Part 15

193 11 8
                                    

Danerie's POV

di ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon ni mama, sobrang gulong gulo ako paanong kilala nya si venus? and vee? saan galing yun? i remember something venus said while im sleeping may sinasabi raw akong vee or bee. what is happening?


"baka naman nakwento mo pre di mo lang matandaan" sabi ni kiel 


"impossible pre, di nga ako umuuwe nung mga nakaraang linggo saka pag kausap ko si mama puro kamustahan lang kami di ko nga sinasabi sa kanya kasi baka magalit lang or baka mag alala sa mga desisyon ko eh" sabi ko sa kanya.


parehas naming inaantay si mama dito sa sala, dahil may kukunin lang raw sya saglit bago nya ipaliwanag ang lahat. 

di rin naman nag tagal dumating ng muli si mama, hawak hawak ang isang box para syang box ng sapatos. 


"makinig ka dj alam ko dapat matagal ko na to sinabe pero mahal kita anak ko, ayokong may mangyaring masama sayo" sabi ni mama habang hawak hawak ang pisnge ko. 


di na ako umimik at tumango na lang ako gusto ko na lang pakinggan lahat ng sasabihin nya. kung ano man yun. wag kana matakot ma,


"dj remember noong high school ka na aksidente ka?" tanong ni mama, tumango naman ako dahil doon ko nga nakuha yung scar ko sa noo eh, that car accident wala akong masyadong ma alala about don pero sabi ni mama masyado raw malala para alalahanin pa kaya kinalimutan ko na lang rin. 


"hindi yun car accident anak" kumunot naman ang noo ko dahil sa narinig ko hanggang sa may pinakita syang news paper sakin lumang luma na ito pero may picture ng isang ferris wheel. 


"you were there when the earthquake hit, sobrang lapit ng amusement park na yan sa epicenter ng lindol kaya sa sobrang lakas nabuwag ang ferris wheel" 

"you were there danerie" naiiyak na kwento ni mama, okay? pero that doesnt explain why she knows venus. 


"you were there anak with vee" napatayo ako sa narinig ko at sa di mapaliwanag na dahilan i started crying. 


"noong high school kayo you and vee are together, nakapasok ka sa isang private school because of your scholarship, sobrang elite nung school na yun and thats where vee's goes too"

"sobrang yaman ng pamilya nila anak, you and vee became close lagi kayong magkasama, hanggang sa pinakilala mo syang girlfriend mo sa akin" 

"madalas kayong mag date sa amusement park na yan, lagi mo pang pinagyayabang na lagi kayo magka holding hands sa ferris wheel na yan" 

"hanggang sa malaman ng tatay ni vee kung anong meron sa inyo, ayaw nya sayo kasi nga sino ba naman tayo? wala tayong kahit ano noong mga panahon na yun" 

"pero yung mama nya? sobrang bait botong boto yun sayo, sobrang saya ng mama ni vee dahil nakilala ka ng anak nya" tuloy tuloy na kwento ni mama.


"how come i dont know anything about it ma?" nagtatakang tanong ko 


"you had head injury anak, all of your highschool life before the incident lahat yun na wipe out sa utak mo, nagka amnesia ka because of the head injury" umiiyak na sabi ni mama


"but why ma? bakit hindi mo sinabe na may girlfriend ako? bakit ngayon ko lang to nalaman?" tanong ko sa kanya, litong lito parin ako di ko alam kung ano talaga ang totoo


"katulad ng sinabe ko kanina, mayaman ang pamilya nila after the incident ayaw na nilang ipaalam sa inyong dalawa kung ano man meron sa inyo, kaya napagusapan naming palabasin na car accident ang nangyari"

"her father knows na nagka amnesisa ka, kaya nakiusap sya sakin na wag nang ipaalam sayo kung ano man meron sa inyo ng anak nya"

"sa inyong dalawa si vee ang mas napuruhan, nasa hospital ka for 6months pero si vee na comatose agad, hindi ko lang alam kung ano pang balita sa kanya" 

"natakot ako anak sa tatay ni vee, masyado syang makapangyarihan kumpara sa atin takot na takot ako that time, kaya napag desisyonan namin ng papa mo na ilihim na sayo, ayokong mawala ka sakin anak ko hindi ko kakayanin" sabi ni mama


nag simula namang umiyak ng umiyak si mama, niyakap ko naman sya para kahit papano tumahan sya


"im sorry anak" sabi ni mama 


"wag kang mag sorry ma, naiintindihan ko po" sabi ko rito. di ko alam kung anong takot ang naramdaman ni mama pero alam kong ginawa nya lang yun para sa akin


"eto nga pala yung mga letters na binigay sayo ni vee noong high school kayo, may mga pictures rin kayo dyan" pagkasabi na pagkasabi ni mama non kinuha ko yung box.


ako nga ito at si vee, sobrang ganda ng ngiti mo dito mahal ko, kaya ba sobrang gaan ng loob ko sayo agad? kaya ba kahit ayaw kita kausapin noong una eh gusto parin kita alagaan? 


"so paanong kasama mo si vee dito anak?" tanong ni mama hawak hawak ang cellphone ko


"remember yung multong sunod ng sunod sakin?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya

"sya yun ma, si venus kaya rin ako di nakakauwe nitong mga nakaraang linggo dahil sa kanya, masaya akong kasama sya ma. minahal ko sya kahit na kaluluwa lang sya" sabi ko at nag simula na namang pumatak ang luha ko


"grabe talaga ang tadhana ano anak? kahit pinaglayo na kayo ng mundo pilit parin kayong pinaglalapit" wika ni mama


totoo ba yun tadhana? kasi kung oo please ibalik mo na sya sakin, bigyan mo ako ng paraan para makita ko uli sya nang makasama ko uli sya. 

it all make sense now, lahat ng hilig ko sa planetang venus, its all because of you vee, kalimutan ka man ng isip ko. pero hinding hindi ka mawawala sa puso ko. 

gagawa ako ng paraan para makita kang muli para magkasama tayo this time wala nang hahadlang sa pagmamahalan natin. 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now