KABANATA 03 - PAIN

16 4 0
                                    

Nakayuko akong pumasok dahil alam kong nasa amin ang tingin ng lahat. Tingin na mapanghusga.

"Bakit kase magkasabay pa kami eh." Bulong ko at umupo samantalang walang lingon na pumuntang unahan si G. Ayap.

"Akala koba maaga itong umalis sa Bahay ko bakit magkasabay kaming dumating yan tuloy nasaamin ang attention ng lahat." Saad ko sa'king sarili at umiiling na umupo sa bakanteng upuan.

"Tumayo ang lahat at tayo'y manalangin bago simulan ang ating reporting." Sabi nito na siyang pagtayo naming lahat.

Umupo ang lahat pagkatapos magdasal ako nama'y kinakabahang pumunta sa gitna at ginawa ang dapat gawin. Tahimik ang lahat habang sinisimulan kong i-explain ang report na ginawa ni Prof, buti nalang mabilis kong mapag-aralan ang ginawa niyang explanation kaya walang masiyadong tanong ang mga kaklase ko.

"Kumosta ang pakiramdam mo Bb. Smith?" Napahinto ako sa pagsasalita nang magtanong ito na siyang ikinabulong ng mga kaklase ko. Napalunok ako nang makita ang mapanuksong ngiti ng pinsan ko abot tainga ang ngiti nito.

"Uhmm...mabuti na ho ang pakiramdam ko Ginoo. Salamat po pala." Sagot ko at walang kurap ko itong tiningnan.

"Sa susunod mag-ingat ka at kapag masama ang pakiramdam mo... wag niyong pilitin ang katawan niyo mas mahalaga parin ang kalagayan at kalusugan ng bawat isa sa inyo." Mahabang sabi nito at pinagpatuloy kona ang pagsasalita sa gitna.

"Pasok ba sa standard mo si prof?" Nagulat ako nang may bumulong sa tainga ko lumingon ako upang malaman kung sino ito. "Gulat na gulat Aea?" Nakangising tanong ng pinsan ko.

"Hoy...wag ka nga mainggay baka marinig ka at machismis pa kami."Saway ko rito. Mahirap na baka mawalan ng trabaho ang prof namin dahil sa'kin. Yes I have feelings to him but it just called paghanga maliban don wala na akong nararamdaman na kakaiba.

"Pero bakit mo nga ako iniwan sa kanya?" Nagtatampong tanong ko rito nang ikinabuntong hininga nito.

"When I saw worried face of Prof. Ayap, alam kong gusto ka nito alagaan ewan pero ang bilis ko magtiwala sa kanya.

"Next time wag muna ako ipaubaya sa kanya nakakahiya masiyado kona siyang naaabala." Nawalan ng imik ang katabi ko pagkatapos kong sabihin ang salitang iyon.

Naiwan akong mag isa sa kinauupuan ko dahil gusto ko mapag isa at pag-isipan ang mga sinabi ng pinsan ko.

"Aea, siguro it's time na mag-usap kayo ni tito at tita upang may mag aalaga sayo, you need them Aea. I know na gusto ka na nila makasama. Mahal na mahal ka nina Tito at tita Aea trust me." Tila nabingi ako sa narinig ko mula sa kanya doon ko narealize na wala siyang alam about sa'min ng parents ko. Ang alam niya lang may tampuhan kami yun lang pero maliban don wala na siyang alam kaya nasasabi niya ang mga ito.

"Ang mabuti pa wag na natin sila pag usapan nakakasama kasi sa'kin yun eh." Kita ng dalawang mata ko ang lungkot na gumuhit sa mukha nito. I know na ayaw niya na nakikipagtalo ako sa magulang ko, pero wala siyang alam kung gaano ito kasama. Wala siyang alam kung gaano ako nasaktan sa mga desisyon ng mga ito. Sa bagay hindi ko naman masisisi ang pinsan ko dahil wala ito sa pilipinas ng mangyare ang problemang yun.

"Okay...mauna na ako pag-isipan mo ng mabuti ang mga sinabi ko." Pagpaalam nito nang ikinatango ko.

"Wala akong dapat pag-isipan dahil sapat na sa'kin ang mabuhay mag-isa. Hindi ko sila kailangan. Hindi ko kailangan ang magulang na tulad nila. Magulang na gusto nang patayin ang anak nila kahit na lumalaban pa ito. " I whispered. Bumuntong hininga ako at isinawalang bahala ang sinabi ng pinsan ko.

"Drink this..." Napahawak ako sa'king dibdib nang lumitaw bigla sa harap ko ang napaka poging professor namin. I feel pain inside my chest pero pinili ko paring kauspin na parang walang sakit na nararamdaman ang professor na nasa harap ko.

"Ginulat niyo naman ho ako Ginoo." Nakahawak sa dibdib kong sabi rito nang ikinalambot ng expression nito.

"Paumanhin kong nagulat kita gusto kolang ibigay saiyo ito." Hinging tawad nito at nilapag sa table ko ang mineral water at cookies na siyang ikinalungkot ko dahil hindi ko naman ito makakain.

"Heto inomin mo pagkatapos mo kainin 'yan ." Bilin nito at iniwan akong nakakunot ang noo.

" He's weird..." Bulong ko at ininom ang tubig na binigay nito.

" Sad to say bawal ako sa matatamis pero mukhang masarap ang cookies nito,'di naman siguro masama matikman ang cookies na bigay ng napaka poging prof nayun." Kausap ko sa'king sarili at binuksan ang cookies na bigay nito inamoy ko muna ito bago ko itong kainin.

Maggagabi na ng umuwe ako sa bahay tahimik at maaliwalas na loob ang sumalubong sa'kin. "Hindi ko ipagpapalit ang buhay na mayroon ako ngayon sa pamilyang walang ginawa kondi ang pasekreto akong pinapatay. I don't need them. Kaya kong mabuhay na wala sila kinaya kona mas kakayanin kopa." May hinanakit akong ngumiti at isinalampak ang sarili sa kama, napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa dibdib ko. Nanginginig ang katawan ko nang bigla itong nanikip.

"I c-can't breathe..." I whispered at pilit na kinukuha ang cellphone sa loob ng bag ko.

"Lord p-please not again. Please give me more chance para mabuhay at maenjoy ang b-buhay na binigay mo..." Nahihirapan kong pagmamakaawa.

Handa konang tawagan ang private doctor na kinuha ko nang gumaan ang pakiramdam ko.
The pain I felt suddenly disappeared.

I want to cry because I'm so happy but I can't. Maybe not everything that is happy is not good for us minsan kahit masaya tayo hindi natin ito pwedeng ipagdiriwang dahil katumbas nito ay sakit, sakit na hindi alam ng lahat.

"Thank you again lord sa panibagong chance. I know marami na akong hiling sayo pero hindi ka nagsasawang ibigay ito." Hindi ko mapigilan ang luhang bumabadyang pumatak.

Again I cried because of so much happiness that God give. It's my another chance to live in this world full of mysterious and challenges.

THREE WORD'S, I LOVE YOU [ON-GOING]Where stories live. Discover now