KABANATA 09 - FIRST DATE

15 1 0
                                    


Ingay ng mga bata ang sumalubong sa amin nang makababa kami sa Van. Abot tenga ang ngiti ng kasama ko nang salubungin ako ng yakap ng mga bata, mga batang may malaking parte na sa buhay at puso ko. Yakap dito, yakap doon ang natanggap ko mula sa mga ito samantalang dumalaw naman ako dito noong nakaraang araw.

" Maraming salamat sa pagdalaw ulit dito ija. Sobrang saya ng mga bata na makita ka ulit." Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay sister Era. Nakipag shake hands rin ito sa kasama ko na nakikipag laro sa mga bata.

" Meron ho akong munting surpresa para ho sa mga bata sister, at may ilang palaro rin ho ako para sa kanila para kahit papaano ay maaliw sila." I smiled, at ipinalagay ang mga pagkain na binili ko kanina sa Jollibee bago kami pumunta dito sa orphanage. Maliban sa pagkain may mga regalo din akong hinanda sa tulong ng mga malalapit na kaibigan ni Dadi sila mismo ang nagbalot ng mga ito.

Nakangiti akong tumingin sa langit. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak tuwing naalala ko ang ama na tinuring akong tunay na anak.

" I'm sure proud na proud po kayo sa'kin Dadi. Tinutupad ko po lahat ng gusto mo para sa'kin at ginagawa ko ang mga nakasanayan mong gawin, katulad po neto na pinapasaya ang mga batang malalapit sa puso mo." I whispered.

Nagulat kami pareho ni Ivan nang pumutok ang confetti with matching halakhak ng mga bata dahil sa nasa buhok namin pareho napunta.

"Thank you ate, ma'am for visiting us today. We love you po!" sumisinghot akong ngumiti dahil sa effort na ginawa ng mga batang tulad ko hangad ang magkaroon ng buong pamilya.

"Masaya akong makita kayong masaya. Excited naba kayo sa gagawin natin?" I asked them, talon at sigaw ang tanging ginawa ng mga ito.

" Ang hilig mo pala sa mga Bata, Napaka cute niyong tignan." biglang bulong ng kasama at tinulungan ako nitong ibigay sa mga bata ang pagkain. Napagdesisyonan ko na papakainin ko muna sila bago maglaro at ibigay ang mga regalo sa kanila.

"Half of my life is for them. Isa sila sa dahilan kung bakit pinili kong maging matatag. Kailangan nila ng taong magmamahal sa kanila at maiparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa. I want them to experience a happy life. I want to remind them that even if others leave them, I am here ready to be their sister." Sabi ko na siyang ikinatango niya.

" Napaka pogi ng kasintahan mo ija, mukhang maginoo at bagay na bagay kayo." Napalingon ako sa'king likod nang may itinuro si sister Era. Umiwas ako ng tingin nang makita kong nakatingin rin ito sa gawi namin ni sister Era.

" Ate ma'am...mas masaya po kapag sasaluhan niyo po kami kumain please!!" Natigil ang pag-uusap namin ni sister Era nang lumapit sa kinauupuan namin ang batang lalaki. He's Timothy, matagal ko nang gustong ampunin ito ngunit maraming pumipigil sa'kin isa na dito ang sakit ko na pumipigil sa kagustuhan kong umampon ng Bata.

" Oo..nga ija sumabay na kayo kumain sa kanila." Pag sang-ayon ni sister Era inabutan naman ako ni Timothy ng plato.

" Pwede po ba kami mag request ate, ma'am? Gusto po namin kayo makita ni kuyang pogi na sumasalo or di kaya Kumain sa isang Plato po please!!" Napalunok ako at tinapunan ng tingin ang Ginoong tila nanalo sa loto.

"Actually baby, okay lang naman sa'kin pero sa ate ma'am niyo hindi kolang alam." pasimple ko itong inirapan nang ikinangiti niya.

" It's okay with me." sagot ko tumalon naman ito sa sobrang tuwa at nakipag apir pa ito sa Ginoong abot tenga ang ngiti.

" Ahm... Ako na kukuha ng kakainin natin." may ngiti sa labi nitong sabi at kinuha ang plato sa kamay ko.

" Healthy food please!" pahabol na sabi ko dito maliban kasi sa Jollibee bumili rin ako ng ibang pagkain para sa mga sister's dito na siyang walang pagod na pinagsisilbihan ang mga batang kasama nila.

" Subuan mo po si ate, ma'am kuya." naka-bungisngis na hirit ng isang batang babae sa katabi. Nakangiti itong tumingin sa'kin at inilapit ang kutsara sa bibig ko. Wala akong sinayang na oras at tinanggap ko ang pagkain na isinubo niya dahil sa pagkakataon na ito ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

" Water please..." Tanging nasabi ko. Iniabot naman nito ang hawak na tubig. Tumalikod ako dahil sa sobrang hiya hindi ko akalain na mauubos ko ang isang basong tubig.

****

" Ang susunod na'ting laro ay walang iba kundi ang paper dance by partner po tayo mga anak." Masayang anunsiyo ni sister Ella ang pinakabatang Madre.

" I want ate, ma'am to be my partner." Anang katabi ni Timothy. Wala akong nagawa kundi ang pagbigyan ang batang muntik na umiyak dahil gusto ako nito maging partner sa first round.

" Halika dito baby, partner tayo." Aya ko dito na siyang paglapit niya tinapunan ko nang tingin ang Ginoong di maipinta ang mukha.

"Kembot dito, kembot doon ang ginawa nang batang kapartner ko Hanggang sa tumigil ang tugtog at sabay naming inapakan ang manila paper na nasa sahig.

" Change partner na po tayo, if ayaw niyoagpalit ng partner okay lang naman po as long as nag-ienjoy ang lahat." Sister Ella said.

"Ate, ma'am... Kanina ko papo napapansin na gusto kapo maging partner ni kuyang pogi." Anang batang partner ko. Nagulat ako nang lumapit ito sa kinatatayuan ni Ivan at may binulong ito.

" Ang saya mo panoorin!" Sabi nito nang makalapit sa gawi ko.

" Ito ang sayang hindi ko kayang ipagpalit." ngumiti ako at nagulat ako sa ginawa nitong pagsayaw sa harap ko.

" Binibini...Ngiti mo'y nakakatunaw. Hindi na ako magugulat kapag nakita mo ang namumula kong pisngi." Natawa ako sa sinabi nito, nagulat ako nang bigla ako nitong buhatin at pumatong sa naka tiklop na manila paper na siyang ikina palakpak ng mga bata. Ang iba'y tinatakpan ang kanilang mata.

Nakahinga ako ng maluwag nang ibaba ako nito at inayos ang magulo kong buhok.

" Ito ang sayang hindi ko kayang ipagpalit sa kahit na anong bagay. Ang makasama ka ang kasiyahan at kaligayahan ko. Binibini, dalawangput Limang taon akong naghintay bago kita makasama ulit. Handa akong maghintay muli para sa pag-ibig ko na walang ibang magpupuno kundi Ikaw." Seryosong sabi nito at kumuha ng tubig, the game is over at nakita ko sa mata mga bata ang sayang walang katumbas.

I was left speechless, I could only hear my heartbeat. Is this what they call love? Kasi if ito nga tataya na ako.

"My heart is smiling right now because it's much better than before. For the last time tataya ako para sa tinatawag nilang pagmamahal." I whispered with so much happiness.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now