Chapter 12: Revenge

576 24 1
                                    

MAGKAKAHARAP ang tatlong magkakapatid pati narin ang mga kaibigan nila na sina Abby, Victoria, Marcus at Vladimir.

"So.. what now? Are we going to stare at each other?" Basag ni Abby sa katahimikan namumutawi sa pagitan nilang pito.

"Shut up Abby, He's trying to figure out something." Ani ni Victoria.

"Guys, you don't have to worry. Hindi nila tayo pwedeng atakihin sa ngayon. Hawak ko ang alas." Ani ni Luther at ngumisi.

"Who?" Takang tanong ni Stefan.

"I have Gustavo's Daughter." Nakangising sabi ni Luther sabay halakhak.

"Where is she?" Takang tanong ni Paris.

"Oh no, my dear sister I know that it will break your heart if you find out who the girl is." Ani ni Luther. "I locked her at the dark room." Ani ni Luther at ngumiti pa ito.

"Can we talk to her?" Tanong ni Vladimir sakanya.

"No one is allowed to go inside that room." Matigas at may awtoridad ang tono ng boses ni Luther ng sabihin niya 'yon. "Bukas ay unang araw ng kabilugan ng buwan at siya ang gagawin nating alay." Ani ni Luther.

"No way! Luther! Are you out of your mind?! Ipinagbawal na 'yon ni mom at dad!" Ani ni Paris.

"Hays! Pinapairal mo nanaman yang kabaitan mo Paris. We should keep in mind that we are vampires we are merciless and we are dangerous!" Ani ni Luther.

"I disagree with you!" Ani ni Paris tsaka naglakad palabas ng silid. Sumunod naman sakanya ang mga kaibigan nila pwera lang kay Victoria.

"I'm with you." Ani ni Victoria sabay tapik sa balikat ni Luther.

VICTORIA stole the key at Luther's pocket earlier and she quickly ran upstairs and went at the dark room.

Ng makapasok siya ay binuksan niya ang flashlight para makita niya ang paligid ng dark room.

Maalikabok at puno na rin ng mga sapot ang kisame at dingding ng dark room kung kaya't tinakpan niya ang ilong niya gamit ang panyo na dala dala niya.

Napangisi si Victoria ng makita kung sino ang babaeng tinutukoy ni Luther na anak ni Gustavo.

"Celeste..." tawag nito sa pangalan niya.

Napatayo si Celeste ng makita si Victoria na nakatayo sa harapan niya. Pero hindi niya inakala ang sunod nitong ginawa, umalingawngaw ang malakas na tunog ng sampal sakanya ni Victoria tsaka hinila pa nito ang buhok niya.

"How dare you! Paano ka nakapunta sa Elphinestone?! Are you a spy?" Nanggagalaiti sa galit si Victoria kung kaya't tinulak niya si Celeste na dahilan para tumama ang likod ng dalaga sa dingding.

Napadaing si Celeste sa sakit ng tumama ang likod niya sa pader. Lumapit sakanya si Victoria at pinagsasampal siya at pinaulanan pa siya nito ng tadyak sa sikmura niya.

"I will kill you! Say your last words Celeste dahil sigurado akong hindi kana sisikatan ng araw!" Ani ni Victoria.

Nagsuka na ng dugo si Celeste at hawak hawak na niya ang sikmura niya at matalim na tumingin kay Victoria. Her eye color turns black but it immediately return to its natural color.

"W-what happened to your eyes..." Biglang tanong ni Victoria. Hindina maipinta ang reaksyon niya dahil sa nakita niya sa mga mata ni Celeste.

"No way... You-" Biglang napalingon si Victoria sa pinto ng may marinig siyang yabag ng mga paa na papalapit sa silid kaya naman kaagad siyang tumakbo palabas at iniwang magisa doon si Celeste.

HINDI alam ni Celeste kung ilang oras o araw na ang lumipas. She lost track of time. Napalingon siya sa pinto ng bumukas yon at tumampad sakanya ang iilang mga guard ni Luther. Hinawakan siya ng mga ito sa braso at pilit na tinayo, wala na siyang lakas para lumaban pa dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Pumasok sila sa isang silid at sumilay ang ngiti sa mga labi niya ng makita niya ang mayordoma.

"Hija! Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ng mayordoma sakanya. Napailing iling si Celeste at hindi niya napigilang hindi lumuha dahil hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin dahil wala siyang lakas para makapag salita.

Niyakap siya ng mayordoma na puno ng pagaalala sakanya ng makita ang itsura niya.

"Nanganganib ang iyong buhay, mabagal ang pagtibok ng puso mo kung magtutuloy tuloy ito maaari kang mamatay." Ani ng mayordoma. "Mas lalong nanganganib ang buhay mo ngayon dahil gagawin kang alay ni Luther para sa kabilugan ng buwan. Kukunin nila ang dugo mo kaya binibigyan kita ngayon ng pagkakataong makatakas!" Ani ng mayordoma.

"Pasensya kana Hija kung hindi kita masasamahan dahil baka hanapin ako ni Luther pero doon kana lang sa likod dumaan dahil walang bantay doon." Ani ng mayordoma.

Wala na siyang sinayang na oras dahil kahit namimilipit na siya sa sakit at hinang hina na siya ay lumabas siya ng silid at tahimik na bumaba ng hagdan.

Tinahak niya ang daan papunta sa likod ng mansyon. Napangiti siya ng makita niyang bukas ang pinto kaya dali dali siyang naglakad.

Pero bago pa siya makalabas ay mayroong malamig na kamay na humila sa braso niya.

Luther.

Matalim ang titig sakanya ni Luther pero nabahiran iyon ng pagtataka ng makita ang itsura niyang puno ng bugbog ang katawan.

"Who did this to you?" Tanong sakanya ni Luther.

Hindi siya nag salita bagkus ay tinitigan niya lang si Luther.

Ng hindi nagsalita si Celeste ay binuhat siya ni Luther. Nakaramdam siya ng kaba ng lumabas sila sa mansyon tsaka ibinaba siya at tinali ang mga kamay niya.

Madaming tao sa paligid at sa gitna non ay mayroong nagliliyab na apoy, tinulak siya ni Luther na dahilan para mapalapit siya sa mainit at nagliliyab na apoy.

"Ikaw ang gagawin kong pghihiganti sa mga magulang mo!" Ani ni Luther at humalakhak.

Tatangkain sana siyang itulak ni Luther ng biglang sumigaw si Paris. Ng mapalingon ang lahat sa direksyon niya ay kasama na niya ang mayordoma.

"Hindi siya ang anak ni Gustavo! She's not a vampire!" Sigaw ni Paris.

Napalingon sakanya si Luther na puno ng kyuryosidad ang reaksyon.

"Ikaw!" Galit na turo ni Paris kay Luther. "Naturingang nasa utak ang kapangyarihan mo pero hindi mo ginagamit!" Ani ni Paris at malakas na sinampal si Luther.

"That's enough Paris!" Boses yon ni Stefan.

Naramdaman naman niyang mayroong presensya sa likod niya at nakita niya si Vladimir at Marcus. Lumapit ito sakanya at tinanggal ang tali sa kamay at paa niya atsaka pinasampa siya nito sa likuran niya.

Nakita ni Celeste na tumingin sa direksyon niya si Paris at matamlay siya nitong nginitian. She ignored Paris and looked away.

"You nearly died aren't you? You lost so much blood." Ani ni Marcus.

Bigla siyang nanibago dahil malumanay ang boses nitong nakipag usap sakanya.

"Don't worry. He will be punished." Ani ni Marcus.

"Focus on your medication, Luther's butler will be incharge on taking care of you." Sabat naman ni Vladimir.

Napatango tango lang siya at inihilig ang ulo sa balikat ni Marcus at dahan dahang ipinikit ang mga mata niya.


To be continued.

Hallooo readers! Pasensya na ho sa mabagal na update ni author katatapos lang po ng exam namin at mas inuna ko po talaga na mag focus sa pag rereview kaya matagal din akong hindi nakapag update huhuhu 🥲

-Author

VAMP ACADEMYWhere stories live. Discover now