KABANATA 16- PRINCESS TREATMENT

10 1 0
                                    

       
                      

Nagising ako dahil sa nakaramdam ako ng pagkauhaw. Ngunit sa pagbukas ko ng ilaw meron nang isang basong tubig sa maliit na mesa sa gilid ng kama, nagtataka ma’y ininom ko ito at nagpasyang tawagan si kuya Harold isa sa kapatid ni dadi.

“ Hello po uncle? Naku bakit ho gising pa kayo?” ani ko sa kabilang linya. It's 3:00 am pero gising pa ito.

“ Alam mo naman ija, double trabaho para sa mga batang naghihintay sa atin.” tugon nito napangiti ako nang pumasok sa isip ko ang mga batang naghihintay sa’akin tuwing holy day.

“ May gusto ka bang sabihin ija?“ uncle asked tumikhim ako bago sabihin ang gusto kong sabihin. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami doon sa probinsya.

“ Uncle, may pupuntahan ho kasi ako bukas so hindi po ako makakapunta sa orphanage. Alam niyo naman ho tuwing holy day hinihintay ako ng mga bata. Puwede niyo po ba silang surpresahin?” nahihiyang sabi ko, rinig ko ang paghinga nito sa kabilang linya.

“ Iyon lang ba ija, wag kang mag-alala may regalo ako sa kanila bukas. And you, mag-enjoy ka lang hayaan mong maging mapayapa ang isip mo kahit saglit ‘yan ang gusto ni kuya. Kami na bahala sa mga bata bukas, mag-ingat ka at magsaya sulitin mo ang mga masasayang kaganapan.” tugon nito na may halong lungkot ang boses nito.

“ Thank you always, uncle!”sabi ko at nagpaalam. Ipinatong ko ang cellphone na hawak ko at babalik na sana ako sa paghiga nang may mapansin akong isang brown envelope.

Pagbukas ko ng envelope tumampad ang napakaraming litrato. Litrato kung saan sinusubuan ako ni Ginoong Ivan, at ang paghalik nito sa kamay at noo ko and of course litrato ng aming first dance. Ngunit may isang litrato ang nakakuha ng pansin ko I don't know pero kumawala ang mga munting ngiti sa labi ko nang makita ito. It's family picture na kasama ko ang pamilyang Ayap habang nakahawak naman sa beywang ko si Ivan.

“ Gustong-gusto kita para sa anak ko ija, magpahinga ka don't worry sa mga dadalhin mo bukas ako na bahala.“ basa ko sa isang notes na nasa loob rin ng envelope.

***

Dali-dali akong bumangon nang maaninag ko na maliwanag na sa labas chineck ko ang phone ko napanganga ako nang makita ang oras. It's 7:30 am in the morning.  Pagkapasok sa cr agad kong binuksan ang shower at naligo.

Nakayuko akong tumungo sa hapagkainan ngunit nang magsalita ang pamilyang Ayap agad akong tumingin sa kanila.

“ Good morning ija.”

“ Good morning anak,“

“ Magandang umaga sa'yo aking sinta.”

“ Come here anak kakain muna tayo bago umalis.” mga salitang natanggap at narinig ko instead of ‘ ano ka prinsesa tanghali kana nagigising.’

Hindi ko maiwasan na kiligin habang  pinaghila ako ni Ginoong Ivan ng upuan. And her mom spoil me again mula sa paglagay ng pagkain sa plato ko hanggang sa paglagay ng tubig sa baso. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong pag-aalaga ng isang Ina at sa mismong Ina ng lalaking bumihag sa puso ko ito naranasan.

***
Hapon na nang umalis kami ng manila, habang nasa byahe hindi ko maiwasan na mamangha sa mga tanawin na nakikita ko.  Kung kasama ko siguro ang pinsan ko siguro ang ingay sa buong byahe namin. Speaking sa pinsan simula nung madalas ko nang kasama si Ginoong Ivan, hindi ko na ito nakikita.

“ Binibini, baka inaantok ka puwede ka matulog gigisingin kita kapag nasa barko na tayo.” I heard Ivan voice sa front seat na siyang magdr-drive katabi ang daddy nito na nakaidlip na.

“ Wag kang masyadong magpahalata son, nandito ako gising na gising!” natatawang sabi ni tita Jasmine habang umiiling.

“ Pero kapag inaantok ka anak matulog ka lang ha, iidlip muna ako maaga kasi ako nagising kaninang umaga. Si Ivan na bahala sa'yo.” nakangising dugtong nito.

“ Yes, po tita.” tugon ko dito.

“ Ginoo, sa daan ang tingin hindi sa akin,” hindi ko mapigilan ang munting tawa na kanina pa gustong kumawala dahil tuwing napapatingin ako sa harap nahuhuli ko ang dalawang mata nito na nakatingin sa'akin.

“ Paumanhin Binibini ngunit hindi ko maiwasan na hindi masilayan ang kagandahan na taglay mo. Sabi ng iba sa labas makikita ang magagandang tanawin ngunit bakit sa kotseng ‘to may isang maria makiling na ubod ng ganda.” nakangiting sabi nito sa malambing na boses.

“ Paano kung ako ang katabi mo mas lalong hindi ka makapag-focus sa pagmamaneho niyan.” hirit ko. Kita ko sa salamin na nasa harapan ang pag ngisi nito.

“ Ikakalma ang sarili para sa katabi kong binibini.” I don't know pero pagkatapos niya itong sabihin biglang kumakarera ang puso ko.

“ Kumalma ka aking Ginoo, dahil sa'yo ako buong dalawang linggo.” pangbawi ko na siyang ikinapunas niya ng pawis sa noo. Akala niya siguro hindi ko papatulan ang mga banat niyang nakakataas ng confidence.

“ Gigisingin ko na ba si Tito upang katabi mo na ako at mapunasan na kita?” pang-aasar ko dito sa mahinang boses dahil tulog sina tita at Tito.

“ B-binibini… p-paano ko Ikakalma ang sarili kung ganyan ka bumanat. Ang ‘yong mga salita ay tumatagos hanggang sa likod ko.” hindi ko akalain na tatawa ako ng malakas dahil lang sa salita niyang putol-putol.

I can't believe na kaya nilang palitan ng puro saya ang malungkot kong buhay. Hindi ko akalain na mahahanap ko ang pangarap kong pamilya sa pamilyang Ayap. This time mas lalong gusto ko pang mabuhay para makasama ko sila.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now