KABANATA 12- NIGHTMARE

7 2 0
                                    

“ Halika laro tayo, diba gusto mo yung larong tagu-taguan?” the little boy asked his playmate.

“ Basta dito lang sa loob ha, walang lalabas alam mo naman papagalitan ako ni mommy. ” may takot na saad ng batang Babae sa kalaro nito tumango lang ang batang lalaki.

“ Sige, you can hide na ako muna ang taya.” anang batang lalaki nagmamadali namang tumakbo ang batang babae upang magtago habang nagbibilang ang kalaro nito.

May ngiti sa labing hinahanap ng batang lalaki ang kalaro nito.

“ EA… nandito na ako magtago ka ng mabuti.” natatawang pagtawag niya sa kalaro. Habang tahimik na nagtatago ang batang babae sa mayabong na halaman sa hardin. She heard the footsteps of her playmate na patungo sa pinagtataguan niya, kaya naman minabuti niyang isiksik lalo ang sarili sa halaman upang hindi siya nito makita.

“ I know dito ka nagtatago naamoy ko ang pabango mo.” the little boy laugh when he saw the shoes of EA.

“ EA… I saw you na.” sabi nito ngunit hindi parin lumabas ang batang babae humahagikgik ito at hinayaan ang kalaro na gulatin siya.

***

Nakayukong yakap ng batang babae ang tuhod nito at pina-pakiramdaman bawat hakbang ng kalaro. Napahawak sa dibdib ang batang babae nang gulatin siya ng kalaro. Sa pagtayo nito hindi niya nakita ang kalaro, hindi nito alam na nasa likod niya ito nagpipigil ng tawa.

“ Van… Magpakita ka ang daya mo!” paiyak na sabi nito kaya naman walang magawa ang batang lalake kondi ang magpakita dito.

“ Kahit kailan talaga napakaiyakin mo.” pang-aasar pa nito ngunit ngumiti lamang ang batang babae sa kanya.

“ At kahit kailan napaka uto-uto mo parin.” natatawang sabi nito napakamot nalang sa ulo ang batang lalake sa prank na ginawa ng kalaro.

“ Ako naman ang magtatago tapos hahanapin mo ako.” excited na sabi nito agad namang tumalikod ang batang babae at nagsimulang magbilang. Habang mabilis na tumakbo ang batang lalake sa garage kung swan doon siya magtatago.

“ 1...2...3...nakatago kana ba Van?”  sigaw na tanong nito sa batang lalake.

“ Hanapin muna ako EA, dinadaya mo ako e.” sigaw pabalik ng batang lalake. He knows na dinadaya siya nito kaya panay tawag ito sa pangalan niya hanggang sa masundan nito ang boses niya.

“ You know what Van… I like you. Ikaw lang ang kalaro ko at naging kaibigan ko.” umiiling na kinikilig ang batang lalake sa mga naririnig mula sa batang babae. Alam niya kapag sinagot niya ito mahahanap na siya nito kaya nanatili siyang tahimik sa likod ng kotse.

“ Ang daya mo bakit hindi ka sumasagot?!” bumuntong ang batang lalaki sa pandaraya na ginagawa ng kalaro.

“ Bakit ang dami niya pang sinasabi pwede niya namang sabihin na magpakita nalang ako sa kanya.” He murmured.

“ Sana ganito parin tayo kapag lumaki na tayo. Sana hindi mo ako iiwan at sana ako lang kaibigan mo.” seryosong sabi nito na tila ba’y alam nito ang sinasabi. Sa edad na limang taon ni hindi niya naranasan ang maglaro sa labas kasama ang ibang bata.

She always play with her piano, guitar at ang nakakabatang kaibigan nito pero hindi naman ito palagi pumupunta sa kanila except kapag may business ang magulang nila may oras silang maglaro.

“ I'm here. Ako na ang talo!” pagsuko ng batang lalake na siyang ikinangiti ng batang babae. Nagulat ang batang lalake hang bigla siya nitong yakapin.

“ Can we play habulan? Iyon kasi ang nakikita ko na nilalaro ng mga katulad nating bata sa labas.” she said at kumalas sa pagkayakap sa batang lalake sumang-ayon lang ito sa mga gusto ng batang babae.

“ Ikaw ang taya talo ka e.” excited na sabi nito.

“ Kailan ba ako nanalo tuwing ikaw ang kasama ko? Tinatanggap ko palagi ang pagkatalo para sa kasiyahan mo.” mahinang sabi nito.

“ Tumakbo kana hahabulin kita.” sabi nito sa batang babae na siyang sinunod naman nito. He smiled bago habulin ang tumatakbong batang babae.

“ Habulin mo ako, ang bagal mo!” sigaw nito ngunit sinadyang bagalan ng batang lalake ang pagtakbo nito dahil bumabagal ang pagtakbo ng batang babae.

“ Paano kita hahabulin kung ganyan ka kabagal.” mahinang reklamo nito upang hindi marinig ng kalaro na tuwang-tuwang tumatakbo.

“ Vann… I can't breath— ” ang kaninang mabagal na pagtakbo ng batang lalake ay naging mabilis nang marinig at makita ang batang babae na pabagsak at nahihirapang huminga.

“ Vann… t-tawagin mo s-sina m-mommy…” nahihirapang utos ng batang babae samantalang humahagulgol sa pag-iyak ang batang lalake. It's first time na masaksihan niya ito na nagbigay sa kanya ng trauma.

“ T-tita… T-tito… Helppp….” nanginginig na sigaw nito mabuti nalang at narinig ito ng kasambahay kaya naman mabilis sila nitong pinuntahan at binuhat ang walang malay na batang babae.

“ A-anong nangyari ijo? Diyos ko!” tanging salad ng kasambahay at nagmamadaling pumasok sa loob kung saan nandoon ang magulang ng batang walang malay.

“ Sir…” pagkuha ng atensyon nito sa daddy ng bata napatigil ang mga ito sa pag-uusap bang makita ang batang walang malay.

***

Labis ang pag-alala ng nagulang ng batang lalake sa kalaro ng anak. Habang walang tigil sa pag-iyak ang kanilang anak.

Kalmadong nag-uusap ang mag-asawang Smith.  Tila wala itong balak na dalhin ang anak sa hospital kung hindi pa nagsalita ang Ina at Ama ng batang lalake na dalhin ang anak nito sa hospital baka hanggang ngayon nasa bahay pa ang mga ito.

Isang linggong sumasama ang batang lalake sa kaniyang Ama at Ina tuwing pupunta ang mga ito sa hospital. He wants to see EA. Gusto niya makita ito kahit na hanggang ngayon takot parin siya sa nangyari but he needs to see her.

“ Madam, sa tingin ko ho kailangan ng anak niyo ang mabisang gamutan. Hindi po kaya ng aming hospital ang mga pangangailangan niya. Pasensiya na ho sana maunawaan niyo kami.” Anang Dr. na kumausap sa Ina ng batang babae.

Nagpipigil ang Ina ng batang lalake na wag mapagsalitaan ng masasakit na salita ang kumare nito dahil sa parang wala itong pakialam sa anak. Hindi niya manlang ito makikitaan ng takot at kaba.

“ Hon, tawagan mo ang daddy sabihin mong kailangan ko ng eroplano!” dahil sa sobrang inis ang ginang na mismo ang gumawa ng paraan. Tinawagan nito ang ama na nasa ibang bansa upang ipadala ang private plane nila para maipagamot ang inaanak.

Nagulat ang lahat sa naging desisyon ng mag-asawang Smith na tanggihan ang eroplano na ipinadala ng ama ni Gng. Ayap.

“ Hindi namin kailangan ng tulong niyo.” sabi nito. Pinigilan ni Ginoong. Ayap ang asawa upang hindi nito mapatulan ang walang pusong ginang.

Nagdaan ang taon wala silang balita tungkol sa pamilyang Smith lalong-lalo na sa anak ng mga ito.

*****

“Sana hindi mo ako iiwan…” napabalikwas ang binata sa isang panaginip na ayaw niya nang balikan. Until now hindi mawala-wala sa isip niya na kung hindi dahil sa larong ‘yon di sana kasama niya pa ang kababatang kaibigan.

Napahilamos ito sa mukha at tinapunan ng tingin ang dalagang mahimbing na natutulog.

“ Hindi kita iniwan, kung alam mo lang kung gaano ako nangulila nong umalis ka!” bulong nito at tumayo para ayusin ang kumot ng dalaga.

“ Nandito na ako, hindi ko hahayaan na may mangyari sa‘yo ulit. I'm sorry. Wala akong nagawa!” he whispered at ginawaran ng halik ang dalagang natutulog.

Dahil sa nangyari sa dalaga kanina napagdesisyonan nito na sa bahay ng dalaga magpalipas ng gabi upang mabantayan at maalagaan  ito.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now