KABANATA 06 - CONFESSION

17 1 0
                                    

Tahimik ang lahat nang pumasok si Ginoong. Ayap. Hanggang ngayon hindi parin umaalis sa isip ko na bigla niya nalang ako iniwan kahapon sa loob ng simbahan para sa ibang babae.

"Nang-aakit nanaman si prof eh." rinig kong bulong ng kaklase ko.

"Ang lakas ng dating, parang gusto ko nalang palagi na nakasuot siya ng sunglass." ani ng katabo nito. Saglit kong tinapunan ng tingin ang gawi ng aming prof. May kung ano itong sinusulat sa white board. Pagkatapos nitong magsulat tumingin ito sa'min na siyang ikina inggay ng nasa likod ko.

"Wala po akong maririnig na kahit na anong inggay. Just answer without talking to your seatmate." paos na sabi nito at saglit akong tiningnan na ikinayuko ko.

"Why are you wearing sunglass sir?" nakikinig lang ako sa tanong ng kaklase ko.

"I think it's sore eyes. Don't mind me guys." sabi nito at may kung kong anong inayos sa desk nito.

"Kumosta kana pala Iz?" napalingon ako nang magsalita si Jham. Ilang araw rin itong wala.

"Hi, okay lang naman ako. Nga pala bakit hindi kana pumapasok?" tanong ko rito nang ikinangiti niya.

"Namiss niyo na agad ako, may emergency lang sa bahay kaya ilang araw akong wala." sabi nito naiilang ako sa titig nito.

"Class...ang mata sa ginagawa niyo not to your seatmate." I heard him baritone voice nang ikinalunok ng katabi ko.

"Hindi yata maganda ang gising ng ating napakapoging professor. May nangyari ba? Sa pagkakaalam ko kayo ang magkasama kahapon?" my cousin whispered. napapikit ako dahil bumalik ulit sa isip ko ang nangyari kahapon.

***
Busy ang binata sa pagtipa sa laptop ngunit hindi ito makapag focus sa ginagawa. Dahil sa naririnig nito ang usapan ng magpinsan at ang bagong kaklase ng mga ito. Napakuyom ito ng kamao nang makitang pangiti-ngiti ang binata sa dalaga.

"Class...ang mata sa ginagawa niyo not to your seatmate." Pagkatapos niya itong sabihin may kung anong pumiga sa puso niya nang makita ang tingin ng dalaga sa kanya. Tingin na puno ng katanongan.

Namiss niya agad itong sulyapan at kausapin pero mukhang galit ito sa kanya. Hindi siya pinatulog ng konsensiya niya sa ginawang pag-iwan nito sa dalaga kahapon at kausapin ang kaibigang babae.

"Goodbye class..." pagpapaalam nito sa mga studyante niya na may mga ngiti sa labi.

"Goodbye Ginoong. Ayap. Thank you for teaching us." pagpapaalam ng mga ito. Abot tenga ang ngiti niya dahil sa hindi nakalimutan ng mga ito ang itinuro niya.

****

"Uhm binibini... puwede ba tayong mag-usap?" ang kaninang matigas at seryosong boses nito ay biglang napalitan ng malambot at malambing na boses.

Napatigil sa pagsilid ng mga gamit ang dalaga sa bag nito at saglit na pumikit. Tanging siya at ang binata nalang ang naiwan sa loob. Isinarado ng binata lahat ng sliding window pati narin ang pinto. Walang kaba o takot siyang naramdaman dahil alam niyang wala namang gagawin ang binata sa kanya.

Itinuloy nito ang pagsilid ng mga gamit nang may dalawang matigas na bisig ang pumulupot sa beywang na siyang ikinagulat niya.

"Please talk to me. I feel like my day is not complete when I don't talk to you." may kung anong paro-paru ang lumilipad sa sikmura ko. His soft voice na parang isang melody sa aking tenga. Napapikit ako nang idinikit nito ang labi niya sa leeg ko. He's still hugging me na ayaw kong tanggalin.

"I-im sorry..." sa tinig nito mawawari mong nagsisisi ito. Saglit na gumuhit ang disappointment sa'king mukha nang kinalas nito ang pagkayakap sa'kin.

"Sorry...But I need to do this. I can't bear my thirst for your lips." napakapit ako sa damit nito nang halikan ako nito sa labi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin nang magsimulang gumalaw ang labi at dila nito. Kahit pagtulak sa kanya hindi ko magawa dahil sa nakakadarang na halik nito.

Napayuko ako nang sa wakas tinigilan nito ang labi ko. Rinig ko ang paghabol nito sa sariling hininga.

"Don't think it's wrong because my heart wants it. Just listen to my heartbeat that's an order from your professor." sabi nito sa malambing na tono at mahigpit ako nitong niyakap. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso nito. Para itong kumakarera sa loob.

"I think me and my precious heart want you." he whispered nang ikinangiti ko.

"Pero sa tingin ko hindi ito tama. Professor ka at studyante mo ako magkaiba tayo." kumalas ako sa yakap nito at tiningnan siya. Gumuhit sa mga mata nito ang lungkot.

"Let me love you secretly and unconditionally. Please let me love you." pagmamakaawa nito at hinaplos ang mukha ko.

"I know may mga tanong jan sa isip mo. But for now humihingi ako ng sorry, pag-uusapan natin kung ano man ang bumabagabag sa isip mo at may sasabihin rin ako sayo." sabi nito at dinampian ng halik ang noo ko at naunang umalis para hindi kami mahalata na magkasama.

Nakangiti akong pumasok sa next subject namin, buti nalang wala pang guro kaya hindi pa ako late.

"At saan ka naman galing ah?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng pinsan ko.

"Tsk.. at ikaw san ka galing dapat kanina kapa nandito kase nauna kang lumabas sa'kin." balik tanong ko rito napakamot naman ito sa ulo.

"Nakipag chismis lang ako sa kabilang department alam muna 'yon lang bumubuhay sa'kin." kinurot ko ito sa tagiliran na siyang pag-igik nito.

"Hindi kana nagbago chismosa ka parin." natatawa kong sabi nito.

"Sadyang chismis lang talaga lumalapit sakin, alangan naman na tangihan ko ang grasya diba. I can share it with you mamaya." natatawa rin nitong sabi umiling lang ako at inayos ang sarili dahil dumating na ang magtuturo sa'min.

***
Natapos ang isang araw na puno ng magandang nangyari maliban nalang sa p.e na pinagod ako. Pero at the same time nagpapasalamat parin ako sa taas dahil wala akong naramdaman na paninikip at pananakit sa dibdib ko. Isinalampak ko ang sarili sa mahabang sofa dahil sa pagod.

"God, thank you so much." I murmured and close my eyes maaga pa naman para magluto kaya napag desisyonan ko na umidlip muna. Para may lakas loob akong kausapin si Ginoong Ivan, mamaya.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now