Part 6

228 8 0
                                    

Venus's POV


"so ano pre una na kami ni hadji, ikaw kiel ?" tanong ni edward magsisi uwian na pala sila


"ah dito na ako kay danerie sasabay" sabi ni naman ni kiel


"huh? tanga sumabay kana kila edward" pag pprotesta naman agad ni danerie


"baliw para mas malapit bababaan ko pag kay edward ako sumabay dalawang kanto pa lalakarin ko" singhal naman ni kiel


"hahahahaha dito kana kiel bobo mo rin kasama nya nga si venus" natatawang sabi ni edward


"ay oo nga pala, sorry venus kung nasan ka man wag ka magagalit" natatakot na sabi ni kiel at naka praying hands pa nga sya


"wag ka mag alala di sya galit natatawa lang sayo, oh ikaw von san ka?" tanong ni danerie kay von na natatawa lang sa kanila


"ah may kotse naman ako kaya ko naman na sarili ko" wika nito


tumango lang si danerie at sumakay na sa motor nya, may motor pala sya pero bakit nag LRT parin sya nung nakaraan ?


"sige pre ingat kayo ah" sabi ni danerie at nag paalamanan na silang mag kakaibigan "oh ikaw? di ka sasakay? maiwan ka dyan sige ka" nakatingin na pala sakin tong isang to


"pano ba sumakay sa motor?" tanong ko naman sa kanya 


"tumongtong ka dito sabay upo" sabi ni danerie habang binababa nya yung apakan ng passenger nya. 


muntik pa nga ako sumubsob buti naka kapit ako sa kanya


"wow di ka tumatagos ah" natatawang sabi ni danerie


"excuse me nakokontrol naming mga kaluluwa yun" seryosong sabi ko sa kanya


"oh wag kang magalit alam ko hahahaha" sabi nya, loko loko, alam naman pala nya

"oh kapit kana baka liparin ka ng hangin" biro nya ule sinapok ko nga helmet nya

"aray ko! ikaw ah mapanakit ka iwan kita dito eh" ay wait nagalit ata talaga sya


"ay sorry eto na nga" tapos  yinakap ko  na sya mahirap na baka liparin nga ako. 


di naman na sya nag salita pa at nag simula ng mag maneho, grabe ang sarap pala mag motor pag gabi ewan ko  lang sa umaga pero grabe ang ganda ng langit, ng paligid. 

di nag tagal nakarating rin kami sa isang building dito na siguro sya nakatira. 


"taray naka condo naman pala" biro ko sa kanya pero nangiti lang sya sakin, umiwas naman ako agad dahil bwakanang shet ang gwapo mo naman don ser!


habang nakasakay sa elevator sinabi ko naman yung tungkol kay mang joselito.


"ah nameet mo na pala sya, mabuti yun at kahit papano may makakausap ka hindi lang ako" wika nya habang naka tingin sa floor number na pataas ng pataas. 


"kaya nga eh, ang bait nya rin kung kaylangan ko raw ng tulong eh sa kanya lang ako lumapit" pagyayabang ko sa kanya. 


pero di  na sya sumagot at lumabas na rin sa elevator pag dating ng floor number 20 


"ang taas naman ng floor mo" reklamo ko.


"aba nag reklamo ka pa ah"  wika nya at naglakad na


sinundan ko lang sya at nasa pinaka dulo pa unit nya. pag pasok ko sa unit nya nagulat ako sa nakita ko grabe ang linis parang di lalaki nakatira i mean i expect it to be a disaster pero grabe kudos sa kanya. 


"so you really like venus ah" sabi ko dahil punong puno ng venus globe yung sala nya siguro mga 4 tapos may mga paintings and picture sa wall na venus planet 


"ewan ko ba since college nung una kong nakita yang venus di ko alam pero na inlove na ata ako sa planeta" natatawang sabi nya 

"tignan mo may telescope pa ako dyan" sabi nya sabay nguso doon sa terrace nya


grabe sobrang ganda dito, may mga bean bags may isang maliit na mesa na may maliit na halaman may throw pillow at may blanket pa, grabeeeee


"grabe ang ganda naman dito " sabi ko habang sumisilip sa telescope nya


"ganda ng buwan no?" tanong nya sabay lihis ng telescope nya para makita ko ng mabuti ang buwan


wow grabe ang ganda, andaming stars nakakatuwa. 


"grabe thankyou danerie" sabi ko at tumabi ako sa kanya 


"wala yun, o pano magpapahinga na ako, goods ka na ba dito?" tanong nya sakin 


"oo dito na lang ako salamat ule" wika ko  sa kanya. 


tumayo na sya at umalis na, i can look at the sky forever nakaka kalma ng pakiramdam. 

--

nagising ako sa ingay na narinig ko, si danerie pala nakatingin sa telescope nya. 


"sorry ah lalabas na kasi si venus eh" sabi nya habang nakatingin sa telescope nya "look oh she's so pretty" sabi nya habang pinalalapit nya ako para makita ko


sinilip ko naman at damn! napaka ganda nya nga. 


"ang ganda nga nya" sabi ko naman


"sobra" danerie


tinignan ko si danerie at bigla nyang iniwas ang paningin nya sakin at tumingin sa langit


"mag hahanda lang ako almusal tawagin na lang kita" nagmamadali nyang sabi at umalis na rin.


weird naman, bakit bumibilis tibok ng puso ko? wala na akong puso diba? bakit ganto pakiramdam ko? 

ano tong pinararamdam mo sakin danerie? bakit all of a sudden i'm feeling something? 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now