Part 24

222 12 1
                                    

Danerie's POV

natutulog parin si venus ngayon, at nakausap ko na rin ang mama nya regarding sa nangyare.


"hindi ko alam kung bakit nya nagawa sa anak nya yun danerie naguguluhan parin ako" sabi ni tita Liza, andito kami sa chapel ng hospital nag uusap 


"noong mga bata pa kayo hinayaan ko syang pag layuin kayo pero hanggang ngayon? knowing na ikaw pa tumulong kay vee"

"di ko na alam kung anong iniisip ng asawa ko, pasensya kana danerie di ko akalain na kaya nya uli gawin yun" sabi ni tita liza


"wala po kayong kasalanan tita, mabuti pong this time lumaban na kayo, unfair po kasi kay vee" sabi ko naman sa kanya tumango naman sya


"buti nga't sinabi sakin ni eyon ang lahat, kaya di na ako nag patumpik tumpik pa kinausap ko na agad si mark" tita Liza


si tito mark pala ang may pakana na sabihin ni von na sya ang tumulong kay vee, dahil sinabi naman pala ni von ang totoo kay tito mark but when von said na ako yung tumutulong kay vee plinano nyang si von ang palabasin na tumulong kay vee


di ko alam kung anong mararamdaman ko sa totoo lang parang ang mamanhid na buong katawan ko, 3 days nang tulog si vee hanggang ngayon di rin masabi nang doctor kung kelan sya gigising. 


tinggal rin ako ni tito mark sa trabaho di ko alam kung bakit pati trabaho ko nadamay sa personal na galit nya sakin, tita Liza had it at nakipag hiwalay na sa kanya  lumapit na rin sya sa batas para makakuha ng restraining order para kay tito mark.


nag babanta pa kasi ito nang kung ano ano at natatakot na si tita Liza kaya naisip nyang gawin yon, well for me okay naman yun atleast they will feel safe na rin. 


"sure ka bang okay lang ikaw muna dito?" tanong ni tita Liza, after kasi nila mag hiwalay ni tito mark nakahanap sya agad ng work to support vee here in hospital


"opo tita okay lang po ako dito" sabi ko naman sa kanya


umalis na rin sya at pumasok  na ako uli sa kwarto ni venus, ang himbing parin ng tulog nya, tinabihan ko sya at hinawakan ang kanyang kamay balik kana sakin mahal ko sabi ko sa kanya di ko naman mapigilang antukin dahil wala rin naman ako makausap. 


di  naman nag tagal nagising ako dahil  pakiramdam kong may nakatitig sakin, at tamang tama pag mulat na pag mulat ng mata ko kitang kita ko ang mga mata ni vee na nakatingin sakin, Lord handa na po ako gumising forever nang ganto, yes po opo!


"vee gising kana pala" sabi ko at yinakap sya

"kamusta ka? wait tawagin ko lang ang doctor" sabi ko at akmang aalis na ako pero mas hinigpitan nya pa ang yakap nya sakin


"wag mo na ako iiwan please" sabi ni venus, hindi ko alam pero nanghina bigla ang tuhod ko at napaupo uli, nag simula nang tumulo ang mga luha ko


"teka bakit ka umiiyak? may nasabi ba akong mali?" pag aalala nya, napansin ko namang parang mag papanic sya kaya yinakap ko sya uli 


"hinding hindi na kita iiwan"  sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang kanyang noo


makakaasa ka mahal ko, habang buhay na kitang sasamahan sa hirap at ginhawa. 


(a/n: sorry na sa late update guys nag bebe time lang hahahaha enjoy reading! thankyou sa support, like, comment and share the story po! keep safe, God bless! <3)

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now