Part 1

575 16 1
                                    

Unknown's POV

pinapanuod ko lang ang araw na lumubog, talaga namang napaka gandang tanawin sobrang ganda at maraming tao ang gustong makasaksi nito. 

napatingin ako sa paligid at nakitang umaalis na ang ibang tao dahil nga naman tuluyan ng nagdilim, nasa tuktok na ng kalangitan ang buwan na kanina pa sumisilip. 

hayyy hanggang kelan kaya ako magiging ganito? hanggang saan ako dadalhin ng mga paa ko, ilang araw na akong nag lalakad pero di ko alam kung san ako pupunta. 

umalis na ako sa pwesto  na aking inuupuan at nag lakad lakad na sa gitna ng mga maiilaw na gusali. wala akong mamukaan ni isang mukha.

haysss at bakit kasi pangalan ko pa ang aking nakalimutan, wala akong maalala sa kung sino ako at kung san ako nakatira. i just find myself here in the city and it seems like di ako makaalis. 

"ay sorry po"  wika ng isang lalaking nakabangga sa akin. nanlaki ang mata ko  at agad ko syang sinundan

medyo bumilis ang lakad nya nung sinimulan kong tawagin sya. haysss eto naman si kuya pa hard to get

"wait lang!!! HOY KUYA!"  sigaw ko sa kanya alam kong naririnig nya ako dahil bigla na lang nya nilagay ang earphone nya sa kanyang tenga 

mabilis man sya maglakad pero naabutan ko parin sya andito sya sa may sakayan ng tren nag aantay ng tren na sasakyan nya

"wag kana mag kunwari alam kong naririnig mo ako" sabi ko sa kanya pero sya naman tong walang kibo

paano ko kaya to makakausap hmmmm siguro nahihiya lang sya mag salita kasi maraming tao dito baka pagkamalan syang baliw hmm gets sige sundan ko na lang sya

"gets ko na nahihiya kang sumagot kasi maraming tao, sige kuya" sabi ko at sabay tingin sa id nya "kuya danerie susundan nalang kita hanggang sa pwede na tayo mag usap oki?" at ngumiti ako ng napakalaking ngiti sa kanya

umiiling iling naman sya pero siguro dahil yun sa kachat nya kanina pa ksi sya nakatingin sa phone nya eh, siguro girlfrend nya kausap nya. hmp pogi sana kaso taken na siguro

di naman nagtagal dumating rin ang tren sumakay sya kaya naman sinundan ko rin sya agad

"ang bilis mo naman kyah parang ayaw mo ako kasama ah" singhal ko dito

bigla naman syang umupo at pinikit ang kanyang mga mata hays, mas gwapo ka pala pag tulog.. apakalandi mo naman pala self hmmppp hahahaha

"monumento station paparating na sa monumento station" sabi nung radio sa tren, bigla naman tumayo si kuya at pumwesto sa pinto

apaka bilis nya talaga kumilos andami pa namang bumababa dito pilit kong hinabol si kuya gamit ang mga mata ko para naman kahit papano alam ko kung san sya pupunta at masundan ko nga sya

ayoko kasi basta basta buambangga sa mga tao last time na bumangga ako napasanib pa haysss

nagmadali akong bumaba dahil nakita kong bumaba na rin sya pero pag baba ko ayun na nasan na sya? 

sobrang daming tao, ano nga uli kulay ng damit nya? hayssss!! tanga tanga mo self!!!! 

asan kana kyah? bat di mo naman ako inantay :( 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now