DEVIL 14

1.9K 56 0
                                    

DEVIL 14

Tahimik ang buong kabahayan. Kinabukasan ay ako mag isa ang natulog. Binuksan ko ang pintuan at kaagad na tiningnan ang kwarto ni Lexus. Wala siya doon.

Kaagad akong bumaba at nang Makita ako ng isa nilang kasambahay ay agad ako nitong binati

"Senyorita... Kain na po kayo..." Anyaya nito. Naglakad ako bago ngumiti

"A-asan pala si... Lexus?" Tanong ko nang makaupo ako. Lumingon ito sakin habang abala sa paghahanda ng pagkain ko

"Umalis po si Senyorito... Maaga po siyang umalis at ibinilin niya lang sakin na pakainin daw po kayo ng agahan" Sagot nito saka agad na umalis...

Naiwan ako. Huminga ng malalim at inisip ang nasabi ko kagabi. Hindi ko naman intensyong sabihin iyon ngunit parang may nagtulak saakin na magsinungaling...

Bigla kong narinig ang boses na nanggagaling sa likuran ng kusina... May mga nag uusap na kasambahay

"Uy Lorna! Di ba yang babaeng nandiyan na kasama ni Senyorito eh pinaghahahanap yan?"

"Ayy talaga ba? Jusko! Bakit raw? May kasalanan?"

"Hindi! Anak daw yan ng mayaman na pinaghahahanap! May malaking pabuya raw ang makakapagturo kung nasaan ang batang iyan!

"Siya nga ba? O eh saan mo nalaman?"

"Sa TV! nagulat nga ako nung kamukha niya ito eh..."

Huminga ako ng malalim bago tumayo... Nagkakamali sila... Si Rina ang pinaghahahanap ng mga magulang ko at kailanman ay di ako hahanapin ng mga iyon

Agad akong pumunta sa may kusina at doon ko nakita ang kumpol kumpol na mga kasambahay na ako ang pinag uusapan. Huminga ako ng malalim

"M-mawalang galang na po..." Napalingon sila sa akin at agad na nagsiyukuan... May iba pang halatang kinakabahan...

"N-naku! Senyorita pasensya na po at nag uusap kami dito... Babalik na ho kami sa mga trabaho namin" Kinakabahang Saad ng Isa. Ngumiti at tumango lang ako bagay na ikinagulat nilang lahat.

Nagkatinginan pa sila...

"S-saka... May isa pa pala akong dapat iklaro sa inyo..." Tumigil ako saglit bago sila hinarap lahat

"Wala pong naghahanap sakin... K-kakambal ko po yung hinahanap nila at hindi po ako..." Hindi sila umimik at nagkatinginan lang. May ibang nagkibit balikat pa...

"Tsaka... Kung maaari po. Wag niyo na po akong pag usapan pa... Kung gusto niyo Naman eh... Siguraduhin niyo nalang po na di ko maririnig..." Maliit na ngiti ang ipinamalas ko bago tumalikod...

Bumalik ako sa pinagkainan ko bago nagpatuloy...

Kinagabihan, nagbabasa ako ng libro nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto... Tiningnan ko ang orasan bago nakitang, malapit na mag alas diyes ng gabi...

Tumayo ako bago napagdesisyonang puntahan siya at saan siya galing. Biglang tumunong ang cellphone na binigay sakin ni Lexus at nakita kong may nagtext

'Hey there Riya! Lexus is drunk... Kausapin mo yan ng matino, mukhang may problema...'

'By the way it's Leviticus, beautiful!'

Pinatay ko ang phone bago binuksan ang pintuan ng kwarto ko at kaagad na pumunta sa kwarto ni Lexus... Nakita ko siyang pabaluktok na nakahiga sa kama. Nakatalikod sa gawi ko...

Agad akong pumasok at nakita kong gumalaw siya bago lumingon. Tipid akong ngumiti ngunit agad lang siyang tumalikod ulit

"Lexus San ka galing?" I asked him. Umayos siya ng higa bago nagsalita nang hindi ako nilingon

"Somewhere... Don't ask where..." Sabi niya. Huminga ako ng malalim bago naupo sa edge ng kama ...

"You're drunk..." Sabi ko. Hindi patanong

"Yes... I am so what?" Humarap na siya sakin na nakataas ang kilay...

Nakita kong namumula ang mga mata niya at halatang lasing pero hindi nawawala ang gwapo niyang mukha. He's an angel and has a devil side...

"Bakit?" Ngumisi siya sakin

"Don't ever ask why I'm drunk... You don't care anyway... And besides" Huminto siya at humarap sakin

"Napagod ako sa pagpatay ng tao Kaya nagdecide akong magpakalasing" Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

I looked at him. His shirt was full of blood stains. Nangangamoy dugo rin siya at ngayon ko lang nakitang may sugat ang mga kamay niya...

Hinawakan ko ito. Nakita kong nakatitig siya sakin at hinayaan niya ako...

"Bat ka na naman ba pumapatay?"

"Because someone just broked my heart"

Loving the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon