KABANATA 05 - JEALOUSY

16 2 0
                                    

It's sunday. 5:00 palang ng umaga gising na ako para maaga ako makarating sa simbahan. Napatigil ako sa pagkain nang tumunog ang cellphone ko hudyat na mayroong message.

"Magandang umaga Bb. nasa labas ako ng bahay mo sabay na sana tayo magsamba." because of curiosity nireplyan ko ito. Wala naman kase akong maalala na may iba akong binigyan ng numero ko maliban sa pinsan ko.

"It's me Ivan, sorry hindi ako nagpakilala." basa ko sa reply nito na siyang ikinanuot ng noo ko. San niya naman nakuha ang number ko.

Saglit na gumuhit ang lungkot sa mukha ng dalaga nang walang Ginoong. Ayap ang naghihintay sa kanya.

"Bakit ba ako umasa?" bulong ko at walang choice na naghintay ng taxi.

Tumaas ang kilay ko nang may humintong magarang kotse sa harap ko. Kaya hindi ako nakasakay sa pinara kong taxi. Aalis na sana ako dahil nakaharang sa harap ko ang itim na kotse napaatras ako nang biglang lumabas ang hindi katangkarang lalake na naka all black.

"Mukhang mafia ang isang 'to naka all black e." bulong ko na ako lang ang makakarinig.

"Binibini..." salitang nagpapintig sa puso ko.

"Let's go?" tanong nito bago tanggalin ang facemask na suot nito. Napanganga ako nang mapagtanto kung sino ang lalakeng kaharap ko.

"P-prof. Ivan?" nautal kong tanong na siyang ikinangiti niya.

"Remove the Prof. Wala tayo sa loob ng school so you can call me Ivan." malambing ang boses nitong sabi. Lumilitaw ang kagwapohan nito sa itim na suot . Bumagay ang suot niyang black shirt at black jeans sa maputi niyang kutis.

"Nagulat lang ako, ngayon lang kita nakitang nagsuot ng itim na damit." pansin ko rito at mas ikinalawak ng ngiti nito.

"Finally, napansin mo rin ako, thanks to my favorite shirt." may sinabi ito na siyang hindi ko naman maintindihan.

"Kanina kapa ba rito? hindi kasi kita mahanap kanina." gusto kong kutusin ang sarili sa katangahang sinabi ko.

"So, you mean hinanap mo ako?" pilyong tanong nito na siyang ikina likot ng mata ko kunware may tinitingnan ako sa kabilang hallway.

"Never mind, let's go?" ani nito. Nakahinga ako nang makapasok kami sa loob ng kotse at walang ni isa sa'min ang nagsalita.

"Kumosta ang araw mo? naikwento sa'kin ng pinsan mo na may thesis kayo. If you need help wag kang mahiyang humingi ng tulong sa'kin." pagbasag nito sa katahimikan.

"Close ba kayo ng pinsan ko?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Nagulat ako nang bigla nitong itinigil ang kotse sa tabi.

"P-paumanhin h-hindi ko narinig?" gusto kong matawa sa reaction nito.

"Nothing." sagot ko siya ring pag-usad ng kotse.

Nauna akong lumabas sa kotse dahil nagsuot pa ito ng facemask. Hindi ko alam if bakit. Ayaw ba niyang makita ang taglay niyang kagwapohan.

Nagtataka ako dahil hanggang ngayon walang Ivan ang sumunod sa'kin sa loob ng simbahan.

"Ms. may nakaupo ba riyan sa tabi mo?" nakuha ng lalake ang atensiyon ko. Hinanap muna ng mga mata ko ang pigura ng kasama ko.

"Wala ho." sagot ko dahil wala namang Ivan ang uupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Thank you, napakaganda mo." ani ng katabi ko naiilang ko itong nginitian. "Salamat ho." ani ko.

May kung anong kirot ang dumaan sa dibdib ko nang makita ang lalaking kasama ko pagpunta rito na may kasamang ibang babae.

"Kaya pala." bulong ko at sumabay sa mga taong papalabas ng simbahan para hindi ako nito makita.

"Aea..." I heard him calling my name na siyang hindi ko binigyan ng pansin. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa may humintong taxi sa harap ko, nakahinga ako ng maluwag nang makasakay ako.

"Bakit nararamdaman ko 'to?" bulong ko dahil kakaiba ito sa lahat ng sakit. Hindi siya yung sakit na matagal ko nang nararamdaman. Hindi ko maware kung ano ang ibig sabihin nito.

"Are you okay ma'am?" napabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni kuyang driver.

" Okay lang ho ako kuya." sagot ko sa tanong nito.

Pagkarating ko sa palengke kaagad kong pinuntahan ang gulayan. Dahil sigurado akong dadagsain ito ng mga mamimili. Dito rin ako pumunta dahil alam kong pupuntahan ako ni Prof. Ayap sa bahay.

"Umaasa ka nanaman girl, may kasama nga siyang babae diba. Bakit ka naman niya pupuntahan." iniwaksi ko kung ano man ang iniisip ko. Dahil baka sa sobrang pag-iisip maging dahilan pa ito ng pagsakit ng ulo ko.

****

May ngiti sa labing bumaba ng taxi ang dalaga. Masasabi niyang isang achievement ang nangyari ngayong araw, dahil pinuntahan nito ang orphanage na tinutulungan ng yumaong Dadi Edward nito.

Saglit nawala ang lungkot sa mukha ng dalaga na muli niyang nasilayan ang saya sa mga labi ng mga bata sa orphanage. Namiss niya ang mga ito, ilang linggo rin siyang hindi nakadalaw dahil sa busy siya sa school at hindi kaya ng katawan niya.

Pero kahit hindi siya nakapunta, walang araw na hindi siya nagpapadala ng pagkain at mga pangangailangan ng mga bata.

"Dadi, thank you." she whispered to the air. Papasok na sana ito sa gate nang makita ang lalake na nakaupo sa labas ng pinto nito. Naalala niyang wala palang lock ang gate kaya nakapasok ang lalake.

"Prof. Bakit ho naririto kayo?" tanong nito na siyang ikinatayo ng lalake.

"Sorry.." unang salita na lumabas sa bibig ng lalake.

" A- akala ko nasa loob ka." dugtong nito na siyang ikina sama ng mukha niya.

"Paumanhin pero puwede koba malaman kung saan ka nanggaling?" gusto niyang singhalan ang binata ngunit hindi niya magawa.

"Pagod ho ako, kailangan kona magpahinga." tanging sabi nito, ni hindi manlang nito tinapunan ng tingin ang binata na ngayon ay napapalunok sa sariling laway.

" Ako na magdadala niyan." sabi nito sa dalaga at pilit na kinukuha ang dala nitong eco bag.

"Wag na kaya kona 'to." pagmamatigas ng dalaga, wala ring nagawa ang binata kundi ang panoorin na isinasara ng dalaga ang pinto.

"You can go home, wala akong ganang makipag-usap. At tska sa tingin ko ho wala naman tayong dapat pag-usapan." sabi ng dalaga bago nito tuluyang isara ang pinto.

Dahil sa inis napahampas ang binata sa sariling kotse at padabog na pumasok roon at nilisan ang lugar. But in the other side nakatanaw ang dalaga sa papaalis na kotse. Ngumiti ito ng mapait at tska inayos ang mga pinamili nito.

"I think I'm inlove." she whispered.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now