Part 14

201 11 7
                                    

Danerie's POV

the getaway does not last long dahil  wala rin naman akong ginawa kundi hanapin si venus, sobrang di ko lang maintindihan kung bakit biglang syang nawala. ang theory lang na meron kami is that baka yung katawan nya yung biglang sumuko na 


laging ko pinag dadasal na sana hindi naman, na sana okay lang sya kung san man sya naroroon. 


"wag kang mag isip ng kung ano ano  pre, kausapin kaya natin si mang joselito?" sabi ni kiel andito sya sa unit ko para tulungan ako 


"oo nga no, syempre mas marami syang alam" sabi ko at tumango naman si kiel.


dali dali kaming pumunta sa opisina kahit na naka leave parin kami, dumiretso ako sa opisina ko para tignan kung andon si venus pero wala rin sya. 

nag antay lang kaming gumabi para makausap si mang joselito dahil tuwing gabi lang naman sya andito. 


"andyan na sya pre" sabi ko kay kiel. 


sabay kaming pumunta  sa pantry at doon na lang namin kakausapin ang matanda


"mang joselito" tawag ko rito at napalingon naman rin sya agad


"oh danerie kala ko naka leave ka? asan si venus? di nyo ata kasaama" sabi nya, see? pati sya di nya nakikita si venus so it means walang problema sakin 


"ayun na nga po eh bigla na lang syang nawala" sabi ko rito 


kitang kita ang gulat ni mang joselito sa sinabi ko, di ko sya masisisi dahil naging close rin naman sila ni venus 


"paanong nawala?" takang tanong nya


"nag uusap po kasi kami about us, kung ano meron samin, then all of a sudden bigla na lang syang nawala na parang bula.. may alam ka po ba about don?" tanong ko sa kanya at di parin ako mapakali. 


"kala ko wala nang mas hihirap pa sa sitwasyon ko" malungkot na wika ng matanda 

"wala akong alam sa ganyan danerie, maski ikaw alam mo na kung  may liwanag man na susundo sa kanya makikita mong may liwanag talaga pero yung biglang nawawala, wala pa akong nasaksihan na ganyan" 

"unless yung katawan nya mismo ang bumigay na" sabi ni mang joselito na nakapag patigas ng buong katawan ko 


"anong sabi ni mang joselito? okay ka lang ba?" tanong ni kiel at tinulungan akong makaupo 


"hindi nya rin alam pre, may chance raw  na katawan nya na mismo ang bumigay" malungkot kong sabi sa aking kaibigan 


"di parin natin alam pre, baka naman di ganun ang nangyare" sabi ni kiel, nakakatuwa rin tong si kiel eh di ako iniwan simula nung nawala si venus sana all di iniiwan. 


"wag kang mag alala danerie kung makita ko sya, dadalhin ko sya agad sa iyo" sabi ni mang joselito 


tumango na lang ako sa kanya at umalis na sa opisina uuwi na lang ako sa bahay dahil wala naman akong mapapala. 

hinatid ako ni kiel hanggang sa bahay, sinalubong naman kami ni mama na alalang alala sa akin.


"maraming salamat kiel, dito ka muna kaya tumuloy?" pag aaya ni mama kay kiel at pumayag naman si kiel dahil siguro sa pagod nya rin


"dyan muna kayo hahandaan ko lang kayo ng pagkain"  mama


"salamat po tita" sagot ni kiel sa mama  ko


"bakit ganun pre? parang wala na akong nararamdaman? parang nagmamanhid buong katawan ko" sabi ko at di ko napansin na umiiyak na pala ako


"pre okay lang yan na umiyak ka, okay lang yan na masaktan ka, hindi natatapos dito ang lahat naniniwala akong makikita mo parin sya" wika ni kiel habang pinapatahan ako


"ang hirap pre, hanggang dito na lang sa litrato na to ko sya masisilayan" sabi ko habang tinitignan ang cellphone ko


"handa na ang pagkain magpunta na kayo ng kusina nang makakain na kayo at makapag pahinga" sabi ni mama 


kinuha ni mama yung cellphone ko sa kamay ko pero agad nya rin itong naihulog, tinignan ko sya at bakas sa mukha nya ang takot at gulat 


"bakit kasama mo si vee?" 


tanong ni mama na nakapag patindig ng balahibo sa buong katawan ko, bakit mo kilala si venus? paanong kilala mo sya? never akong nag open up about kay venus kay mama. how? 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now