KABANATA 10 - EFFORT

9 1 0
                                    

                             

I was preparing my things, suddenly someone knocking at my door.  Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ito dahil sinong tao ang makakaisip na pumunta dito sa gantong oras. It's 5:30 in the morning.

FROM: GINOO

    Binibini... naririto ako sa labas ng bahay mo. Wag mo sanang mamasamain ang pagpunta ko. Isang maligayang umaga sa'yo aking sinta.

Agad kong binuksan ang pinto pagkatapos kong basahin ang mensahe na galing kay Ivan.

“ Binibini...” salitang lumabas sa bibig nito. Hindi nakaligtas sa dalawang mata ko ang dalawang beses nitong paglunok.

“Binabaliw ako ng presensiya mo,”  bulong nito sakto lang sa pandinig ko. Mabilis pa sa orasan akong pumasok sa aking silid at parang tangang kinakausap ang sarili sa malaking salamin.

“Nakakahiya ka self! Bakit hindi mo manlang naisip na hindi kapa nakakaligo at ang masaklap pa nakapantulog ka at walang suot na bra!”  napasabunot ako sa sariling buhok at namumulang pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong mag-ayos minabuti kong wag gumawa na kahit na anong inggay na makakakuha ng atensiyon ni Ivan. Pero siguro oras ng kamalasan ko ngayon dahil tumunog ang cellphone na hawak ko. It's my cousin Hya, may message ito na sa school naraw kami magkikita.

“Ahm... pinaghain na kita ng almusal pinag timpla na rin kita ng gatas.”  nasa gawi ko ang atensiyon nito, napaatras  ako nang lumapit ito sa kinatatayuan ko at hinawakan ang kamay ko papuntan hapagkainan.

“Maupo ka binibini.” Alok nito at pinaghila ako nito ng upuan.

Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan na namumuo sa aming dalawa.

“Wag mo sana mamasamain ngunit bakit ka nga pala naririto Ginoo, akala ko ba'y maaga ang iyong schedule ngayon?” uminom muna ito ng kape at nakangiting tumingin ito sa akin.

“Naisip ko kase na pwede naman pala kitang sunduin para hindi kana mahirapan mag-commute araw-araw.”  walang paligoy-ligoy na sabi nito.  Ito rin ang laging sinasabi sakin ng mga kapatid ni Dadi. Actually meron naman akong sasakyan pero minsan kolang ginagamit tuwing may pupuntahan pero pinagdr-drive ako ni kuyang Ronel, driver ni Dadi.

“Sanay naman na ako eh, tska okay lang sa'kin ang ganitong sitwasyon.” Sabi ko ngunit umiling lang ito.

“Mula ngayon ako na ang tagahatid sundo mo.” He smiled.

“Ginoo... Alalahanin mo professor kita .” Sabi ko dito gumuhit sa mukha nito ang lungkot.

“It's Okay. Kaya kitang ipagtanggol.” Seryosong sabi nito saktong tapos na akong kumain.

***

Nauna na akong lumabas ng kotse nang napansin ko na may balak itong pagbuksan ako.  Ibinababa nito ang bintana ng kotse sumilip ako dito at humingi ng pasensya.

“Paumanhin Ginoo, ngunit marami nang tao baka iba ang iisipin nila tungkol sa'tin.” paliwanag ko dito. ngumiti ito na alam ko naman na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Bumuga ako ng hangin at tumingin sa paligid at sa professor na ngayon ay hindi na nakatingin sa'kin.

“Prof. Ivan Ayap... Come closer!” sabi ko dito mabilis naman nitong sinunod   ilang  kurap pa ang nagawa ko dahil sa naduduling ako sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko.

“Sorry.” Sabi ko dito pagkatapos ko itong gawaran ng mabilis na halik sa labi nito na siyang ikinatigil ng paghinga nito. Walang lingon ko itong iniwan at nagpatuloy sa paglalakad, napagpasyahan kong pumasok muna sa banyo para huminga dahil baka bigla akong sumabog sa sobrang bilis ng karera sa loob ng dibdib ko.

***

“Ms. Smith... may nagpapabigay nito para daw ho sayo. Ito daw ho ang lunch mo.” napapikit ako dahil lahat ng mata ng mga tao na nasa loob ng cafeteria ay nasa gawi naming magpinsan.

“Sino ho ang nagpapabigay kay Ms. Smith ate?” tanong ng pinsan ko pero hindi nasagot ang tanong nito dahil dumagsa lalo ang mga estudyante.

“May pa secret admirer ka na  ngayon ah.” pangungulit ng pinsan ko at minamadali ako nitong buksan ang ibinigay raw ng secret admirer ko.

Bubuksan ko na sana ito nang may umupo sa harapan namin. Tila kiniliti itong katabi ko nang makita ang Professor sa harap namin. He's holding his food.

“Ok lang ba na dito ako uupo?” may kinang sa mga mata nito na siyang ikina Yuko ko dahil naalala ko ang ginawa kong paghalik sa kanya.

“Naku Ginoong Ivan, hindi ho namin tatanggihan ang makasama ka sa pagkain. Diba cousin?” siniko ako ng pinsan ko tumango lang ako habang nakayuko parin.

“Alam niyo ho ba na may secret admirer itong pinsan ko Ginoo! Aba may nagpapabigay pa sa kanya ng pagkain. Ipakita mo Aea.” Anang pinsan ko wala naman akong magawa sa kakulitan nito.

“OMG... Aea, it's chicken teriyaki rice!” tinakpan ko ang bibig ng pinsan ko sa sobrang inggay nito.

“Hulaan ko ang pogi siguro ng secret admirer mo Aea. Pero mas maganda kung siya mismo ang nag-abot sayo nito diba.” napailing ako hindi na kinakaya ang inggay ng katabi ko.

“What if siya mismo ang nag- abot sayo nito, tapos sinabi niyang may gusto siya sayo. Tapos gusto ka niyang ligawan papayag kaba?” Tanong nito. Iniiwasan ko ang nagtatanong na tingin ng kasama namin. I can't hurt him.

“H–hindi kase ayaw ko.” napanganga ang pinsan ko sa naging sagot ko.

“Tatandang dalaga ka nalang Aea. Lahat nalang ayaw mo!” mataray na sabi nito.

“Ayaw ko! Kase may isang Ginoo na ngungulit sakin.” diretsahang saad ko napaubo ang kasama namin samantalang nakatakip sa bibig ang pinsan ko.

“F*CK!!” rinig kong mura ni Ivan.

“Pero ayaw ko sa nagmumura kaya baka hindi siya pumasa sakin.”  pinipigilan ko ang hindi matawa sa reaksiyon ng dalawa kong kasama. Ang isa nags-sorry pagkatapos nitong magmura which is si prof. Ivan. Ang isa naman nakatitig lang sakin.

“Masarap mahalin ang tanong kahit kailangan hindi marunong magmura diba prof.?” tanong ko dito na siyang pagtango niya. I was enjoying the food when my cousin speak.

“Napaka seryoso niyo naman.” Sabi nito umiling lang ako at pasimpleng pinagmamasdan ang lalaking nasa harap namin na sarap na sarap sa BEEF STIR FRY WITH RICE. Napatigil ako sa pagkain at tinapunan ng tingin ang lalaking nasa harap ko.

“I think alam kona kung sino ang nagbigay nito. But still ayaw ko sa nagmumura.” napahagikgik ako dahil bigla itong tumigil sa pagkain at sunod-sunod na napalunok sa sariling laway nito.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now