DEVIL 15

2K 55 0
                                    

DEVIL 15

Nakatulog na si Lexus. Pasado alas dose na siguro ng hatinggabi at nandito parin ako sa kwarto niya. Pansamantala kong hinahaplos ang buhok niya para makatulog siya. Malinis na din siyang tingnan dahil pinilit ko siyang mag ayos kanina...

Bumangon ako sa kamang hinihigaan ko. Maglalakad na sana ako papalabas nang biglang may nahagip na isang bagay sa mga mata ko.

Tumingin muna ako sa natutulog na si Lexus bago dahan dahang nilapitan ang bagay na iyon... Dahan dahan ko itong dinampot at halos mapiga ang puso ko sa nakita...

Guhit ng isang masayang pamilya... Para itong ipininta at napakaganda... Biglang kumirot ang puso ko sa nakita at kaagad na tumulo ang luha sa mga mata ko.

Lumingon ako sa natutulog na si Lexus. Hindi ko alam pero damang dama ko ang iginuhit niya...

Hinaplos ko ito at kaagad na napangiti ng mapait. Hindi ko naranasan ang ganito. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng isang masayang pamilya...

Alam kong pamilya niya ito dahil may mga pangalang nakatatak. Natawa ako dahil nakita ko si Leviticus... Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang iginuhit niyang larawan. Hindi ko maiwasang hindi masaktan

Ito ba? Ito ba ang pamilya niya? Nasaan na ang mga ito? Inilagay ko nalang ang litratong ginuhit niya sa lalagyan bago ako lumabas ng kwarto niya at nagdesisyong matulog na.

Kinabukasan. Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw. Agad akong bumangon at napagpasyahang bumaba. Ngayon ay plano ko na ako ang magluto ng almusal naming dalawa ni Lexus. Asawa niya ako at napag isip isip ko na dapat kong gampanan iyon kahit na alam kong kasunduan lamang.

Pagbaba ko ay narinig ko ang isang hindi pamilyar na tinig ng isang matanda. Nang bumaba ako ay agad ko itong nakita at kasama nito ay isang dalaga na hindi ko naman kilala...

Hindi nila ako napansin. Nakita kong abala sila sa paglalapag ng mga dalang gulay at kung ano anong mga karne at pagkain sa lapag. Abala rin ang lahat maging ang ibang mga katulong Kaya di nila ako napansin...

"Sino ka?" Nagulat ako nang mapalingon sa akin ang babae at kinilatis ang suot ko maging ang itsura ko.

Napalingon ang iba at maging ang matandang kasama nito na hindi ko kilala. Ngumiti ako pero hindi man lang nila sinuklian at maski ang ginang na nasa tabi nito ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin

"Ako nga pala si Riya" Pakilala ko. Nagkatinginan silang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya.

"A-ahh Marisa. Siya si Senyorita Riya... Ang---

"Sshhh" Pinatahimik ko ang nagsalitang kasambahay kaya natahimik ito at nginitian ko nalang.

"Ako si Riya. Bisita ako ni Lexus dito" Sabi ko. Napangiti naman ang ginang

"Nako... Magandang araw sa iyo iha. Ako nga pala si Nanay Minda. At ito ang aking apo na si Marisa..." Magiliw nitong Pakilala. Tumingin ako kay Marisa at di ko Alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko ang palihim niyang pag irap sa akin.. 

"N-nagagalak ko po kayong makilala Nanay Minda... Bisita din po ba kayo ni Lexus?" Tanong ko. Tumawa at umiling ang matanda sa akin.

"Hindi iha. Kasambahay din ako. Ako ang nag alaga dalawang binatang Mendoza mula pagkabata palang nila. Noon paman ay nagsisilbi na ako sakanila hanggang sa mamatay ang mga magulang nila" Saad niya. Napasingkit ang mga mata ko.

"Namatay ho? Ang magulang nila?" Naupo ako sa isang upuan at ramdam ko ang matalim na titig ng Marisa sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon

"Oo. Wag na nating pag usapan iyan dahil baka marinig tayo ni Lexus..." Saad pa niya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya...

Hindi na ako nagsalita pa. Maya maya lang ay biglang may baritonong boses ang nagsalita.

"Kailan pa kayo dumating?" Nilingon ko si Lexus na nagsalita at nakitang tumakbo papunta sakanya si Marisa.

Natulala ako nang biglang yumakap ito sakanya. Natigil si Lexus at agad na tumingin sa akin ngunit agad akong umiwas ng tingin

"L-lex... Namiss Kita..." Lumingon ulit ako sakanila at agad na gumuho ang mundo ko sa nakita... Niyakap ni Lexus ang babae.

Narinig ko ang paghikbi nito...

"Hush now Maris. I miss you too" And with that bumagsak nang tuluyan ang lahat ng sayang naramdaman ko.

Napalitan ito ng sakit

Loving the DevilWhere stories live. Discover now