, kapag hinayaan ko sila titigil sila..." Huminto ako bago huminga ng malalim

"Kaya ayun, Hindi nalang ako lumaban... tanga ko noh?" Tumawa ako pero nanatili lang siyang nakatitig

"Ang tanga tanga ko na pinagpilitan ko pa yung sarili ko sa pamilyang di naman ako welcome... Naghabol sa maling tao... Hindi naging masaya" Dagdag ko...

"Are you crying?" Mahinang tanong niya sakin... Kumurap ako at kinapa ang pisngi ko... Ngumiti ako dahil bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko

Hinawakan niya ang mga kamay ko bao iyon inalis at siya na ang nagpunas ng mga luha sa mga mata ko...

Tinitigan niya ako pagkaraan ay agad na umiwas ng tingin... Hinalikan niya ako sa noo bago nagsalita

"Matulog ka na..." Bulong niya at naramdaman ko nalang ang papaalis niyang yabag

Loving the DevilOnde histórias criam vida. Descubra agora