SIMULA

51 6 0
                                    

Walang kahit na anong ingay ang maririnig nang pumasok ang bagong professor. "Good morning class." bati nito sa'min na siyang tinugunan namin.

"Sabi ko na eh ang gwapo ni prof" kinikilig na saad ng katabi ko at pinag-papantasyahan ang nagsasalitang prof namin.

"Katulad ko may bago kayong kaklase. He's from another university nawa'y maging mabait kayo sa kanya, hindi na kayo mga bata para mag-awayan." sabi nito at pinapasok ang bagong kaklase raw namin bulungan doon, bulungan dito ang tanging naririnig ko ganito ba sila kapag may gwapong nakikita.

"Shh... class tahimik hayaan ninyong magpakilala si Mr. Shin" our professor said at inalok na magpakilala ang bagong kaklase namin.

"Magandang umaga mga ginoo at binibini nais kong ipakilala ang aking sarili sa inyo. Ako nga pala si Jham Shin, uhm nagshift ako ng course for some reason that's why I'm here. Salamat nawa'y maging kaibigan ko kayo." ngumiti ito at umupo sa tabi ko.

"Bakit nag shift siya sa kursong 'to eh ang mga kagaya niya dapat nasa engineering diba?" ani ng kaibigan ko siniko ko ito para manahimik na ito.
"Aba, malay ko kung gusto mo itanong hintayin mong matapos itong unang subject natin." sagot ko sa kanya nang ikinanguso ng labi niya.

"Aea kung hindi lang kita kaibigan at pinsan kanina pa kita nasapak ang sungit mo." natatawang sabi nito at binaling ang tingin sa prof namin na nagsisimula ng mag discuss.

Hya, is my cousin, my best friend also since daycare hindi na kami nagkahiwalay at hanggang ngayon na nasa college na kami and same Education ang aming kurso major in Filipino.

"Binibini pwede ko ba malaman ang iyong pangalan?" Napalingon ako sa gilid ko ng magtanong ang katabi ko.

"Tawagin mo ako sa pangalang Aeaiz Smith or Aeai nalang karamihan kasi yan ang tawag sakin." Sagot ko dito nag-isip naman ito ng ikinanuot ng noo ko.

"Wag mo sanang mamasamain kong tatawagin kitang IZ okay lang ba sayo binibining IZ?" Tanong nito at ngumiti I smiled back and nodded "It's okay for me." naka-ngiting pagpayag ko tumango naman ito at seryosong nakikinig sa prof.

"Ano yon ah, Ikaw ah may pa ganon ganon kana ngayon ah" panunukso sakin ng pinsan ko ng lumabas kami nang room. Tapos na ang unang subject namin at meron kaming vacant kaya ito hindi niya ako tinatantanan.

"IZ..." Napatigil kami sa paglalakad ng marinig ko ang salitang iyon at naalala ko iyon pala ang tawag niya sakin. "H-hello pasensya na kung tinawag kita" Nahihiyang ani nito sakin napaigik ako ng maramdaman ang kurot sa tagiliran ko kaya naman siniko ko ang pinsan ko mas kinikilig pa yata ito kesa sakin eh.

" Ah-okay lang, may kailangan kaba? May pwede ba kaming itulong sayo?" Tanong ko. "Uhm puwede ba akong sumama sa inyo wala pa kasi akong alam na tambayan dito eh." Ani nito siniko nanaman ako ng katabi ko.

"Ano kaba, puweding-puwedi ka sumama samin." Pagpayag ng kinikilig kong pinsan at niyaya kami pareho sa cafeteria.

"Anong gusto niyo kainin? ako na bibili libre ko" Biglang sabi nito. "Naku wag na busog pa kami eh" Sabi ko pero itong pinsan ko nagkunwaring gutom na kaya nagpabili ng gusto niyang kainin at sinabi ang gusto kong kainin.

"Itong babae na'to minsan ngalang may manglilibre umaarte pa, minsan lang may gwapong manlibre sa'atin oh. Wag kanang umarte jan" saad nito pasimple ko naman itong kinurot.

"Kahit kailan talaga ang takaw mo nakakahiya kay Jham oh"Sabi ko dito umiling lang ito wala akong nagawa kondi ang bumuntong hininga at hintayin si Jham.

Natigil ang pagbangayan ng magpinsan ng dumating ang lalaki.

"Naku Aea diba favorite mo kainin yang cheeseburger at macaroni?" Ani ng pinsan ko at siniko ako, tumango lamang ako para hindi na humaba ang usapan. I saw him smiling.

"By the way, ako nga pala si ' Hya' pinsan at best friend ni Aea." Pagpakilala ng pinsan ko dito akala ko matatapos na ang pag-uusap nila ngunit nag kamali ako.

"Naku alam mo ba 'yang pinsan ko sa dalawampu niyang nabubuhay rito sa mundong 'to ni wala paring boyfriend babad kasi sa pag-aaral." Tumaas ang kilay ko ng marinig ang pinagsasabi ng pinsan ko.

"Tumigil kana nga Hya." masungit na saway ko dito.

"Tama lamang na unahin at pagtuunan ang pag-aaral ang pag-ibig ay makakapag hintay sa tamang panahon." Napatingin ako kay Jham ng magsalita ito pero umiwas din ako agad ng makita kong nakatingin rin pala siya sa akin.

"Pero kailangan rin nating maging masaya, kailangan rin nating may mag-aalaga sa atin maliban sa pamilya natin hindi ba?" Di nagpapatalong tanong ng pinsan ko narinig ko namang tumawa ng mahina ang kausap nito.

" Ngunit para sa akin kontento na ako sa pagmamahal, at pag-aalaga ng magulang ko. Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang pinaparamdam nila sa akin.
Yung pagkakaroon ng kasintahan ay makapag hintay hindi dapat minamadali ang mga bagay na iyan dahil sa tamang panahon at oras may isang taong darating sa buhay mo. At mamahalin ka at sasamahan ka hanggang sa maabot mo ang mga pangarap mo.

Ngayon mas mahalaga ang maabot mo ang pangarap mo. Wag mo sanang masamain ang sinasabi ko binibining Hya." Mahabang sabi nito nakikinig lamang ang pinsan ko at sa huli ay tumango rin.

"Maraming salamat sa libre ginoong Jham."Pagpapasalamat ko.

"Walang ano man mga binibini. Ako'y nagpapasalamat dahil pinaunlakan niyo ang kagustuhan kong makasalo kayo, nawa'y hindi ito ang huling araw na makasama ko kayong kumain." Naka-ngiting ani nito animo'y hindi napapagod sa kakangiti.

"Makakaasa kang isa kami sa mga magiging kaibigan mo rito sa Unibersidad na'to.

"Let's go, baka nanjan na si Prof." Pag-aya ko sa kasama ko sumunod naman ito nakakagulat ang sobrang pagtahimik ng pinsan ko, natauhan na yata siguro naman titigilan niya na ako naiirita na ako sa mga lalaking pinapakilala niya palagi sakin.

"Sana'y bigyan niyo ako ng pagkakataon na makilala ko kayo" Dugtong nito tumikhim naman itong pinsan ko.

"Walang problema" Sagot nito at wala ng nagsalita kahit isa sa amin napagod na yata sila.

Napayuko ako ng makasalubong namin ang isa sa mga bagong binatang professor. I can't deny that I have feelings to him.

He's so cool the way he walked at mas lalong bumabagay ang suot nitong eyeglasses. He's so handsome na patok sa mga kababaihan. But I like him the way he approach his students titingnan mo palang ito alam na agad na bilang lang ito ngumiti dahil sa wala kang makitang kahit anong emosiyon sa mukha nito.

"Magandang umaga ho ginoong Ayap." Bati naming tatlo tila namula ang pisngi ko ng ngumiti ito sa'kin na siyang hindi nasaksihan ng kaibigan ko slash pinsan ko if nagkataon na nakita niya ito siguro may pasabunot pa ito sa buhok niya dahil sa kilig.

"Magandang umaga sayo binibining Aeaiz Smith.. such a beautiful name!"
Napatalikod ako dahil sa pakiramdam ko nangangamatis na ang pisngi ko. Bastos man ang ginawa kong pag-iwan sa guro namin ngunit kaligtasan lang ng sarili ko ang nasa isip ko. Ayaw kong makita niya akong namumula dahil sa kilig baka isipin niyang may gusto ako sa kanya na siyang totoo naman.

"Ikaw ang tanging gusto na alam kong hindi ko kayang maabot." Tanging kausap ko sa hangin.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now